Nagngingitngit si Janna sa loob ng kanyang kwarto.Hindi nya gusto ang Kim na yon. Hindi siya papayag na maagawan siya nito. Gagawa siya ng paraan para sa kanya mapunta ang binata. Sawang sawa na siya sa pagiging mahirap nila. Ang lalaki ang sagot sa matagal nyang pangarap. Naiinis din siya sa dalaga dahil nakuha nito ang loob ng kanyang ama at ng kanyang anak. Naririndi na siya dahil bukang bibig ni Baste ang pangalan nito okay lang sana kung sa binata lang. Palakad lakad siya sa loob ng kanyang kwarto at nag iisip ng magandang plano para maakit nya ang binata. She wants Diego and make sure na mapupunta ang binata sa kanya. Nang mga sumunod na araw mas naging extra sweet pa si Janna kay Diego at sobrang maasikaso siya na ikinatuwa naman ng binata. Ramdam nyang nag eenjoy sa kanya

