ELARA LACANILAO Nandito kami ngayon ni Heaven sa silid niya, sinusuklay ko ang buhok ng alaga ko ng pumasok si Ma'am Weng at Ma'am Sam. "Elara, pwede ba kitang makausap, iwan mo muna kay Sam ang alaga mo. Doon tayo sa silid mo mag usap," sabi sa akin ni Ma'am Weng. Nauna akong naglakad palabas at pumunta sa silid ko, nakasunod lang naman sa akin si ma'am at pag pasok ko ay sya na rin ang nagsara ng pinto. "Elara, nalaman ko na inaway ka na naman ng kapatid ko. Pasensya ka na, ako na ang humingi ng sorry para sa kanya." "Ma'am, hindi naman po kayo dapat ang humingi ng sorry sa akin. Napakabait po ninyo at wala po kayong kasalanan sa akin. Sanay na po ako kay Sir Arjhay," mahina kong sabi. "Elara, matagal ka nang hindi nakakauwi sa pamilya mo, hindi ba?" "Po! Bakit po, Ma'am? Papaali

