PANGLABING-LIMA

2084 Words
Donny POV " Kuya Dawnyel!!!!" Napasigaw na lang ko at Napa yakap sa kanya at Napa iyak sa kalunos lunos nyang kalagayan. Nakita ko syang nakapikit na at nawalan Ng Malay at Maya Maya ay biglang dumating na Rin si Teacher Gil at agad nyang pinuntahan si Kuya Dawnyel. " Anong!? Nangyari sa kanya! ... Dawnyel okey ka Lang ba? " Sabi Ni Teacher Gil at bakas sa mukha nito Ang pag aalala at nakita ko Ang babaeng Yun kasama Ang dalawang lalake na mukhang bodyguard nya na papaalis na. " Tulungan nyo akong idala sya sa clinic!" Sigaw Ni Teacher Gil at nag lapitan ang mga ibang estudyante at binuhat so Kuya Dawnyel. At agad akong Napa tingin sa babaeng Yun nakita Kong nakatingin sya sa Amin habang naka ngiti Ng ubod Ng tamis... Sya Ang may gawa nito sa Kapatid ko Kaya Naman sa galit ko ay agad akong tumakbo papunta sa kanya tinatawag pa ako Ni Teacher Gil pero gusto Kong iganti si Kuya Hindi ako papayag na Hindi! Ng malapit ako ay hinila ko Ang buhok Ng babaeng iyon at napasigaw sya Ng malakas. Nilayo Naman ako Ng dalawa nyang Bodyguard. " What the heck! Anong problema mo? " Sigaw nya sa akin habang nilalayo ako Ng dalawang lalake na to. " Ikaw! Ikaw Ang problema ko! Bakit mo iyon ginawa sa Kuya ko! Wala syang kasalan sayo! Hindi ka namin kilala pero bakit mo to ginagawa! Dahil Mahal sya Ni Kuya Jahleel! At ikaw pinipilit mo Ang sarili mo Sa taong di ka Naman gusto!... Bitawan nyo ako! " Inis Kong Sabi habang pinipilit Kong makawala sa dalawang lalake na to. Lumapit sya sa akin at galit na galit akong naka tingin sa kanya hinding Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa kuya ko Hindi!. Pero nagulat ako Ng bigla nya akong sinampal Ng mag kabilaan. " Para Yan sayo Bata... Pareho Lang kayo Ng Kuya mong Bading Napaka ambisyoso! Anong Sabi mo? Pinipilit ko Ang sarili ko Kay Jahleel? Na Hindi Naman ako Mahal? Nag iisip ka ba? Hindi ko kailangan na ipilit Ang sarili ko dahil Mahal ako Ni Jahleel... Kung Mahal nga ni Jahleel Ang Kuya mong Bading nasan sya ngayon? Huh bakit Wala sya?" Sabi nya sa akin pero masama parin Ang tingin ko sa kanya. " Ano? Hindi ka makaimik? Wala sya dito para pigilan ako dahil hinayaan nya akong saktan Ang Bading mong Kuya dahil Hindi nya talaga sya Mahal Kaya paki Sabi sa kuya mo pagising nya na lumayo na sya at wag na syang mag papakita Kasi kahit among gawin nya hinding Hindi sya mamahalin Ni Jahleel" Sabi nya at saka sya tumalikod. " Tara na iwan nyo na yang Batang Yan" Sabi nya sa akin at saka sinuntok ako Sa sikmura Ng Isa sa mga lalakeng nakahawak sa akin pag katapos ay iniwan ako sa daan habang sinundan naman nila Ang Amo nila. Namimilipit ako Sa sakit Ng biglang dumating si Teacher Gil. " Donny! Anong nangyari sayo? Bakit?" Tanong nya sa akin. " Teacher Gil Yung babaeng nanggulo Ng gabing yun sya Ang may gawa nun Kay Kuya Dawnyel sya Yun at sya Rin ang may gawa nito sa akin" Sabi ko sa kanya at tinulungan nya akong tumayo. " Ako Ng bahala sa babaeng Yun Ang lakas Ng loob Ng gumawa Ng ganitong bagay sa Paaralan na to... Pero sa ngayon puntahan na muna natin Ang Kuya Dawnyel mo" Sabi Ni Teacher Gil sa akin at saka ko naisip so kuya at Ang kalunos lunos nitong itsura kanina. " Tara na Po Kay Kuya Dawnyel" Sabi ko a kanya at saka inalalayan ako Ni Teacher Gil papunta sa clinic Kung nasaan dinala si Kuya Dawnyel. Pag karating namin sa Clinic ay Napa iyak ako dahil sa nakita ko si Kuya Dawnyel na walang Malay, Ang mukha nya puno Ng pasa at saka Ang damit nya ay sobrang dumi na at may mga bakas pa Ng Sapatos. Hindi ko maiwasang magalit sa babaeng iyon kahit na mas matanda sya sa akin kahit na Alam Kong Mali Ang pag hila ko sa buhok nya ay Alam Kong Mali Ang ginawa nya Kay Kuya Dawnyel