Mabilis na lumipas ang mga araw. Limang araw mula ng ibili niya ako ng engagement ring at ipakita sakin ang bahay. Bumuntong hininga ako saka tinitigan ang singsing na nasa daliri ko, engaged na ako sakanya. Alam ko mabilis pero doon din naman pupunta. "Are you ready, sweetheart?" tumayo ako sa couch nang lumabas si Mommu na may dalang kalakihang paper bag. Ngumit ako sakanya. "Yeah. Let's go?" ngayong araw ay pupunta kami kila Tita Betinna. Hindi ako makatanggi dahil siya na ang mismo nagyaya sa akin. Ang kotse ni Daddy ang gagamitin namin. Si Mang Damian ang maghahatid dahil hindi siya makakasama dahil sa may aasikasuhin sa negosyo. Itunuon ko lang ang atensyon ko sa labas ng bintana ng kotse. Hindi ko maiwasang maisip na makakabisita ako gaya nito kila Claire. Nandoon kaya s

