ELARA LACANILAO “Sir Tyler, ayos lang po ba itong damit ko? Hindi po ba masagwa at bastusin?” Tanong ko, bigla kasi akong nakaramdam ng hiya sa kanya. “Grabe ang ganda mo nga!” Puno ng paghanga na sabi ni Sir Tyler sa akin. “Sus, sir, nambola pa po kayo.” Biro ko rin sa kanya. “Halika na, at marami pang ituturo sayo si Susie. Huwag kang kabahan nasa bar naman ako kaya pwede kang magtanong sa akin kung ano ang gagawin.” Tumango na lang ako kay Sir Tyler, kailangan kong lakasan ang loob ko kung gusto kong umasenso sa buhay. First day ko ngayon kaya dapat hindi ako pa-tanga-tanga sa trabaho. Hindi nagtagal ay huminto na ang sinasakyan namin sa isang establishment, konti pa lang ang mga sasakyang naka park dito sa labas. “Let’s go,” sabi sa akin ni Sir Tyler. Nagtanggal na ako

