“Mommy..” tawag ni Blake habang kinukusot ang mata. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya sa paghiga. Medyo mugto pa ang mata nito dala ng sobrang pag-iyak siguro tulad ng sinabi ni Tita Suzette. “Hello baby ko, miss na miss ka ni Mommy” hanalikan ko siya at pinisil ang kabilang pisngi. “How's your vacation with your Lola? Nag-enjoy ba ang baby ko?” Tumango lang ito saka nag-pout ng nguso. “Oh bakit? May masakit ba sa'yo?” nag-aalalang hinawakan ko ang noo niya pati na rin ang leeg niya. “Mommy, where's my Daddy? Sabi niya saglit lang siya aalis.” I was dumbfounded. “Sinong Daddy ang tinutukoy mo?” casual kong tanong na nag-iwas ng tingin. “Si Daddy. Lola's son Ethan. 'Di ba siya po ang Daddy ko?” he asked innocently. Napalunok ako at tinitigan siya. “S..saan mo naman nakuha '

