ARJHAY SAAVEDRA Parang ang hirap panindigan ng rule ni Elara na no s*x before marriage. Hindi ko naman siya masisisi. Iyon ang aral na itinanim sa kanya ng kanyang mga magulang na kailangan ko irespeto. At alam ko namang may point siya. Pero hindi rin madali para sa akin, magkasama kami sa iisang bahay, sa iisang kwarto at iisang kama. Hindi ako santo para kaya kong pigilan ang init na nararamdaman ko, lalo na, na sobrang active ng s*x life ko. Minsan naiisip ko, kaya ko ba talaga ‘to? Kaya ko ba talagang pigilan ang init na nararamdaman ko sa tuwing magkatabi kami sa gabi. Parang may masarap na pagkaing nakahain sa harapan ko pero hindi ko naman pwedeng kainin. Lord... pinarurusahan mo ba ako. Ang hirap naman ng ganito kasama ko siya pero hanggang hawak lang ang gusto, Lord... paano

