It's been one week. Isang napakahabang linggo pero wala paring balita kung nasaan si Elaina. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Nick ngayon para mahanap siya. Halos hindi ako makatulog ng maayos sa pag-aalala. Huminto ako sa paglalakad sa loob ng opisina ko ng may kumatok. "Ms. Mariev?" it's Maricar, my secretary. "Yes? Come in." pilit akong ngumiti ng pumasok siya. May dala siyang mga folders na sa tingin ko kay Kuya Marco galing. "Pakireview raw po sabi ni Sir Marco." inabot ko ang folders. "Saka din po iyong mga files na pinapatapos niya sainyo. Ang sabi po niya kukunin nalang raw po niya after lunch." I cursed inside my mind. "Hell.." bulong ko. Paano ako makakatulong sa paghahanap kay Elaina kung tambak ang gawain ko dito sa opisina? Mariin akong pumikit bago bumuntong hining

