ELARA LACANILAO Natapos ang kasal namin ni Arjhay, at sa unang pagkakataon ibinigay ko ang sarili ko sa kanya ng buong-buo. Isang bagay na matagal kong iningatan. Hindi talaga pumayag ang loko na maghintay hanggang sa makasal kami sa simbahan. Alam ko naman na kaya niya ako pinakasalan sa Huwes ay para wala na akong dahilan para tangihan siya. Hindi ako nagsisisi na kanya ko ipinagkatiwala ang sarili ko. Magkatabi kami ngayon dito sa napakalaking kama, nakatingin lang ako sa kanya habang mahimbing pa siyang natutulog. para akong nasa isang magandang panaginip na ayaw ko ng magising. Maituturing kong si Arjhay ang first love ko, dahil noon pa man ay mahal ko na siya. "Hon, why are you staring at me?" tanong ni Arjhay sa akin ng magising siya. Bigla akong kinilig sa boses niya,

