GABI NA NAKARATING ang sinasakyan Van ni Lynnette sa isang liblib na lugar sa Mariveles Bataan. Ilang oras din ang naging biyahe nila bago nila narating ang isang Farm na pinag dalhan kay Lynnette. SA HABA ng biyahe ay naka tulog na lang si Lynnette sa loob ng Van. Kahit na gising siya ay wala naman siyang makita dahil sa inilagay ng mga kidnaper na kulay itim na tela sa kanyang ulo. Parang sako ang pagkakatahi nito, kaya hindi talaga ito matatanggal, kahit anong gawin niyang pag alog sa kanyang ulo. Hanggang sa mapagod na lang siya sa kakapumiglas kanina ay hindi man lang ito natanggal sa pagkakalagay sa kanyang ulo. Kaya naman hinayaan na lamang niya ito at ipinag pasadios na lang ang kanyang kapalaran. "Hoy! Gising na!... Kanina kapa hinihintay ni Boss!..." pasigaw na utos ng isang l

