Simula palang alam kong iba na ang turing niya kay Claire pero bakit naninikip ang dibdib ko? Inilibot ko ang tingin sa mga taong kasalukuyang nasa kanilang pwesto. Ilang minuto lang ay magsisimula na ang kasal, si Elaina nalang ang hinihintay na lumabas. Dumako ang mata ko kay Tamara na magkasalubong ang kilay habang nakatutok sa hawak na cellphone. "Tamara, are you okay?" "Yeah, Mariev." pilit siyang ngumiti pero hindi naalis ang tingin sa hawak. "Are you sure?" pangungulit ko. Mukha kasi siyang balisa na hindi ko madalas makita sakanya. "What do you mean? I'm really fine Mav--." she was interreupted by someone. "Mariev! Tamara!" napatingin ako sa tumawag samin. It was Jennica. Hindi sinasadyang napadako ang paningin ko sa lugar nila Zandro at Claire. Agad kong naramdaman a

