ELARA LACANILAO “Bakit kasama mo si Heaven?” Tanong sa akin ni Sir Sandro. Isa sa kaibigan ni Sir Arjhay. Lumapit sa kanila si Heaven at nagmano naman ito. “Kaya pala hindi kita mahanap sa Pilipinas nandito ka pala sa Hong Kong, at ibang-iba na ang hitsura mo. Nagdadalawang isip pa kami kanina ni Sandro kung babatiin ka namin dahil baka kamukha mo lang. nakita lang namin si Heaven kaya sure kami na ikaw si Elara.” Sabi sa akin ni Sir Tyler. “Ano nga palang ginagawa mo dito? Dito ka na ba nagtatrabaho? Bakit kasama mo si Heaven?” Sunod-sunod na tanong ni Sir Tyler. “Sir, isa-isa lang po ang tanong mahina ang kalaban.” Biro ko kay sir Tyler. “Hahaha…. oo nga pala, pasensya ka na na excite lang ako na makita ka.” Halos abot na sa tenga ang ngiti niya. “Bro,parang kanina lang ang lungk

