I really don't know what should I do. Akala ko ay matutuldukan na ang nangyari sa Manila nang bumalik ako dito sa Davao. Pero sinong mag-aakala na ako pa mismo ang susundo at magiging alalay nito ngayon. Ang lalaking pilit kong inaalis sa puso ko. Hindi tama ‘to. Iniisip ko pa lang na isang buwan kami magkakasama, pakiramdam ko ay nagkakasala na ako. May asawa't anak siya at hindi makabubuti sa'min lalo na sa’kin kung mapapalapit na naman ang loob ko sa kanya. I'm strong enough, my mind and body are strong enough pero hindi ang puso ko. ‘Hindi pwede ‘to! Ayoko!’ “Ethan," tawag ko, I dropped the formality this time. Kanina pa ako sumusunod sa kanya at hindi ko alam kung sinasadya niya ba na tanungin lahat ng tungkol dito sa farm nila. Anyway, may point naman dahil ngayon pa lang naman s

