THIRD PERSON “Sir, bakit mo po ginawa yun?” Tanong ni Elara kay Tyler, pag labas nila ng building na pagmamay-ari ni Arjhay. “Ang Alin ba?” “Na hawakan po ang kamay ko? Bakit mo po pinagseselos si Sir Arjhay, eh, wala naman yun pakialam?” Tanong ni Elara kay Tyler. “Hayaan mo lang siya mamatay sa selos, believe me bibigay din yun kapag hindi na niya kaya ang sakit. Kilala ko ang kaibigan ko, kaya kapag kasama natin siya sumakay ka lang sa akin.” Nakangiting sabi ni Tyler sa dalaga. “Tignan ko lang kung hindi lumabas ang litid niya sa leeg dahil sa galit sa akin.” Ani pa ni Tyler. Naguguluhan man ay hindi na sumagot si Elara, hinayaan niya na lang si Tyler sa mga kalokohang naiisip nito. Hindi niya nga alam kung bakit kailangan pag pagselosin si Arjhay, eh may kasintahan naman yun. I

