Hindi nya akalain ang pinsan ni Diego na si Rhiann ang makikita nya sa isang grocery. Ito ang babaeng pinagselosan nya na hindi nya akalaing pinsan pala ng binata. Nung una iiwas sana siya pero makulit ang babae at hinarang siya. Ito ang kabonding nya at kasakasama sa kanilang mga lakad. Hindi naman daw ito makikialam kung ano man ang problema nya sa pinsan nito. Sa isang transient house sila tumutuloy ni Rhiann sa Baguio City. Ngayon ang araw ng competition nila Diego.Niyaya siya ni Rhiann na panoorin ang racing competition ng binata bilang pagsuporta nito sa pinsan. Nag aalangan siyang sumama kahit namimiss nyang makita ang binata. Napapayag naman siya ni Rhiann dahil mag di disguised naman daw sila. Sa di kalayuan sila pumwesto. Kinakabahan na di nya maintindihan ang nararamda

