PAG BALIK ng mga Agents sa kanilang BASE ay hindi muna umuwi ang mga ito sa kanilang Chamber. Kailangan kasi nilang malaman kung saan patungo ang Helicopter na sinakyan ng mga suspect nila. Hindi tumigil si Henry sa pag trace sa location ng helicopter. Isang oras na rin ang nakakaraan, ngunit hindi parin tumitigil ito sa pag galaw. "They are heading south, Moon. Hintayin muna natin na makarating sila, bago tayo mag plano." wika ni Henry, habang walang tigil ang kanyang mga daliri sa pagtipa sa kanyang Keyboard. "Travis, i-handa mo ang helicopter. Kunin mo dito, pati ang Armed Helicopter sa Head Quater. Tatlo ang gagamitin natin, patungo sa lugar ng mga criminal." utos ni Lisa. Agad naman na nag paalam si Travis, upang puntahan ang Armed Helicopter ng ORBIT na nakatago sa ORBIT Head Q