hindi dapat ganito Ang nararanasan Ng Kuya ko marami na syang sakripisyo para sa aming dalawa. Tapos gusto Lang nyang sumaya pero ano itong inabot nya? At bakit Wala si Kuya Jahleel para ipag tanggol si Kuya ...baka totoo Ang sinabi Ng babaeng Yun na Hindi talaga sya Mahal Ni Kuya Jahleel si Kuya Dawnyel. Galit Rin ako Sa sarili ko dahil...dahil Wala akong nagawa nung binugbog si kuya. " Kasalanan ko to eh...Kung Sana...Kung Sana lang sinabayan ko na Lang Sana sya kanina pag pasok Hindi to nangyari...Napaka walang kwenta Kong kapatid! Ang damingng ginawa Ng Kuya ko para sa akin ni Hindi ko man sya maipagtanggol sa mga gumawa nito sa kanya Kasi mahina ako" Hindi ko namalayan na umiiyak na ako at humahangulngol na ako. Ang sakit sakit na Makita mong nakaratay Ang kapatid mo at walang malay at higit sa Lahat walang magawa para sa kanya. " Wag mong sisihin Ang sarili mo Sa nangyari kanina Donny walang may gusto na mangyari to at Hindi natin Alam na susunod si Jamaica dito sa Paaralan...Kung Alam ko Lang sinabihan ko na Sana kanina pa Ang Guwardya na wag syang papasukin" Pinunasan ko Ang mga luha ko at hinarap si Teacher Gil..Alam Kong nalulungkot din sya Alam Kong naiiyak din sya pero pinipigilan nya dahil gusto nyang maging malakas para Kay Kuya. " Pero Teacher Gil...Kasi Naman ako Yung kapatid iyon eh...dapat Nag tutulungan kaming mag kapatid pero tinignan nyo Naman Po Ang nangyari Wala akong nagawa Wala akong nagawa para Kay Kuya pero sya ... hindi ko na kabilang Kung Ilan na nagawa nya sa akin dahil sa sobrang Dami Wala Po akong kwentang kapatid Teacher Gil" Sigaw at umiiyak na Naman ako Hindi ko mapigilang maging emosyonal ngayon, ngayon pa at ganito Ang sitwasyon. " Donny Hindi totoo yang sinasabi mo...sa tingin mo ba pag narinig Ng Kuya Dawnyel Ang mga pinag sasabi mo? Hindi sasabihin Lang nun na hindi Naman sa Lahat Ng oras magkasama Kayo Ng Kuya mo Kaya wag mo Ng sisihin Ang sarili mo Ang magandang gawin natin ngayon ay hintayin na magising si Dawnyel dahil Sabi Ng Nurse kanina Mild Lang daw Ang natamo nya at nawalan Lang sya Ng lakas Kaya sya nahimatay Kaya Maya Maya ay gigising din sya." Sabi Ni Teacher Gil at hinawakan ko Ang Kamay Ni Kuya Dawnyel at umiiyak na Lang ako. Maya Maya ay nag paalam si Teacher Gil na may pupuntahan Lang pero nakikita ko sa Mata nya na galit na galit sya at tumango na Lang ako at sinabihan ko syang mag ingat. Makaraan Ng ilang minuto at biglang may kumatok sa. Pinto Ng clinic pero hanggang ngayon ay Hindi parin Gising di Kuya. Baka Yan na Yung Nurse. Umalis ako sa kinalalagyan Ni Kuya at saka pag lingon ko at nagulat ako sa nakita ko. " Kamusta Ang Kuya mo? Nabalitaan Kong May nangyari sa kanya? Kamusta ka Rin okey ka Lang?" Sabi nito at bakas sa mukha nya Ang pag aalala. Hindi ko napigilan Ang mga hula ko at napayakap na Lang ako sa kanya Ng Wala sa oras. " Wala man Lang akong nagawa para sa kanya Kuya Cooper" Sabi ko sa kanya at pinapatahan nya ako at sabay haplos sa likod ko. " Magiging okey din Ang Lahat sa ngayon alagaan mo muna Ang Kuya mo hanggang sa maging okey sya" Sabi nya sa akin at humiwalay ako sa pag kakayakap sa kanya at sabay pinunasan ko na Rin Ang aking mga luha. " Tara Kay Kuya Dawnyel nandoon sya nakahiga...at pag kagising nya mag babayad Ang babaeng Yun sa ginawa nya sa kuya ko ,at hinding Hindi ko na hahayaan na maganito uli Ang Kuya ko Hindi na" Sabi ko sa kanya at sabay kaminh pumunta sa kinalalagyan Ng Kuya ko. ****************************** Jahleel POV " Dad! " " Sir pasensya na Po pero Hindi Kayo pwedeng lumabas Ng kwarto nyo iyon Po Ang utos sa Amin" Sabi Ng isang Bodyguard Ni Dad. " Wala akong pake Alam hayaan mong pumunta Kay Dad,Dad!" Sigaw ko at Ng makalapit ako Sa pinto Ng opisina. ay agad ko itong sinipa Ng malakas dahilan upang Ito ay kusang mag bukas. At pag bukas nito ay nakita Kong nandon si Jamaica at pareho silang tumatawa Ni Dad at napunta Ang atensyon nila sa akin dahil sa pag bukas Ng pinto. " Babe! I miss you!" Biglang sigaw Ni Jamaica sa akin at lumapit sya sa akin at saka akmang yayakapin na Sana nya ako pero lumayo ako Sa kanya. " Babe bakit ka ganyan Hindi mo ba ako na-miss? 2 years din tayong di nagkita Hindi mo man Lang ako na Miss nakakatampo ka Naman" Sabi nya sa akin at umarte syang nasasaktan. At Ewan naiinit Ang ulo ko pag nakikita ko sya. " Tigilan mo Ang pag iinarte mo Jamaica wag mo nga akong tawaging Babe dahil! Wala Ng tayo at ikaw Ang Sumira nun hindi ba!?" Inis Kong sigaw sa kanya. " B-Babe w-wa-" " Shut up! Ano bang ginagawa mo dito!? Umalis ka dito dahil ayokong Makita Ang mukha mo!" Sigaw ko sa kanya at Napa Yuko Lang naman sya. " Jahleel!" Napa lingon ako Kay Dad na naka tayo na halata sa itsura nya na galit na sya. " What? Tama Naman ako Hindi ba Dad? Bakit mo ba naisipan na ipakasal ako Sa taong minsan ko ngang minahal pero niloko Rin ako Sa huli...Dad dalawang araw na Lang kasal na Lang namin noon pero kitang Kita Ng dalawa Kong Mata Kung Pano sya Maki pag halikan at Maki pag landian sa isang lalake sa Mall Dad,sabihin mo Sa akin bakit mo to ginagawa ?" Tanong ko sa kanya Ng malumanay pero may diin. " Para Rin sayo to para sa future nyong dalawa" Sabi ni Dad sa akin. " Bullsh*t that Future Dad! Ang sabihin mo para sa Kumpanya mo dahil sa kagustuhan mong lumago Ang Kumpanya natin mas pinili mong isakripisyo ako Dad...Yan na Lang ba Ang mahala sa inyo Dad? Dad anak nyo ako!?" sigaw ko sa kanya.pero akala ko naiintindihan nya na Kung ano Ang punto ko pero nag kamali ako. Dahil Hindi ko inaasahan na lumapit sa akin si Dad at saka sinapak nya ako Ng ubod Ng lakas Kaya Napa subsob ako Sa sahig. " My God! Babe! Tito please stop it!" Sigaw Ni Jamaica at saka nilapitan ako pero Hindi ako pumayag na hawakan nya ako dahil ayoko na syang Makita. " Wag na wag mo akong hahawakan Jamaica, umalis ka na dito" " Pero Babe may-" " Leave me alone! Hindi mo ba nakikita huh? Nag aaway kami Ng Dad ko dahil sa Wala namang katuturang bagay! Walang kwenta Ang pag papakasal sayo Jamaica! Dahil Kung nagawa mong mag loko noong Hindi pa tayo kinakasal Pano na Kung sa kasal na tayo?" Sabi ko sa kanya. " Umalis ka na" Sabi ko sa kanya pero umiling iling sya at ayaw nyang umalis. " Umalis ka na! Sabi eh!" Sigaw ko sa kanya at halos mahilo ako dahil naramdaman ko na Naman Ang kamo ni Dad ba tumama sa mukha ko halos hindi na ako maka tayo Ng bigla nyang hinila Ang kwelyo ko at saka pinilit nya akong patayuin. " You Damn! Stupid man! Hindi Kita pinalaki na maging bastos sa Babae!" Sigaw nya. " Tito please c-clam d-down please" Nauutal na Sabi ni Jamaica pero galit na galit na tumingin si Dad sa akin at sa mga titig Nya ay Kaya nyang pumatay. Pero hindi sya nakinig Kay Jamaica at sa halip ay sinapak nya ako at Napa higa na ako Sa sahig. " Sige Dad...mas mabuting patayin mo na ako...simula nung mamatay si Mama hindi mo na ako tinuring na anak Dad tinuring mo Lang akong gamit na kasangkapan sa pag Lago Ng minamahal mo na negosyo...mas mabuti nga tong negosyo mo parati mong nasusubaybayan pero ako na sarili mong anak Hindi no minsan Hindi ko naramdaman na ama Kita!" Sigaw ko sa kanya at akmang susugudin Naman nya ako Ng biglang bumukas Ang pinto Ng Napaka lakas at kasabay nito Ang baritong boses. " Itigil! Mo na yan George!" Sigaw nito at Napa lingon Lahat kami sa pinanggalingan nito at nagulat ako sa nakita ko. " Tito?" Wakas Ng Panglabing-Lima na Bahagi

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD