Nanatili ang paningin ko sa kalendaryo sa cellphone ko. Lagpas isang buwan na pala.. Lagpas isang buwan na simula ng makilala ko si Zandro. Lagpas isang buwan na noong pumayag ako sa agreement. Lagpas isang buwan palang ang natatapos pero pakiramdam ko marami na ang nangyari. Marami na ang nararamdaman kong pagbabago sa akin. Itutuloy mo parin ba ito, Mariev? "Miss Mariev? Pinapatawag na po kayo ni Ma'am Mariella. Handa na raw po ang almusal." naputol ang pagiisip ko ng marinig si Manang Seta. Kasalukuyan akong nasa hardin sa masyon. Umuwi ako dahil naglalambing nanaman si Mommy sakin. "Sige ho susunod na ako." ngiti kong sagot sakanya. Ayoko sanang umuwi dahil alam kong gusto lang niyang makibalita samin ni Zandro pero nagdrama talaga siya. Napapailing nalang na sinundan ko

