Hindi pa pinapaalam ni Kim sa kanyang magulang lalo na sa kuya Nick nya ang kalagayan nya. Madalas hindi siya sumasabay ng breakfast sa mga ito dahil kadalasan sa umaga nya nararamdaman ang morning sickness nya. Pagmay gusto siyang kainin or something na gusto nya si Diego ang tinatawagan nya. Tulad ngayon she's craving for green manggo na isasawsaw sa bagoong alamang.Ewan lang kung may mahanap ang binata dahil hindi naman napapanahon ng prutas na hinahanap nya. Tinatawagan nya ito pero hindi sumasagot sa tawag nya. Nakailang tawag siya pero deadma lang kaya naisipan nyang itxt ito. Nakaligo na at nakabihis na siya ng walang sagot buhat dito.Mainit ang ulong pumasok siya ng opisina. Katatapos lang ng karera ng grupo nila ng maisipang tingnan ni Diego ang phone nya. Ilang missed cal

