Chapter 3: Her Driver

1099 Words
“ANONG oras niyo ba ako dadaanan mamaya?” Nagkatinginan si Andrea at Laura. Makikisakay lang si Asia sa mga ito dahil wala ang Kuya Daryl niya. Ayaw naman niyang magpahatid sa mga tauhan ng Daddy niya dahil nagmumukha siyang anak ng Presidente. Lahat ng mga ito magfo-formation sa magkabilaang gilid ng dadaanan niya. Kulang na lang kaya red carpet ang dadaanan niya minsan. Masyadong nakaka agaw pansin. “Um, before 8?” Si Andrea ang sumagot. “Okay. Bye!” aniya. Magkasama ang ito sa bahay kaya iisa lang ang inuuwian ng mga ito. At minsan, iisa lang din ang gamit na sasakyan ng mga ito at si Andrea ang nagmamaneho. “Uuwi ho ba tayo, Ma’am?” Tumango siya sa bodyguard niya nang lapitan siya nito. Agad namang nagsalita ito sa kabilang linya at sinabing palabas na siya ng campus. Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang Mommy niya na nagluluto ng dinner nila. May mga kasambahay naman pero pagdating sa pagkain nila, ito ang nagluluto. Maliban na lang kapag masama ang pakiramdam nito. “Balita ko kay Laura, anak, ngayong gabi ang party niyo?” “Yes, Mom.” Tamad na naupo siya sa upuan sa may kusina nila. “O, ano pang hinihintay mo? Maligo ka na at tatawagan ko ang salon para magpadala ngayon—” “Mom, wala naman akong ka-date kaya hindi naman kailangan ng magarbo. Lipstick and powder are fine.” “No! Anak kita kaya hindi ka pwedeng pumunta ng party na ganon lang ang ayos. Actually, papunta na sila kaya magpahinga ka na sa silid mo pagkatapos maligo. Tatawagin na lang kita mamaya kapag dumating na sila. Alright?” “No need na nga, Mom. Hindi naman kasi si Astin ang ka-date ko.” Kita niyang natigilan ang ina. “A-anak, alam mo namang hindi ka gusto ni Astin. Kaya bakit mo pa pinipilit ang sarili mo sa kanya?” “Why not, Mom? Hindi naman siya gusto ni Laura, a. Kaya wala siyang aasahan.” Umiling ang ina. “Ewan ko anak kung nakikita mo pero may spark si Laura at Astin. Malay mo, magising na lang si Laura na nagkakagusto na kay Astin.” Napahilot si Asia sa noon. “Anak niyo ako, Mom. Hello?” “Asia, anak. Kung magmahal ang mga Hernandez, isa lang. Kaya hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo sa kanya. Yes, minahal ako noon ni Kent, pero hindi gaya ng kay Kendra. True love ang meron sila. At ang nakikita ko sa mga mata ni Astin? Gaya nang nakita ko kay Kent noon. Kaya kung ako sa ‘yo, ibaling mo na lang sa iba, anak, habang maaga pa.” Sa narinig, tumayo si Asia at iniwan ang ina. Hanggang ngayon, nasasaktan siya para sa ina kapag naalala ang kuwento nito at ng ama ni Astin. Pero hindi niya magawang magalit sa ina ni Astin, dahil kung nagkatuluyan ang dalawa, wala siya ngayon. Wala rin ang Kuya niya na mahal na mahal siya. At hindi niya rin sana Daddy niya si Jaylord— ang ama na tinuturing siyang prinsesa nito. Pero meron kasi sa part ng puso niya na parang sinasabing baka sa kanilang generation, matuloy na ang naudlot noon. Hindi na kumontra si Asia, inayusan siya ng mga taga-salon na pinatawag ng ina. Masasabi niyang ina nga talaga niya ito, gandang-ganda na naman sa kanya. Saktong tumayo siya nang may bumusina sa labas. Agad na nilabas iyon ng kasambahay nila. Ini-expect niya ang mga kaibigan na iyon. Napalis ang ngiti niya matapos ang dalawang shot ng photographer na pinatawag din ng ina nang mapagsino ang kasama ng kasambahay nila. Si Callen Dominic Moore lang naman. “A-anong ginagawa mo rito?” Hindi niya pinahalata ang inis dahil nasa tabi niya ang ina. Imbes na sagutin si Asia, matagal na tinitigan siya ni Callen. Hinagod din nito ang kabuohan niya. Ewan niya kung nakikita ng mga naroon kung paano siya tingnan ng binata. “Callen,” mahinang tawag niya na ikinabalik nito sa kanila. “O-oh. H-hi.” Dumiretso si Callen sa ina para bumati at magmano. “Good evening po, Mrs. Del Franco.” Nakangiting nakipagbeso ang ina dito. “Tita na lang, Callen. Masyado ka namang pormal.” “S-sige po, Tita na lang po.” Tumingin sa kanya si Callen at ngumiti. “Nauna na sila Laura at Andrea kasama si Astin. Kaya ako na lang ang pinapunta ni Laura.” Napataas ang kilay niya pero kanang bahagi para hindi makita ng ina. “Okay.” Tumalikod siya at kinuha ang handbag. “Bye, Mom.” “Good luck, anak.” “Thanks, Mom.” Sinabayan siya nito hanggang sa labas. Si Callen naman, sumunod na lang din. “Mag-ingat sa pagmamaneho, hijo.” “I will, Tita.” Kumaway pa ito bago pumunta sa kabilang side para pagbuksan si Asia ng pintuan. Pero hindi doon lumapit ang dalaga kung hindi sa likod. Napangiwi si Callen nang makitang binuksan na ni Asia ang pintuan sa likuran. Pabagsak din nitong sinara iyon kaya napalapit ang ina nito at kumatok sa pintuan. “Anak,” anito. “Napalakas lang po, Mom. Sorry,” anito sa ina. Pailing-iling na bumaling si Darlene kay Callen. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Callen.” “It’s okay, Tita, sanay na ho ako,” nakangiting sagot ni Callen. “So.” Minuwestra pa ni Callen ang kamay sa sasakyan. Tumango naman ang ginang sa kanya kaya pumasok siya sa driver’s seat. Pagkasara na pagkasara ng pintuan ng sasakyan ay nagsalita si Asia. “Bakit ka naman pumayag na sunduin ako, huh? May mga bodyguard naman ako na pwedeng maghatid sa akin sa call,” anito kay Callen. “Oh. I thought ayaw mong magpahatid sa kanila dahil hindi ka naman kamo anak ng Presidente.” Nanliit ang mata ni Asia. “Paano mo naman nalaman ‘yan? Si Laura ba nagsabi, huh?” Tumingin si Callen rear view ng salamin. “Kailangan ko bang ipaalala sa ‘yo na nandoon ako nang sabihin mo ‘yan sa mga bodyguards mo?” Saglit na natigilan ang dalaga at pilit na inalala. Nang mahanap sa isipan niya ay kinibutan na lang niya ito ng labi. Pero nainis siya bigla dahil sumilay ang magandang ngiti sa labi nito. Tinuon na lang niya ang atensyon sa labas. At sa loob ng ilang minutong biyahe, nagmukhang driver si Callen ni Asia. Pero balewala sa binata, ang mahalaga, napagsilbihan niya ang dalaga hanggang sa pagbaba nito. Siniguro niyang mabilis ang kilos niya para pagbuksan ito ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD