ARJHAY SAAVEDRA Pagdating namin sa subdibisyong tinitirahan namin ay nauna naming ihahatid si Kuya Troy dahil una ang bahay niyang madadaanan namin. "Nakita nyo ba yan, patay na lahat ng ilaw. Ibig sabihin mahimbing ng natutulog si Chellie. Ligtas na ako kay dragonita," pabirong sabi ni Kuya Troy. Ang lakas ng tawa namin ni Kuya Ethan dahil sa sinabi ni kuya Troy. Habang papasok kami ng gate ay kumakanta pa sila ni kuya Ethan, halatang masaya silang dalawa. Tumigil ang sasakyan sa harap mismo ng bahay nila. Binuksan na ni kuya Troy ang pinto ng sasakyan at lumabas na siya. Lumabas din si kuya Ethan at inaasar niya si Kuya Troy. "Bayaw Troy, mukang safe kana kay dragonita mo, mukang mahimbing na ang tulog niya. Madalim na rin sa bahay namin mukang safe din ako kay dragonya ko. Ewan k

