ARJHAY SAAVEDRA “Now, what? Paano mo ngayon patitigilin sa pag iyak si Heaven? Kung sana kumakalma ka muna at nagtatanong hindi sana umabot sa ganito. Ano ba ang alam mo tungkol kay Elara? Nasubukan mo man lang bang tanungin ang anak mo kung paano siya alagaan ng yaya niya? Wala kang alam, kasi wala kang pakialam!” Galit na sermon sa akin ni Ate Weng. “Arjhay, hindi ganyan ang itinuro sa atin ni Nanay, nakalimutan mo na ba? Di ba kabilin bilinan niya sa atin na laging maging mabuti sa kapwa natin. Ganyan ba ang ugali ang gusto mong kalakihan ng anak mo?!” Muling sabi ni Ate Weng. Napa kamot na lang ako sa aking ulo, wala na rin naman akong magagawa dahil umalis na si Elara. Kahit pag sisihan ko pa ang ginawa ko ay bale wala na rin naman. “Kukunin ko muna si Heaven, habang wala ka pang

