ELARA LACANILAO Sakay ng isang chopper na pag aari ng mga Saavedra ay pababa na kami ngayon sa isang napakagandang resort dito sa Palawan. "Mom, can we swim later?" malambing na tanong sa akin ni Heaven. "Baby, ask your dad; he is the one who decides if he allows you to swim," sagot ko. "Hon, you are her mom, kaya ikaw na ang mag decide kung papayagan mo ba siya." sabi niya sa akin sabay kindat. Siniko ko siya sa tagiliran niya dahil may iba pa kaming kasama dito sa chopper. Kasama namin dito ang 2 kapatid ni Ate Chellie. Tatlo ang gamit naming chopper, ngayon ko lang nalaman na ganito pala talaga sila kayaman. Pero kung titignan at makakasama mo sila ang simple lang nila. Hindi mo sila kakikitaan ng yabang. Sa gitna ng dagat ay may isang helipad, nauna ng bumaba sila Kuya Troy. Nala

