THIRD PERSON "You're going to pay for being rude to me, Arjhay! No man has ever brushed me off like this before. You'll pay for all of this... grrr...!" Charlotte said furiously as she watched Arjhay's vehicle drive away. Samantalang si Arjhay naman ay hindi pa rin mapigilan ang inis dahil sa ginawa ni Charlotte kay Elara. Nagalit na naman sa kanya ang dalaga, ngayon problemado siya kung paano niya pa ito paamuhin. “Ang sakit mo sa ulo Charlotte, dinagdagan mo lang ang problema ko.” Aniyang puno ng pagkadismaya. Nakatuon ang isip niya sa kalsada ng marinig niyang may tumatawag siya kanya. Binuksan niya ang speaker ng sasakyan niya at kinonek niya doon ang cellphone niya. “Hello Ate,” bungad ni Arjhay. “Nasaan ka na? Gusto kitang makausap?” Halata sa boses ni Weng ang pagiging seryoso

