CHAPTER 2

2240 Words
​Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang minuto. Ang tanging ingay lang ay ang banayad na alon at ang malalim niyang paghinga. Naupo si Alessandro sa buhangin, hindi alintana kung madumihan man ang suot niyang mahal na pantalon. Sumunod ako sa tabi niya, sapat lang ang layo para hindi mailang, pero sapat din para maramdaman ko pa rin ang init na nanggagaling sa kanya. ​"Sit down, Isabella. You look like you're about to collapse," sabi niya habang nakatingin sa malawak na dagat. ​Naupo ako. I hugged my knees and buried my face for a second. Nakakapagtaka—dapat ay nanginginig ako sa takot dahil ang CEO ng De Luca Group ang katabi ko, pero bakit gano’n? Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. ​"Now, tell me everything. Start from the moment you decided to leave your room," utos niya. Hindi ito pakiusap. It was a command, but strangely, it felt like he was offering me a safe space to vent. ​Huminga ako nang malalim at nagsimulang magkwento. ​"Hindi ako makatulog. I just wanted to see him... to feel okay before the wedding," panimula ko, ang boses ko ay paos pa rin. "I took the stairs. Pagdating ko sa room niya, hindi naka-lock. I thought it was a surprise... and it was. Pero hindi yung tipo ng surprise na inaasahan ko." ​I told him everything. Kung paano ko sila nahuli ni Mikaela. Kung paano ko ibinato ang cellphone sa kanila at kung paano nagmakaawa si Ethan habang sinisisi ang step-sister ko. Hindi ko itinago ang galit ko. ​"He had the audacity to tell me it was a mistake. Na sineduce lang daw siya," sabi ko, may kasamang mapait na tawa. "As if that excuses the fact na gabi bago ang kasal namin, nakapatong siya sa ibang babae. Sa kapatid ko pa." ​Alessandro remained silent, listening to every word. Nakatingin lang siya sa malayo, ang panga niya ay nakatiim. Ramdam ko ang naglalagablab na awra sa paligid niya habang tinatapos ko ang kwento ko. ​"And you threw the ring?" tanong niya, lumingon siya sa akin, ang isang kilay ay bahagyang nakataas. ​"Yes. Right at his chest. I told him the wedding is off," matapang kong sagot. ​Bahagyang kumurba ang labi niya. Isang tipid na ngiti na hindi ko malaman kung paghanga ba o amusement. "Good. At least you have a backbone. Most women in your position would have cried and proceeded with the wedding just to save face and the business merger." ​"I’m not most women, Mr. De Luca," seryoso kong sabi. ​"I can see that," sagot niya. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa harap ko. "And stop calling me Mr. De Luca. It makes me feel like I’m in a board meeting. Call me Alessandro." ​Inabot ko ang kamay niya. Ang palad niya ay malaki at magaspang, pero ang kapit niya sa kamay ko ay matatag. ​"So, what's the plan, Isabella? Anong gagawin mo bukas kapag nagising ang lahat at nalamang walang bridal march na mangyayari?" ​Napansin ko ang kislap sa mga mata niya. Parang may kung ano siyang pinaplano na hindi ko pa mabasa. "I have to go," sabi ko kay Alessandro. Kailangan ko nang harapin ang pamilya ko. Hindi pwedeng palipasin ang gabi na hindi nila alam ang totoo. "Pupuntahan ko ang kwarto ni Papa at ni Tita Victoria. Sa 2nd floor lang din sila, katabi lang ng suite ko." Tumango si Alessandro. "Okay," maikli niyang sagot, pero hindi niya ako hinayaang maglakad mag-isa. Siniyasat niya ang paligid at sinamahan ako pabalik sa hotel. Ramdam ko ang proteksyon sa bawat hakbang niya sa tabi ko hanggang sa makarating kami sa lobby. "Isabella," tawag niya bago kami tuluyang maghiwalay. "Don't let them break you again tonight. You've already done the hardest part." Hindi na ako nakasagot. Tumango lang ako at mabilis na sumakay sa elevator. 1:00 AM. Pagdating ko sa tapat ng Room 210, ang kwarto nina Papa, kakatok pa lang sana ako pero biglang bumukas ang pinto. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Doon, bumungad sa akin ang galit na galit na mukha ni Tita Victoria. "Nandito ka na pala!" singhal niya bago niya ako marahas na hinila papasok sa loob. Halos mapasubsob ako sa carpeted floor. Sa gilid, nakita ko si Papa Ricardo na nakaupo sa sofa, hawak ang isang baso ng scotch. Tahimik lang siya, pinapanood kami, pero ang lamig ng tingin niya ay sapat na para manginig ang kalamnan ko. "Ano itong sinasabi ni Ethan na nag-eskandalo ka daw sa kwarto niya at ayaw mo na siyang pakasalan?" bulyaw ni Victoria sa mukha ko. "Isabella, nasisiraan ka na ba ng bait? Isang floor lang ang layo ng press at ng mga De Luca! Gusto mo ba kaming mapahiya?" "Tita, hindi ako ang nag-eskandalo," sagot ko, pilit pinapatatag ang boses ko kahit na nagsisimula na namang mangilid ang luha ko. "Nahuli ko si Ethan. May kasama siyang babae sa kama niya... at ang anak niyo 'yon! Si Mikaela!" Inasahan ko ang gulat. Inasahan ko ang galit para sa akin. Pero wala akong nakitang gano'n. "And so?" sarkastikong sagot ni Victoria. "Lasing ang bata, Isabella. Lalaki si Ethan, natural lang na matukso 'yan lalo na't itatali na siya sa'yo habambuhay. At si Mikaela? She was just being a sister! Baka nag-uusap lang sila at binigyan mo lang ng malisya!" "Nag-uusap?" Napatawa ako sa sobrang sakit. "Tita, wala silang damit! Kitang-kita ko kung paano nila ako ginagawang tanga! Papa, wala ka bang sasabihin? Anak mo ang niloko!" Tumingin lang sa akin si Papa, hindi man lang nagbago ang expression ng mukha. "Isabella, business ang nakataya dito. Ang merger ng Del Rosario at De Luca ang pinakaimportanteng mangyayari. Huwag mong pairalin ang emosyon mo. Mag-sorry ka kay Ethan at ituloy ang kasal." Napaatras ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may sumasakal sa akin. Naiyak ako, hindi dahil kay Ethan, kundi dahil sa harap ko mismo—ang sarili kong magulang, walang pakialam sa dignidad ko. Mas mahalaga sa kanila ang pera at pangalan kaysa sa nararamdaman ko. "Anak niyo ako..." hikbi ko. "Pero parang mas mahalaga pa sa inyo ang merger na 'yan kaysa sa akin. Sinaktan ako ng anak niyo, Tita! At hinahayaan niyo lang?" "Tumigil ka sa pag-iinarte, Isabella!" duro sa akin ni Victoria. "Maglalakad ka sa altar sa ayaw at sa gusto mo. Hindi pwedeng mapahiya ang pamilyang ito dahil lang sa isang gabing 'pagkakamali'.” "Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" Halos mapatid ang boses ko sa sigaw. "Nahuli ko sila! Sa kama, Papa! Sa mismong kama na dapat ay para sa amin ni Ethan!" "Lower your voice, Isabella!" bulyaw ni Tita Victoria, ang mga mata niya ay nanlilisik sa galit. "Wala kaming pakialam kung anong nakita mo! Ang mahalaga, ang merger. Millions, Isabella. Millions of pesos ang nakataya dito. Do you think we’ll let that slip away dahil lang sa 'konting laro' ng mapapangasawa mo?" "Konting laro?" Napatawa ako nang histerikal, ang mga luha ko ay tuloy-tuloy na sa pag-agos. "Ang sarili kong kapatid ang kinalantari niya! Ganoon na ba kayo kadesperado sa pera? Mas mahalaga ba 'yang business na 'yan kaysa sa akin? Kaysa sa dignidad ko?" Hinarap ko si Papa, umaasa na kahit kaunti ay makikitaan ko siya ng awa. "Papa, please... sabihin mo sa akin na hindi totoo 'to. Sabihin mo na mas mahalaga ako kaysa sa De Luca Group." Tumayo si Papa, dahan-dahang ibinaba ang baso ng scotch sa mesa. Ang bawat yabag niya ay parang tunog ng hatol sa akin. "Isabella, stop this nonsense. Business is business. Ang pamilya natin ay nakasandal sa merger na ito. Kapag hindi natuloy ang kasal, babagsak ang stocks natin. Mapapahiya tayo sa buong bansa. Isuot mo ang gown mo, ngumiti ka sa harap ng altar, at kalimutan mo ang nakita mo. That is an order." "Hindi ako sunud-sunuran sa inyo!" pagmamatigas ko. "Hinding-hindi ko papakasalan ang hayop na 'yon!" Slap! Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Napalingaling ang ulo ko sa sobrang lakas ng impact. Nanigas ako, ang hapdi ay agad na kumalat, pero mas masakit ang katotohanang nakita ko sa gilid ng mata ko: si Papa, nakatingin lang. Hindi siya gumalaw. Hindi niya pinigilan si Victoria. "You ungrateful brat!" sabi ni Victoria sa mukha ko. "Lahat ng luho mo, galing sa kumpanyang 'yan! Pagkatapos ay sisirain mo lang dahil sa selos? Mag-ayos ka, dahil, ikakasal ka!" Hindi ko na kaya. Feeling ko ay masusuka ako sa dumi ng mga taong nasa harap ko. Mabilis akong tumalikod at patakbong lumabas ng kwarto nila. Rinig ko pa ang sigaw ni Victoria pero hindi na ako lumingon. Nagmamadali akong naglakad sa hallway, ang paningin ko ay malabo dahil sa walang tigil na pag-iyak. I felt so alone. Walang kakampi. Walang pamilya. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng Room 208. Madiin at sunod-sunod ang naging pagkatok ko, hindi alintana kung may mabulabog man akong ibang guest sa hallway. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Iniluwal nito si Chloe, ang best friend ko, na pupungas-pungas pa at halatang kagigising lang. Magulo ang buhok niya at nakasuot na ng pantulog. "Isabella? What is going on..." Kumunot ang noo niya, pilit idinidilat ang mga mata. "Pinuntahan ako ni Ethan kanina. He was frantic, asking if you were with me. Akala ko nag-away lang kayo ng konti." Hindi ako nakasagot. Hinila ko siya pumasok sa loob at agad kong isinara ang pinto. Parang doon lang bumigay ang lahat ng lakas na itinira ko para makaalis sa kwarto nina Papa. "Chloe..." tawag ko sa pangalan niya, nanginginig ang boses ko. "Hey, what happened? Bakit namumula ang pisngi mo? Sinong gumawa nito sa'yo?" Bakas na ang pag-aalala sa mukha niya nang mahawakan niya ang braso ko. "I caught Ethan and Mikaela in bed together," diretsong sabi ko. "Sa mismong room ni Ethan, Chloe. They were... they were doing it." Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Nawala lahat ng antok sa sistema niya. "No... That b***h!" Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Isabella, I'm so sorry. I can't believe they’d do that to you. Akala ko ba... akala ko ba mahal ka ni Ethan?" "Chloe..." Doon na uli bumuhos ang lahat. Napaupo ako sa dulo ng kama niya at umiyak ako nang umiyak sa balikat niya. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit, ang galit sa pagtataksil ni Ethan, at ang mas matinding hapdi na dulot ng kawalan ng pakialam ni Papa. "Ayoko nang magpakasal, Chloe. I can't do this," hikbi ko habang basang-basa na ang balikat ng suot niyang t-shirt. "But my father... sinampal ako ni Tita Victoria sa harap niya, and he did nothing. Sinasabi nilang ituloy ko pa rin ang kasal para sa business." "Those monsters!" gigil na sabi ni Chloe habang hinahaplos ang likod ko. "Huwag kang mag-alala, Isabella. Nandito ako. Hindi kita pababayaan. Hinding-hindi ka maglalakad sa altar na 'yan kung ayaw mo." "Magbihis ka. Eto, gamitin mo," sabi ni Chloe habang mabilis na humahakot ng damit mula sa maleta niya. Inabutan niya ako ng isang simpleng hoodie at maong na shorts. "Huwag kang mag-alala, Isabella. I’m getting you out of here." Napatitig ako sa kanya, gulat sa bilis ng desisyon niya. "Chloe, paano ang mga gamit ko? Paano si Papa?" "Hayaan mo sila! Tatawagan ko lang ang boyfriend ko. Magpapasundo tayo sa chopper niya. Aalis na tayo dito ngayon din," determinadong sagot niya habang dinidial ang phone niya. Kampante ako sa sinabi ni Chloe. Alam kong hindi siya nagbibiro dahil ang boyfriend niya ang mismong may-ari ng Amani Azure Resort. Sa isang tawag lang niya, alam kong mailalabas niya ako dito nang hindi namamalayan nina Papa o ni Ethan. "Ako na ang bahala sa lahat ng gamit mo. I’ll have the staff pack your essentials later," dagdag pa niya habang hinihila ako patungo sa banyo para mag-ayos. Habang ang lahat ay himbing na sa tulog at nananaginip para sa engrandeng kasal, palihim kaming dinala ng mga tauhan ng resort sa rooftop helipad. Ramdam ko ang lamig ng hangin at ang ingay ng umiikot na blades ng chopper, pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa ibaba habang unti-unting umaangat ang chopper mula sa Palawan. Ang bridal gown ko, ang mga sapatos na gagamitin ko sana sa altar, at lahat ng dekorasyong pinaghirapan kong i-plano—iniwan ko na lahat 'yon. Wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa dekorasyon o sa pagkain bukas. I was leaving it all behind. Lumipad kami patungong Manila sa gitna ng madaling araw. Hindi ako binitawan ni Chloe, hawak-hawak niya ang kamay ko habang nakatingin ako sa bintana. Paglapag namin sa Manila, hindi pa doon natapos ang paglayas ko. Dinala nila ako sa Tagaytay, sa liblib na resthouse ng pamilya ni Chloe. Malayo sa ingay, malayo sa media, at higit sa lahat, malayo sa pamilya ko na handa akong ibenta para sa isang merger. "Dito ka muna, Isabella," sabi ni Chloe nang makarating kami sa sala ng resthouse. "Walang makakahanap sa'yo dito. Sleep now. Paggising mo, panibagong buhay na." Humiga ako sa kama, pagod na pagod ang katawan at isipan. Pero habang nakapikit ako, isang mukha ang biglang pumasok sa isip ko. Ang mga mata ni Alessandro De Luca at ang malamig niyang babala sa dalampasigan. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang wala na ang bride sa isla?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD