MATAPOS ang malaking salu-salo ng buong pamilya ay nagkanya kanya na rin sila ng balik sa kani-kanilang mga tinutuluyan. Ipinahatid naman ni Henry sa mga tauhan niya ang kanilang mga magulang sa Resthouse ni Migs. Doon niya kasi pinatuloy ang mga ito, dahil mas madali silang makakapasok sa loob dahil nasa first floor ang mga guest room ng Resthouse. Pababa kasi ang location ng bahay, kaya ang masters bedroom ay nasa ground floor. May hagdan itong pababa para makapunta sa ground floor. Napaka ganda ng view mula sa kuwarto ni Migs, dahil tanaw na tanaw ang buong karagatan. Gawa sa makapal na salamin ang bahay ni Migs, kaya makikita talaga ang Pier at ang dagat. Mayroon din helipad sa rooftop ng Resthouse, kaya madaling maialis ang mga magulang nila kung magkaroon ng emergency. Ang dalawang

