ARJHAY SAAVEDRA Sumasakit ang ulo ko sa yaya ni Heaven na si Elara, pero kahit palagi niya akong binubudol ay parang nakakasanayan ko na. Hindi ko makalimutan ang halik niya kagabi, para itong nakaka adik na pagkain na gusto kong balik-balikan. Habang nakaupo ao dito sa swivel chair ko, naalala ko ang pinag-usapan namin kanina. Wala pala talaga siyang cellphone, tumayo ako at kinuha ang coat ko na nakasabit sa coat rack at niligpit ang gamit ko sa aking table. Kinuha ko ang pag ko dinampot ko ang susi ng sasakyan ko. Pupunta ako sa mall magtitingin ako ng cellphone na pwede kong ibigay sa kanya para hindi na rin ako mahirapan kapag kailangan kong kamustahin si Heaven. "Miss Dianne, kapag may nag hanap sa akin na client, pakisabi may set na lang ng appointment bukas may pupuntahan ako at

