ELARA LACANILAO "Sige na Elara, umakyat ka na sa taas kami na ang bahala kay Sir Arjhay mo." utos sa akin ni Ma'am Weng. Nag aatubili akong umalis, natatakot talaga ako na baka bukas pag gising ko nasa labas na ang lahat ng damit ko. "Ma'am, kasi po... Kasi po.." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. "Kasi ano? Sabihin mo ang gusto mong sabihin para maintidihan kita." muling sabi ni Ma'am Weng. "Natatakot po kasi ako," nakayuko kong sabi. "Saan ka naman natatakot?" tanong ni Ma'am Chellie, naglakad pa siya palapit sa akin para aluin ako. "Kay Sir po Ma'am, baka po kasi bukas magising ako na nasa labas na ang mga damit ko at pinalayas niya na ako," naluluha kong sabi. "Lintik ka talagang babae ka! Ibang klase ka din eh! Ako na ang ginulpi mo, ngayon ikaw pa ang parang biktima. Ta

