Chapter 14

4372 Words
LORRINE'S POV TATLONG ARAW ang nakalipas bago magbalik nang husto ang aking lakas. Sa tatlong araw na iyon ay tila ba naging tatlong linggo sa akin. Paano ba naman, hindi ako pinapayagan na lumabas ng aking silid at ubusin ang aking lakas sa paglilibot kaya kahit bahagyang maayos na ang pakiramdam ko ay hindi pa rin ako pinalalabas sa silid na iyon. Buryong-buryo na ako sa kuwarto habang sila Aryll ay inaasar ako sapagkat malaya silang nakakapag-ensayo nang wala ako. Nabalitaan ko ring tumigil muna sa pagtuturo si Miss Felirha at hindi ko pa nakikita ang pumalit sa kaniya. Siguro ay masyado siyang nasaktan sa ginawa ni Aryll. Ngunit hindi naman daw doon ang dahilan ng pag-alis niya, ayon sa mga ulat. Mabuti na lamang at hindi ko nagawang tanungin sina Aryll tungkol doon noong unang araw na magising ako. Buong akala ko kasi, si Miss Felirha pa rin ang siyang nagtuturo sa kanila. Iyon pala ay iba na. Hindi ko kilala at hindi ko pa naman kasi nakikita. Ngunit maging sino man 'yon ay natutuwa ako. Sapagkat hindi hihinto ang aming pagsasanay nang dahil sa nawalan kami ng guro. Ngunit kahit na ganoon, nais ko pa ring malaman ang kalagayan ni Miss Felirha ngayon. Kung nasaan ito, ano ang ginagawa nito, kung kumusta ang pakiramdam nito at kung may magagawa o maitutulong ba ako kung sakaling nalulungkot pa rin siya hanggang ngayon. Nalaman na rin ni Lady Aurea ang nangyari noon kina Aryll at Miss Felirha. Agad namang humingi ng tawad si Aryll doon at alam ko namang hindi magmamatigas ang aking kaibigan dahil batid nito ang pagkakamaling nagawa. Lubhang mabait nga lang ang reyna ng Questhora dahil hindi naman ito nagpataw ng parusa para sa babaeng salamangkera, bagkus, kinausap siya nito nang masinsinan. Ayon pa sa kwento ni Nyx, nagkasundo daw ang reyna at si Aryll na gagamitin niya lang ang ganoong kapangyarihan kapag kailangan na kailangan na. Sa ngayon, kung magsasanay man siya ay tungkol lang lagi sa pagiging malakas at ang iba niya pang salamangka. Hindi rin daw niya maaaring gayahin ang wangis ng isang reyna o isang taong mataas ang katungkulan sa kaharian. Dahil na rin sa pagiging dakilang mapagsaliksik ng mga kwento ay marami kaming napagkwentuhan ni Nyx. Lalo na ang tungkol sa mga salamangka namin. Nabanggit ko pa nga ang tungkol kay Czearine. Kung gaano kalakas ang kapangyarihan nito at kung gaano ako naiinggit dahil mayroon siyang kapangyarihan na kasing lakas niyon. Paano'y hindi naman siya gagamit nang malakas na enerhiya gamit ang kaniyang boses. Sa pamamagitan lang ng kaniyang huni at tinig, magagawa na nitong makapaslang ng isang nilalang. Nang hindi napapagod at hindi napagpapawisan. Ngunit ang inggit na iyon ay agad nabura nang malaman mula kay Nyx ang kahinaan ng salamangkang iyon. Sinasabi kasi na kapag tumawa raw si Czearine ay siyang katapusan ng buhay ng makakarinig ng tawa niya. Kaya mula nang siya ay bata, at simula nang magkasama-sama silang apat, ni minsan ay hindi pa nila ito nakitang tumawa. Bawal sa kaniya ang tumawa dahil sa takot na baka malagutan ng hininga ang kung sino mang makarinig ng tawa nito. Awa rin ang namutawi sa puso ko. Dahil ayon pa kay Nyx, kahit gustuhing tumawa ni Czearine ay hindi nito magawa dahil maski ito ay natatakot sa posibleng mangyari kapag siya at tumawa. Kaya siguro ganito ang ugali niya dahil sa paraan na iyon, parang pinagkakaitan na siya ng karapatan para matuwa o sumaya. Simpleng pagtawa ay kinatatakutan niyang gawin dahil natatakot siya na baka makapaslang siya ng isang nilalang na hindi naman niya gustong paslangin. Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang pag-uugali niya. Ang kay Aryll naman na kapangyarihan ay ang salamangka na maaaring gumaya sa wangis, boses at personalidad ng isang nilalang. Lubha rin itong mapanlinlang at makapangyarihan. Dahil kahit sino ang kaya niyang gayahin. Ni rin ito takaw sa pawis at pagod ngunit wala itong silbi kung hindi gagamitan ng lakas. Ang salamangka niyang makapanlinlang ay hanggang doon lang, ni hindi kaya ng kapangyarihan na iyon na kumitil ng buhay, bagay na maganda nga sana. Ngunit mas kailangan din ngayon ng bagay na batid ng lahat na makatutulong sa digmaan. Kaya ngayon, sinasanay ni Aryll ang kaniyang lakas at bilis. Ngayon lang din napagtanto ng lahat na may angking bilis si Aryll pagdating sa pagkilos. Kaya siya nagsasanay ngayon, upang maging magkasimbilis na sila ng hangin sa pagkilos. Iyon ang nais niyang abutin. Bagay na ayon muli kay Nyx, ay magagawa na ng matalik niyang kaibigan lalo kapag sinamahan nito ng pagseseryoso. Natawa naman ako habang kinukuwento sa akin ni Nyx iyon dahil wala raw pinagbago ang babaeng salamangkera, tulad ng dati ay ginagawa lang daw nitong sisiw ang lahat. Parang hindi raw nauubusan ng enerhiya. Mukhang hindi rin napapagod. Sunod naman naming napag-usapan ay siya. Ang kapangyarihan na mayroon siya ay tungkol sa yelo. Ang malamig na bagay na maaaring mapakinabangan sa pagkain o sa mainit na panahon. Ngunit tulad ng mga nabanggit na salamangkera, hindi rin perpekto ang salamangka na mayroon siya. Ang kapangyarihang mayroon si Nyx ay paggawa ng mga bagay na konektado sa yelo. Ngunit maski siya ay napapaso sa sobrang lamig ng yelong binuo niya kapag lumampas sa -500 celcius ang lamig ng yelo na nagagawa niya. Ngunit kailangan iyon upang mas mabilisang mapatay ang isang kalaban. Pero hindi niya iyon ginagawa dahil sa takot na baka masunog na namang muli ang kaniyang mga kamay at masugat iyon. Bagag na ayaw at hindi niya hahayaang mangyari. Kaya sa tuwing nagsasanay sila, tinataas niya nang tinataas ang porsyentong kailangan niyang makamit nang hindi nasusunog ang kaniyang mga kamay. Sa ngayon ay nasa -300 celcius pa lang ang kaya ng mga kamay niya. Sa tuwing nararamdaman niyang malapit na niyang hindi kayanin ang hapdi ay kusa niyang binababa ang tolerance ng kaniyang kamay. Natapos kaming pagkuwentuhan silang tatlo. Hihinto na sana ako noon sa pagpapakuwento ngunit may isang salamangkero pa pala akong hindi naririnig ang kasaysayan… si Loie— ang lalaking bersyon ni Czearine. Hindi naman na lingid sa kaalaman ko ang kapangyarihang mayroon siya. Isang tubig sa kaliwang kamay at isang apoy sa kanang kamay. Bagay na isa sa maituturing na malakas na pwersa at salamangka ngunit isa rin sa pinakamapanganib. Para kasi iyong bulkan na sumasabog kapag pinagsama ang dalawang salamanka at ginamit nang sabay. Parang isang kawali na mayroong mainit na mantika at nilagyan ng tubig. Ganoon ang reaksyon ng katawan ni Loie sa tuwing gagamitin niya ang salamangka na iyon nang sabay… at gagamitin niya iyon nang hindi pa sanay. Ayon pa sa kuwento ni Nyx, ilang taon daw ni Loie hindi ginamit ang salamangka na iyon dahil maski ito ay hindi nagugustuhan ang salamangka na mayroon siya. Para sa kaniya ay isa iyong sumpa dahil kapangyarihan nita iyon ngunit hindi niya magawang kontrolin. Hayun nga at nawalan siya ng malay noong huling beses na magsanay kami na ako ang kaniyang kalaban. Kaya siya nagsasanay ay upang makontrol ang kapangyarihan na mayroon siya. Ngunit hindi iyon ganoon kabilis matutuhan. It's a matter of emotion and eagerness. Depende raw iyon sa kung papaano mo rin kokontrolin ang emosyon mo. Kaya siguro noong naglaban kami para mag-ensayo, sa kagustuhan niyang manalo at tapusin ako ay hindi na niya nakontrol ang hindi makontrol niyang salamangka dahilan upang malapnos ang kanang bahagi ng kaniyang braso at nawalan ito ng malay. Ganoon na siguro niya kagusto na mawala ako sa kaniyang landas. That he is willing to sacrifice his life just to send me away from him or just to kill me. How pathetic. Nakakatawa. Saglit na oras lang kami nagkuwentuhan noon ni Nyx ngunit marami na siyang nasabi sa akin. Importante at hindi importanteng bagay na siyang ipinagpasalamat ko upang maging aware ako sa lahat ng bagay na dapat kong malaman. Ngayon ay batid kong nagsasanay sila kaya wala ngayon akong bisita sa kuwarto ko. Bagot na bagot na naman ako dahil ito na ang huling araw na magpapahinga ako. Sinabihan ko na rin ang mga kagrupo ko na bukas na bukas ay babalik ako sa pag-eensayo. Kapwa tumutol sina Aryll at Nyx ngunit pinaramdam ko sa kanila na kaya ko. Tulad ngayon, napagdesisyonan ko nang suwayin ang habilin nilang manatili pa ako sa kuwarto. Bumalik na ang lakas ko ngunit hindi pa rin sila pumayag na palabasin ako sa silid na iyon. Naiinis ako dahil sa tingin ko ay kaya ko naman na. Atsaka, sarili ko ang makakapagsabi sa akin kung kaya ko na bang kumilos o hindi. Katawan ki ito at mas kilala ko ang katawan ko kumpara sa kanila na inoobserbahan lang ako. Kung mag-alala sila ay para bang ako pa ang pinakamahinang nilalang na kilala nila. Dahil ba sa ako'y taga-Verphasa lamang? Ipinagpapasalamat ko naman ang pag-aalala nila sa kalagayan ko ngunit paano ako matututo kung nakakulong lang ako sa apat na sulok na silid na iyon? Tumaas ang gilid ng labi ko at bumangon sa nakakasawang paghiga sa malambot na kama. Aking isinuot ang sapin sa paa. Kinuha ko rin ang kapang nakasabit at sinuot ito. Hindi ko na masyadong inayos ang aking sarili, walang suklay, walang kahit na anong kolorete dahil matatakpan naman ng hood ang aking mukha. Dali-dali akong lumabas ng aking silid at pinagmasdan ang magkabilang gilid ng pasilyo. Naghahanap ng pagala-galang servus. Kailangan kong makausap si Lady Aurea. Nais ko siyang makausap dahil hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kaniya sa lahat ng bagay na ginawa niya para sa akin. Kakatwang nagtataka ako kung bakit hindi siya nagalit sa akin gayong sinuway ko ang aking salita na hindi ako aalis ng Questhora. Mabuti na lang at hindi niya ibinalik sa Horristhora si Nhykira bagaman nang dumating ako sa aming tahanan ay hindi ko batid ko nasaan ito. Gusto ko ring humingi ng tawad sa reyna ng Questhora dahil masyado akong nagpadala sa bugso ng aking damdamin. Nais ko ring magpasalamat sa kaniya dahil tinanggap niya muli ako kahit na may nagawa na ako na hindi kaaya-aya sa kaharian na ito. Mula nang puntahan niya ako sa aking kuwarto ay hindi ko na siya nakausap pa. Iyon na ang una at huling beses na nagkausap kami mula nang makabalik ako sa lugar na ito. Nang makakita ako ng isang servus na naglalakad malapit sa aking kuwarto ay agad ko itong tinawag. Lumingon naman ito sa akin at yumuko bilang tanda ng pagbibigay galang. "Servus!" tawag ko sa isang tagapag-silbi na palakad-lakad lamang sa pasilyo. "Samahan mo ako sa silid ni Lady Aurea. Kailangan ko siyang makausap." Yumuko ito at nagsalita, "Masusunod. Sumama po kayo sa akin," anito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable sa pagbibigay galang at respeto nila sa akin na para bang isa ako sa matataas na uri ng salamangkera. Ngunit, ano bang alam nila? Sa pagkakaalam ko ay wala ni isa sa mga servus ang may alam na ako ay nagmula sa bayan ng Verphasa. Ang alam lang nila at pinalabas ng pamunuan ng Questhora na galing ako sa ibang pamilya at hindi agad hinandog sa kaharian na ito noong ako ay paslit pa lamang gaya ng mga kagrupo ko, maging ang iba pang grupo ng mga salamangkera. Gaya ng sinabi ng servus na kasama ko na sundan ko siya ay siya ngang ginawa ko. Hinayaan ko siyang tahakin ang daan patungo sa bulwagan habang ako ay nakasunod lamang sa kaniya. Sa paglalakad ay muli kong pinagmasdan ang ganda ng kaharian na ito. Napakaliwanag sa lugar na ito kahit umaga, kahit tanghali, kahit hapon, kahit gabi. At lubhang nakagagaan ng pakiramdam na tanawin ang mga magagandang ilaw ng kaharian na ito. Eleganteng-elegante pa ang lahat. Para bang kapag may nabasag ka sa mga ito, kulang pa ang sampung taong pagtatrabahp upang bayaran ito. Ganoon kagaganda at ka-engrande ang mga gamit dito. "Hindi ko kilala pero ang usap-usapan ay mula ito sa grupo ng Atramentous." "Siya ba ang baguhan sa grupong iyon?" "Walang sinabi kung iyong bago o iyong matatagal nang miyembro ng grupo. Ngunit ang alam ko, babae iyon." "Imposible namang si Czearine… anak iyon ng ating mahal na reyna. Bahagyang bumagal ang paglalakad ko nang maraanan ang grupo ng mga babae at lalaki na pawang katulad lamang ng edad namin. Nakasuot sila ng asul na kapa kaya naman, hindi ko nakikita ang kanilang mga mukha ngunit ang mga bulungan nila ay hindi isang bulong dahil nang maraanan ko sila ay narinig ko nang malinaw ang mga sinasabi nila. Sino ba ang pinag-uusapan nila? Ako ba? Mas binagalan ko pa ang paglalakad kaya naman nauna na ang servus sa akin. Ngunit nang maramdaman nito na hindi na ako sumusunod sa kaniya ay agad itong lumingon at tumalima. Sinenyasan ko siyang huwag mag-ingay. Nagtago ako sa isang mataas na plorera ng mga bulaklak, nasa gilid ng plorera na iyon ang grupo na nagkukuwentuhan tungkol sa aming grupo. Nang marinig ko ang Atramentous ay agad niyong napukaw ang atensyon ko. Sinundan pa ng pangalan ni Czearine kaya hindi na ako nagkamali sa aking narinig. Pinag-uusapan nila ang aming grupo at hindi ko kayang hayaan na lang iyon. Malay ko ba kung may sinasabi sila sa mga kasamahan ko na masasama? Nang sa gayon ay marapatangan agad sila at mapatawan ng karapatdapat na parusa. Nakinig pa ako sa pinag-uusapan nila at tumahimik upang hindi nila maramdaman ang aking presensya. Taimtim akong nakinig. "Imposible ring si Aryll, dahil kasabay ko siyang mag-ensayo noong kami ay paslit pa lamang," saad ng isang babae. "Iyong bago siguro? Ano ngang pangalan niyon?" boses iyon ng isang lalaki kaya bahagya akong nadismaya. Kalalaking nilalang, pinag-uusapan ang mga bagay na dapat ay hindi nila pinag-uusapan. Ano ba ang kanilang paksa? Bakit tila wala akong maintindihan? "Hindi pa ho—" Tinakpan ko ang bibig ng servus ngunit agad ko ring inalis ang aking kamay sa kaniyang labi. Nagulat kasi ako nang bigla siyang nagsalita. "Huwag kang maingay," malumanay ang aking pagkakasabi ngunit tila natakot ang servus sa akin. Kabilin-bilinan ko kasi na huwag mag-iingay ngunit sinuway niya. Wala akong balak na tanggalin ang takot niya na iyon. Tumango-tango sa akin ang servus. Inalis ko naman na ang tingin at atensyon ko sa kaniya at muling binaling iyon sa grupo ng mga salamangkerong nag-uusap. "Lorrine?" Doon ay nanlaki ang mga mata ko. Ako naman ngayon ang kanilang paksa? Ano ang kailangan nila sa amin o sa aking grupo? Ano ang kailangan nila sa akin? Bakit nila kami pinag-uusapan? "Oo, Lorrine nga." Kumunot ang noo ko. Oo iyon nga ang pangalan ko. May problema ba sila sa akin? Tumaas nang bahagya ang init ng aking ulo at para bang gusto kong sugurin ang grupo ng mga salamangkero na ito at tanungin sila kung ano ang problema nila sa amin. Ngunit ayaw ko nang gumawa ng ikagugulo ko na naman. Hindi naman ako taga-rito sa lugar na ito pero ako pa itong malakas ang loob na laging nasa gulo. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Ayaw ko kasing pinag-uusapan ako sa aking likuran. At isa pa, hindi ko naman sila kilala, lalong-lalo na't hindi sila ang mga kasamahan ko sa Atramentous kaya sa palagay ko, wala silang karapatan na pag-usapan ako. "Kung siya man ay galing lang ng Verphasa, marapat lamang na paalisin siya ito." Tumaas ang kilay ko sa narinig. So, ito pa lang ang pinuputok ng kanilang mga maaanghang na bunganga? Na ako ay taga-Verphasa? Na nakarating na sa kanila ang balitang mayroong isang miyembro ang Atramentous na galing sa bayan kung saan ako nagmula. Sino naman kayang nagsabi niyon at ano ang kaniyang motibo? Ang alam ko, kabilin-bilinan ni Lady Aurea na huwag ipagsasabi kung saan ako galing dahil ito nga raw ay taliwas sa kautusan ng kaharian at paglabag iyon sa karapatang pansalamangkero dahil hindi maaari na magkaroon ng tinatawag nilang 'special treatment' dito. Hanggat maaari ay dumadaan sa mabusisi at masusing proseso ang mga salamangkera upang matawag na pinakamalakas. At iyon ang grupo namin… ang grupo ng Atramentous. Maging si Czearine na anak ng isang reyna ay hindi nakarating sa Atramentous nang dahil sa posisyon nito na isang prinsesa. Ang pagkakakwento sa akin ni Aryll ay kasabay niya rin daw ito na nag-ensayo bagaman marami na raw itong napaslang dahil hindi niya pa kayang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan noon. Mabuti na lamang at hindi niya pinakinggan ang tawa ni Czearine noon, tinakpan niya ang kaniyang tainga dahil lubha nga iyong mapanganib. Kaya rin nasa Atramentous si Czearine ay dahil sa angkin at kakaiba nitong salamangka. Samantalang ako, napagbintangan lang at idiniin sa kasalanang hindi ko naman ginawa, napunta na grupo ng Atramentous. I know, that was quite unfair. Pero ano ang magagawa ko? Doon ako nilagay, eh. As if naman choice ko, 'di ba? "Hindi patas ang kanilang desisyon kung gayon. Mula nang tayo ay bata, nagsanay na tayo upang maging ganap na magiting na salamangkera ngunit ni isa sa atin ay hindi nakarating sa grupo ng Atramentous. Pagkatapos ay gagawin nilang miyembro ang isang salamangkera na galing lamang ng Verphasa? Hindi iyon makatarungan." Hindi ko alam kung maaasar ako o makikisimpatya sa kanila dahil totoo naman ang kanilang tinuran. Alam ko ang kanilang napagdaanan para makarating sa grupo ng Atramentous ngunit talagang hindi sila biniyayaan ng lakas na katulad sa mga lakas ng salamangka na mayroon ang mga kasama ko. At gusto ko ring maasar dahil tila iniinsulto nila ang bayan na pinagmulan ko. Oo nga at totoong bayan ng mahihinang uri ng salamangkero ang Verphasa, ngunit kailangan bang maliitin nila ang kakayahan namin? Hindi makatarungan ang desisyon, oo, sang-ayon ako roon. Pero hindi makatarungan ang pagtapak ng taga-Verphasa sa lugar na ito? Lubha iyong nakakainsulto. Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod nilang usapan dahil nalaman ko naman na ang kanilang paksa. May parte sa akin na kinakabahan at natatakot dahil pakiramdam ko, marami nang nakakaalam kung saan ako nagmula. Usap-usapan na rin iyon at hindi namin mapipigilan ang pagkalat niyon lalo pa't may mga nais ding malaman ang totoo. Hindi naman din ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa mga salamangkerong ginawa ang lahat para protektahan ako dahil sila ang mas apektado nito. Sila ang may kakayahan na tanggalin ako at ipasok sa grupo kaya sila ang mas malalagot sa usaping ito. Kasama ang servus na tinawag ko kanina ay nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa malaking pinto kung saan naroon ang bulwagan. Nang makarating doon ay huminto ako at huminga nang malalim. Ayaw ko na munang isipin ang mga bagay na makakagulo lamang sa aking isipan. Sakali mang malaman ng mga mamamayan sa Questhora ang hindi makatarungang pasya, handa akong umalis sa kaharian na ito para sa ikasasaya nila. Ako lang naman ang dahilan kung bakit nahihirapan ang kaharian na ito. Kung bakit magkakaroon ng gulo o ano pa man. Nang nasa harap na kami ng malaking pinto ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Paano nga sinasambit ni Aryll at Czearine ang kanilang pagkakakilanlan? "Lorrine Kirschtein... Atramentous," panggagaya ko sa paraan ng pagbanggit nina Aryll nang sila ang nasa malaking pinto ng bulwagan. Napangiti naman ako nang kusang bumukas iyon. Gumana siya. Nakangiti akong lumingon sa servus na kasama ko. Kita ko naman sa mukha niya ang pagtataka kaya inalis ko agad ang mga ngiti na iyon dahil baka maramdaman niyang ignorante ako sa bagay na ito. "Maaari mo na akong iwanan dito. Kaya ko nang tumungo roon nang mag-isa," saad ko sa servus. Iyon lang naman kasi ang nakakalitong daan... ang pagtungo sa bulwagan. Yumukong muli ang servus tanda ng pagbibigay galang at umalis na sa aking harapan. Muli kong hinarap ang malaking pinto na ngayon ay nakabukas na. Ngingisi-ngisi akong pumasok. Hindi mawaglit sa isipan na kusang bumukas ang malaking pinto na iyon. Para sa akin ay napakagaling ko na dahil nagbukas iyon. Para bang isa iyon sa aking mga ginawang achievements. "Mabuti naman at hindi ka namimili ng amo," usal ko pa sa pinto na iyon saka bahagyang tinapik na para bang may buhay ang pintong iyon. "Good job ka sa part na 'yan!" dagdag ko pa at tatalon-talong naglakad papasok. Tumawa ako nang mahina. Parang masisiraan ako ng bait dahil lamang sa nagawa ko ang bagay na iyon. Mabuti na lamang at walang servus na padaan-daan dahil baka mapagkamalan pa akong tinatakasan ng katinuan na para ngang tunay dahil heto ako't lulukso-lukso. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bulwagan. Napakalawak na espasyo niyon. Ngunit minadali ko na lang ang aking sarili dahil ayaw ko namang magtagal pa sa lugar na ito. Medyo sagrado kasi ito dahil minsan lang magamit ang bulwagan na ito— ayon sa kuwento nina Aryll at Nyx. At bibihira lang din daw mapunta ang mga salamangkero sa opisina o lugar ng reyna. Kapag lang importante. Nang malapit na ako sa kuwarto kung saan naroon ang mahal na reyna ay natanawan ko na ang mga magigiting na kawal na laging nagbabantay sa kaniya. Napansin ko ang pagtataka sa mukha ng mga ito kaya hinubad ko ang telang tumatakip sa aking ulo, maging sa aking mukha. Nang magawa iyon ay nakita kong ngumiti ang mga kawal sa akin, namumukhaan ako. Ngumiti rin naman ako pabalik sa kanila. "Nariyan ba ang mahal na Lady Aurea?" tanong ko sa isa sa mga kawal. Napangiti ako nang tumango ito at iminuwestra sa akin na magtungo na raw ako sa silid. Nang makarating sa pinto niyon, kakatok na sana ako upang ipagbigay alam ang aking presensya ngunit nahinto sa hangin ang aking kamay at agad iyong ibinaba. Hindi ko na nagawang kumatok dahil nakarinig ako ng tila isang sigawan. Tila may narinig akong boses lalaki na sumisigaw. Agad kong binilisan ang paglalakad. Suwerte namang nakaawang ang pinto, sinilip ko kung sino ang naroon. Si Lady Aurea, Loie at Czearine. Bakit narito ang dalawang ito? Ang akala ko ay nagsasanay sila? At kung narito sila, teka... nasaan sila Aryll at Nyx? "Hindi niya nga puwedeng malaman ang lahat! Makakagulo lang 'yon!" sigaw ni Czearine kay Loie na nakayuko lang habang nakatayo. "Ano ba, Loie? Sisirain mo na lang ba ang lahat ng plano?" Kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni Czearine dahil lubha iyong seryoso. Seryoso at nakakapanindig balahibo. Ano ang kanilang pinag-uusapan? Gusto kong mainis sa sarili ko dahil katatapos ko lang makinig sa usapan nang may usapan kanina nang mapapunta ako rito sa bulwagan. Ngayon na naman ay hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na gawin iyon. "I just want to make sure she'll never leave us again, Czearine… I mean, just like that," malumanay na tugon ni Loie. Bagsak ang balikat. Bagaman nakatalikod siya sa akin ay damang-dama ko ang lungkot sa kaniyang boses. Tila ibang Loie ang nakikita ko ngayon. Hindi si Loie na siyang nakasanayan ko. Hindi si Loie na laging galit at seryoso. "Pero alam mong hindi iyan ang solusyon kung ang gusto mo lang ay manatili siya," saad naman ni Czearine. Pinaiintindi kay Loie ang nais sabihin. "Dati ay gustong-gusto mo siyang paalisin dito. Ngayon naman ay ayaw mo siyang umalis. Ano ba talaga?" Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko naman gustong maramdaman at isipin 'to pero, ako na naman ba ang pinag-uusapan? Tungkol sa akin na naman ba ang paksa? Hindi ko maiwasang hindi isipin iyon dahil pakiramdam ko, ako naman ang tinutukoy ni Czearine. Ako lang naman, base sa obserbasyon ko, ang pinaaalis ni Loie dito. Ako lang naman ang gusto niyang paalisin, hindi ba? "Gusto ko lang makasiguro na ligtas siya." matabang nitong saad. "At oo, noong una, gusto ko siyang paalisin. Ngunit nang makasagupa namin ang mga nilalang na gusto siyang saktan, gusto kong lagi ay nakikita siya. I am afraid that maybe one day, nakuha na siya ng kabila." "Naiintindihan kita. Tulad ay nag-aalala rin naman ako sa kaniya. You've been following her for twenty-years. Alam mo ang kaya niyang gawin. Alam mong hindi siya kasing hina ng iniisip mo, Loie. Puwede ba? Pagkatiwalaan mo ang kakayahan niya. Hindi siya mananatili dahil lang sa nalaman na niya ang totoo. Dahil iba pa rin ang tinuring niyang pamilya!" "At ano ang gusto mong gawin ko, Czearine, ha? Ang magalit na lang sa kaniya kahit hindi iyon ang kagustuhan ko?" Tumaas ang boses ni Loie. Sa unang pagkakataon ay nasaksihan kong sigawan niya si Czearine. Hindi ko maiwasang hindi pangiliran ng luha. Wala mang kompirmasyon, pakiramdam ko, ako ang pinag-uusapan nila. Pakiramdam ko, para sa akin ang mga salitang binibitawan nila. At hindi ako naluluha dahil sa ako ay nasasaktan. Naluluha ako dahil pakiramdam ko, may pakialam sila sa akin. Kahit na hindi ko naman talaga alam na ako ang kanilang pinag-uusapan. Nagsisigawan na silang dalawa at kahit ako ay hindi alam kung sino ang pinatutungkulan nila. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Kirot na parang gusto kong umiyak na lang. Kirot na para bang nasasaktan ako't naririnig ko ang pinag-uusapan nila. At tinutukoy niyon ay walang iba kundi ako. Hindi naman para sa akin ang mga salitang iyon ngunit bakit mas nababahala ako. Sino ba ang tinutukoy nila? Ako ba? Kung ako naman, bakit? Bakit kailangan nila akong patalunan? "Enough." Muli akong napasilip nang magsalita si Lady Aurea. Doon lang naghiwalay sina Loie at Czearine... pawang humihingal dahil sa tensyon na namagitan. "Bakit kayo nag-aaway? Hindi ba't dapat ay nagtutulungan kayong dalawa?" "I'm sorry, Lady Aurea," iyon na lang ang sinabi ni Loie. "Czearine. Alam kong nag-aalala ka para sa kapakanan niya at ganoon ka rin Loie. Pero, Loie. Sana'y maintindihan mo na hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni—" "Oh, Lorrine. Bakit nandito ka?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Aryll sa aking likuran at tila ba takang-taka na nakasilip ako pinto. "Bakit hindi ka pumapasok? Wala ba si Lady Aurea sa loob? Gusto kong takpan ang bibig ni Aryll dahil masyadong malakas ang kaniyang boses ngunit alam kong wala na akong magagawa dahil napahinto na sa pagsasalita si Lady Aurea nang marinig ang boses ni Aryll. Nagugulat na napatingin ako sa loob. At mas ikinabahala ko nang makitang nakatingin na silang tatlo sa akin. Masama ang tingin ng dalawa sa akin gaya ng inaasahan ko. Kaya naman, hindi na ako nagulat nang sugurin ako ni Czearine ng nakakatakot niyang tingin. "What are you doing here?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD