PROLOGO

2096 Words
Dawnyel POV “ Okey,Class dismissed ” Sabi ng Guro namin na si Teacher Tim. At sya namang pag sigaw sa tuwa ng mga kaklase kong parang nakatakas sa Mental hospital. Wala talagang matino dito sa klase namin.Lahat sila gustong-gusto nang matapos ang kalse para mag gala sa mga Mall, parke, at kung saan pa pwedeng pag pasyalan. Minsan nakakainis rin sila, Hindi ko alam kung pumapasok ba sila para mag-gala o mag-aral. Hindi ba sila naawa sa mga magulang nila?. Kung ako lang ang may pera?,gagamitin ko iyon para maka pag aral ako, Hindi iyong napupunta sa wala. “ Hoy Dawnyel!, Bakit ka natulala lang dyan?!,Kunin mo na itong mga gamit ko. At dahil mo sa faculty office, Kung bakit kasi ikaw ang naging scholar dito ang tamad mo naman at ang bagal mong gumalaw, hindi porket may itsura ka magiging mabait ako sayo, Hello my standard rin ako, hala dalian mo! Ang kupad mo talagang gumalaw. ” Sigaw sakin ni Teacher Tim. Daig pa nya ang bulate sa sobrang pag ka-lambot nya sa pag lakad, at isa din sya sa nakakainis minsan na guro sa buong campus, Biruin mo Guro sya ngunit kung laitin nya ako parang napaka perpekto ng buhay nya, Oo alam kong nakakapag aral lang ako dahil sa scholarship na binibigay nila at sa part time job kong Janitor dito sa loob ng Campus, pero grabe naman silang manghusga sa akin. Paglabas nya ay agad akong sumunod sa kanya, At pakendeng–kendeng pa ito kung mag lakad, At panay ang pag bati nya sa mga estudyante na nadadaanan namin pero ni isa wala namang pumapansin sa kanya. Ganyan talaga sila dito sa Campus na ito,Lahat ng estudyante ay walang pake sa mga teacher at staff ng school,Ang mahalaga para sa kanila ay magawa nila ang gusto nila. Minsan nga sa sobrang wala nilang pake sa mga teacher dito kahit saan saan silang parte ng Campus nag hahalikan at nag lalampungan, Minsan nakaka ingit din, Pero biro lang iyon,wala sa isip ko ang mga ganyang bagay dahil pag aaral muna ang nasa isip ko Study first sabi nga nila. Pumasok si Teacher Tim sa Faculty at umupo sa desk nya. Pinatong ko naman ang mga gamit nya sa lamesa ng maayos. Likas sa ating mga Pilipino na mag pasalamat kahit na sa simpleng bagay na nagagawa natin sa iba, Pero si Teacher Tim mukhang hindi Pilipino. Dahil imbes pasasalamat ang matanggap mo sa kanya ay... “ Ang bagal mo talagang bata ka! Sige na umalis alis ka sa harapan ko at ayoko sayo,” Inis nitong sabi. Napaka magandang role model talaga ni Teacher Tim, Pwede na syang mag patayo nang sarili nyang rehiyon at gawing mga disipolo ang mga ka-ugali ni Lavinia. “ Bago mo sabihin iyan baklang walang v****a,dapat tanungin mo sa sarili mo kung gusto ka ba nya?, Lakas ng loob mong mag palayas, pasalamat ka nga may nag ti-tiis pa na makita ang mala-kalsada mong mukha,mahiya ka naman Gurl,” Bigla namang sumabat si Teacher Gil. Sa lahat ng Teacher dito?, Sya ang pinaka mabait,Hindi dahil may gusto ito sakin, pero dahil sa kadahilanan na nakikita nya ang daw ang sarili nya sakin noong nag aaral pa sya, Kaya ganun na lang nya ako ipagtanggol sa iba. “ Excuse?, kung mag salita ka parang may v****a ka din ha? Sa maputi ka lang di ka naman mukhang babae katulad ko, minsan kasi Gurl mag palda ka.” Sabi naman ni Teacher Tim. Dahil kahit bading si Teacher Gil ay lalake parin ang pananamit nito at minsan lalake ang kilos. “ Well Gurl mas maayos ang style ko, Hindi katulad sa iyo halos labas na iyang maitim mong singit sa ka-kapost mo sa sss ng two piece mo,mukha ka namang bangkay na nabuhay, “ And by the way na promote pala ako bilang bagong Dean dito sa Campus at simula bukas, Hindi na sa-sama sa iyo si Dawnyel para lang taga hawak ng mga gamit mo,good bye!,” Mataray na sabi ni Teacher Gil At saka umalis ito at syempre, hinila nya din ako. Nang makalabas kami ay halos mamatay sya sa kakatawa dahil sa pambabara nya kay Teacher Tim. “ Sya nga pala Dwanyel gusto kong sabihin sayo na simula bukas, Hindi ka na magiging janitor sa school since maliit lang naman ang binibigay sa iyong allowance. ” Sabi nito na syang ikinagulat ko. “ Pero Sir, paano na po ako po?,San po ako ku-kuha ng pera Sir para sa aming mag kapatid?, ” Malungkot kong sabi sa kanya. Nakakalungkot mang sabihin ngunit wala na kaming magulang ng kapatid ko,kaming dalawa na lang sa bahay. Kaya naman ako din ang nag bibigay Ng baon nito, dahil dito din sya nag-aaral. “ Dawnyel,Syempre hindi ko sasabihin sayo ang mga bagay na iyon kung walang good news hindi ba?, Kasi may bagong bukas na Milktea shop sa harapan ng paaralan, Nangangailangan sila ng tauhan, “ Part time lang naman, Kasi pamangkin ko yung may ari ng shop. Kaya sinabi ko na ikaw na ang pumasok doon, malapit na at saka malaki din ang sahod, ” Naka ngiting sabi ni Teacher Gil sa akin. Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa narinig ko, talagang malaking tulong ito sa aming ng kapatid ko. “ Maraming salamat po Sir,napakabait nyo Po talaga sakin, ” Masaya kong sabi sa kanya. At di ko di mapigilang mapayakap kay Teacher Gil sa sobrang tuwa. “ Naku, tama na iyang Drama mo at mamaya pumunta ka na sa Milktea shop hinihintay ka nila doon,at saka wag mo nga akong yakapin,ma-issue pa tayo iyan. Jusko ayoko ng issue masisira ang maganda kong mukha, ” Pabiro nitong sabi, at ngumiti lang ako sa kanya bilang sukli sa tulong nya sa akin. ****************************** Hapon na at sarado na ang Campus at ngayon palang ako lalabas, naglinis pa ako sa Campus at nag paalam ng maayos sa Principal na aalis na ako sa trabaho ko, at pumayag naman ito dahil na sabi na daw ito ni Teacher Gil. “ Oh?, Dawnyel late ka na namang uuwi gabi na ah, ” Naka ngiting sabi ni Manong Jude na syang gwardya dito sa paaralan namin. “ Huli na po ito Manong,dahil simula bukas naaga na akong uuwi, ” Masaya kong sabi sa kanya at saka ibinigay ko sa kanya, ang susi ng Cleaning Material Room ng Campus. “ Sige na nga at umuwi ka na, Gabi na baka hinahanap ka na naman ng makulit mong kapatid. ” Sabi nito sa akin at nag paalam ako sa kanya bago tuluyang umalis sa Campus. Pag labas ko, ay nakita ko agad ang magarang building ng Milktea shop na bagong tayo lang, at kakatapos lang nung nakaraang araw. At dahil nasa kabilang side ito ng daan, Kaya kailangan ko pang tumawid sa napaka lawak na kalsada, na kung minsa ay kailangan mo pang makipag patintero sa mga sasakyan para lamang makatawid. Pero laking pasalamat ko at ilalan lang ang sasakyan na dumaraan. Tumingin ako sa kanan at ganoon din sa kaliwa, Kung may sasakyan ba o wala.Nang makita kong walang sasakyan na dumaraan, ay agad akong tumakbo patawid sa kabila, malapit ako sa kabila nang makarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan, at halos atakihin ako sa puso ng makita ko ang puting sasakyan na papalapit sakin. “Ahhhhhhh, ” Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko,bago ako mapa upo sa kalsada. Nakatingin ako sa sasakyan na ilang pulgada na lang ang layo sakin, at mababangga na ako nito. Habang tulala ako ay narinig ko ang pag bukas nang pinto ng sasakyan at kasabay nito ay narinig ko din, Ang boses ng isang lalake. “ My God! Naku okey ka lang ba? ” Nag aalalang tanong nito habang papalapit sa akin. “ Ayos— ” Na putol ang sasabihin ko,dahil ang buong akala ko,ako ang lalapitan nya. Ngunit ang sasakyan nya pa ang nilapitan nito at tinignan kung may gas-gas ba ito o wala, at panay ang kausap nito dito na parang sa-sagutin sya nito pabalik. At sabi ko na nga ba, halos i-ilan na lang ang taong matitino sa mundong ito.At ang iba ay mga takas na sa mental katulad ng lalakeng ito, na halos nabangga na nga ako mas nag alala pa sya sa kotse nya, kesa sa taong kamuntik nya nang nabangga. “ Ikaw,bakit ba kasi