Kinabukasan, humingi ng sorry si Mommy dahil Saturday pa ang dating ng kotsyeng binili nila ni Dad for me. I really don't want to have a car. Wala na akong rason para makisakay kay Jeiko kapag ganoon. Marunong akong magmaneho pero medyo nakalimutan ko na at wala na'kong confidence sa sarili. Salitan ang mga pinsan ko sa pagturo nung last summer, kasama ko pa nun si Jucas before I become a college student. Naudlot lahat nung bumalik si Jeiko, syempre, excited akong makita ulit siya. Sinundo ako ni Jeiko sa bahay kanina. Good mood siya kaya mabait siya sakin kanina. I told him about my new car at bigla nalang parang gusto ko ng magkaroon ng sasakyan agad ng sabihin niyang tuturuan niya ako. I'm so excited! Pagkarating ko ng room namin para sa Arch 1, sinalubong ako ni Pons. Nag-chat kami

