Naalala nya ang kanyang ina at kuya Nick. Siguradong nag aalala na ang mga ito sa kanya. Hindi niya alam kung kailan sila makakauwi. Ilang beses na silang nag abang ni Baste ng sasakyang dadaan sa lugar pero bigo pa rin sila. Pag asa nila ang truck na nagdadala ng supply ng produkto sa bayan. Ang problema isang beses lang sa isang buwan ito magbyahe para sa dilever na paninda. At hindi pala pumapayag ang mga pahinante at driver ng hindi cash ang ibabayad sa kanila mga sigurista rin ang mga ito. Tatlong libo ang hinihingi ng mga ito sa kanila para lang maisabay sila patungong Maynila. Ang tao nga naman sobrang mapagsamantala lalo na sa mga nagigipit. Saan sila kukuha ng ganong halaga?gayong naholdap na nga sila. Tatlong libong halaga ay malaking tulong na para sa tulad ng maglolo.

