DAHIL PAREHONG GUTOM ang dalawa ay naubos nila ang lahat ng pagkain na dala ni Henry. Alas onse na rin ng gabi, kaya ganon na lamang ang gutom nilang mag asawa. Matapos nilang kumain ay mabilis din na iniligpit ni Henry ang mga kinainan nila. Inilabas din niya sa ang mga basura at itinapon sa basurahan sa may common kitchen nila sa labas, para makuha ng mga taga linis nila sa loob ng Base at maitapon sa labas. Naupo muna ang dalawa sa may sofa at nanuod ng Netflex, habang pinapababa ang kanilang kinain. Busog na busog kasi silang dalawa, kaya ayaw nilang matulog kaagad. MAHIGPIT na magkayakap sina Henry at Lynnette, habang pinapanood ang Action movie na isa sa pinaka gusto ni Henry na panoorin. Dito kasi siya nag kakaroon ng mga bagong idea sa larangan ng pakikipag laban, kaya ganon n

