This is ridiculous! Ilang oras na akong parang baliw na pasilip-silip sa bintana ng silid ko. Alas otso na ng umaga pero hindi ko pa nakikita ang kotse niya. Ang alam ko aalis siya ngayon dahil may importante siyang taong kakausapin para sa negosyo niya. Umalis na kaya siya at hindi ko lang napansin? Pero bakit hindi ko man narinig ang kotse niya? Kainis! Simula ng bantaan niya ako hindi na ako makakilos ng maayos! Pakiramdam ko palagi siyang nakabantay sakin. Nagdadalawang-isip tuloy akong umalis ng madalas dito sa bahay! Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Incoming call... Francis Anong kailangan ng isang ito? Napatingin ako sa pinto at nagdadalawang-isip kung sasagutin ang tawag. Hindi naman siguro papasok si Zandro na basta basta sa silid ko.

