Special Chapter IV - Care Nakangiti ako habang inaayos sa handbag na dala ko sa yoga center. Katatapos lang ng session namin kaya nandito kami sa bathroom para makapagpalit ng damit. "Hay nakakarelax talaga ang yoga. Ikaw baby narelax ka rin ba naging bonding ninyo ni Mommy?" bahagya kaming natawa ng marinig ang boses ni Ely, isa sa mga naging kaibigan ko sa yoga. "Oo naman, El. Siguradong narelax din sila." segundo naman ni Meribelle at humawak sa baby bump niya. Tulad ko nasa first trimester din sila ng pagbubuntis kaya nasa pare-pareho kaming session. "Buti nalang talaga at may prenatal yoga para sa atin kahit paano nakaka-alis ng stress." ngayon ang katabi kong si Veronica "Ewan ko ba sayo Vero kung bakit masyado mong iniisip ang lahat kaya ayan naistress ka." hindi matatanggi s