paharang-harang ka sa daan? Pasalamat ka at walang gas-gas ang baby ko, kung hindi naku,” Sabi nito sakin na syang kinataas ng kilay ko dahil sa sinabi nya. Tumayo ako at pinagpagan ng uniporme kong na dumihan dahil sa pagkakaupo ko sa kalsada. “ Aba Kuya, Ang kapal naman ata ng mukha mo?, ikaw na nga itong kamuntik na akong nabangga, ikaw pa tong galit? Bakit kung namatay ba ako maibabalik mo ba ang buhay ko?, ” Inis kong sabi sa kanya. Oo wala akong kaibigan at minamaliit nila ako, pero hindi ko baman sinasabi na hindi ako lumalaban. " Aba, Pano kung na gas-gasan iyang sasakyan ko may pangpaayos ka ba? Sabihin mo nga?, eh estudyante ka lang naman" Sagot naman nito sakin at mas lalo akong na inis,hanggang dito ba Naman ay mamaliitin din ako ng iba, parang sobra naman na ata itong nangyayari sakin, siguro masama akong tao dati. “ Takas ka ba sa mental Kuya? Mas importante ba ang buhay ko sa kotse mo?, ” Inis na inis ko ng sabi sa kanya at gusto ko na ring sapakin sa mukha ang lalakeng ito nang magising sya sa katotohanan. “ Aba?, Ako pa ang takas sa mental?!,Ikaw nga itong bigla na lang tumatawid sa kalsada,anong akala mo sa sarili mo si Flash na mabilis kumilos? Ang bagal bagal mo naman. ” Sagot rin nito sakin gusto nya ng away?Sige ibibigay ko sa kanya. “ Oo takas ka sa Mental Hospital, Sino bang matinong tao,Ang kumakausap sa sasakyan nya at tatanungin kung okey ito, bakit?,sa tingin mo kahit halikan mo iyan at kausapin ng paulit-ulit mag sasalita iyan at sasagutin ka? Walang ganun kaya wag kang mag patawa Kuya!,” Inis kong sabi sa kanya. At akmang magsasalita pa sana sya, Nang biglang may bumusina na sasakyan, at ngayon ko lang na realize na nasa gitna pala kami ng kalsada nag ba-bangayan at kanina pa kami pinapanood ng mga tao sa paligid,Nakakahiya naman ito. “ Tsk! Hindi pa tayo tapos na bata ka, ” Inis nyang sabi sa akin,kaya naman binelatan ko na lang sya at naglakad papunta sa Milktea shop, At halos late na ng gabi kaya tumakbo na ako kahit na ilang metro na lang ito sa kinalalagyan ko kanina. Agad kong binuksan ang pinto nito, at pumasok at nakita kong naka upo si Teacher Gil na mukhang kanina pa ako hinihintay. “ Akala ko hindi ka na darating at kung ano na ang nangyari sa iyo, Saan ka ba nag pu-puntang bata ka?.” Sabi ni Teacher Gil, at napa kamot na lang ako ng ulo bago ngumiti. “ May nangyari lang po kanina, Na hindi inaasahan kaya na late po ako pasensya na po. ” Magalang kong sabi sa kanya. “ Oh sya, umupo ka na at maya-maya lang din at darating na yung pamangkin kong may ari ng shop na ito.” Sabi ni Teacher Gil at tumango ako, inalok pa ako nito ng Milktea dahil libre daw nito, pero syempre nahihiya na ako dahil sa sobrang dami na nitong tinulong sakin. Kaya tama na iyon. Maya-maya at narinig ko ang pag bukas ng pinto kasabay nito ang pag tunog ng Chime na naka sabit sa pintuan ng shop. Pero hindi ako lumingon, dahil akala ko Customer lang iyon pero,biglang nag salita si Teacher Gil. “ Iho! Oh bakit parang badtrip ka ata? ” Tanong nito sa pamangkin nya. “ Tsk!, sinabi mo pa Tito may lalake kasing sinabihan akong takas sa mental, sa gwapo kong ito takas sa mental? ” Maangas na sabi nito. Napakunot ako dahil pamilyar ang boses nya sakin, at parang narinig ko na to kani-kanina lang. “ Oo na gwapo ka na paulit-ulit mo naman iyang sinasabi araw araw ” Sabi uli ni Teacher Gil at dahil curious ako, kung sino ang kausap nya at lumingon ako sa kinalalagyan ng lalake, Na kausap ni Teacher Gil at magulat ako sa nakita ko. At ganun din ang lalakeng nasa harapan ko. “ Ikaw! ” “ You! ” Sabay naming sabi, bakit sa dinami dami ng pwede kong maging Boss, itong lalake pa na ito? Na takas sa Mental,parang masisiraan na ata ako ng bait pag sya naging amo ko, at Ahhhhhyokong mangyari iyon!!!!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD