"S-Sir Renz, sa kabilang kuwarto na lang po ako matutulog." wika ni Mai-mai. Kakalabas lamang niya ng banyo. Naligo kasi siya dahil pakiramdam niya ay amoy inihaw na pusit siya. Alanganin din ang ngiti ni Mai-mai, dahil nahihiya siya kay Renz. Tinabihan kasi ng kanyang Sir Renz si Angel sa kama, kaya nahiya na si Mai-mai na humiga sa kabilang bahagi. Kaya na isipan niyang sa kabilang kuwarto na lamang siya matulog. Palabas na sana siya ng bigla siyang pigilan ni Renz. "Dito ka lang Mai, humiga ka sa kabilang bahagi ng kama. Wala akong sakit na nakakahawa, para iwasan mo." seryosong sagot ni Renz. Bumangon pa talaga siya para pigilan si Mai-mai na lumabas ng kuwarto. Mahigpit niyang hinawakan ang katawan ng dalaga, at sapilitan na ipinahiga sa kama. Ngunit ang ikinagulat ng husto ni

