"Migs, bakit parang lumilipad ako?" tumatawang tanong ni Pamela sa kasintahan. Sabay tawa ng malakas. "Ako din Babe, may pakpak na yata tayo...." sagot naman ni Migs, saka tumawa din ng malakas. Pahero silang nakahiga sa sahig ng helicopter, habang magkayakap. Sina Dianne at Charlotte naman ay nilagyan ni Henry ng seat belt, upang hindi matumba. "Ate Cha, bakit nag iba yata ang mukha mo? Bakit parang umaalon?" tanong ni Dianne sa kaharap na babae, saka tatawa ng malakas. "Ikaw nga din." tumatawa naman na sagot ni Charlotte. "Ang laki ng mukha mo." pasigaw pa na sabi ni Charlotte, sabay tawa ng malakas. Pati mga paa niya ay ipinadyak padyak pa nito dahil sa kakatawa. "Tayo na, Pare, bumalik na tayo ng Maynila, para madala sa Doctor ang mga yan! Mukhang mababaliw na sila." naiiritan

