Chapter 16

3429 Words
LORRINE'S POV I AM NOW in front of a fancy red gown sprinkled with silver crystals and beads… staring like a fool. Napanganga ako nang makita iyon. Apat na servus ang nandito ngayon sa kuwarto ko upang mag-ayos sa akin. Ganoon na ba hindi kaaya-aya ng hitsura ko para bigyan ako ng apat na servus na mag-aasikaso sa akin. Nakatulala lang ako sa harap ng gown na ito habang bitbit ng dalawang servus. Palibhasa'y nakikita na sa paningin pa lang na mabigat ang gown na iyon kaya dalawa silang nagtulong para bitbitin iyon. Wala naman sana talaga akong balak na um-attend sa pagdiriwang na iyon dahil batid kong hindi naman ako dapat narito. Kumbaga, saling pusa lang ako. Ayoko na sanang makisiksik pa sa pagdiriwang na hindi naman para sa akin. Isa pa, wala naman akong pamilya rito. Gaya ng sinabi ko kay Aryll, maninibugho lang ako. Bagay na ayaw ko sanang maramdaman pero pakiramdam ko, kailangan kong paghandaan. Hindi naman kasi ako kasinrangya ng mga mamamayan dito sa kaharian ng Questhora. Batid ko naman kung saan ako nagmula. At paulit-ulit kong tinatatak sa aking isip na ako ay taga-Verphasa. Isang hamak mahinang nilalang na walang karapatang tumapak sa lupa ng mga taga-Questhora. Noong si Aryll ang nagyaya sa akin na sumama sa pagdiriwang na ito, buo sa loob ko ang pagtanggi. Sinabi ko pa sa kaniyang pag-iisipan ko ang bagay na ito ngunit sa loob-loob ko, alam ko na ang magiging desisyon ko. Ngunit nang si Lady Aurea na ang nakiusap sa akin na dumalo, umurong ang dila ko sa pagtanggi. Nakakahiya dahil reyna na ang siyang nakikiusap sa akin. Sino ako para tanggihan ang alok ng isang reyna? Kaya heto, wala na nga akong magawa nang simulan ng servus ang pag-aayos sa akin. Naligo lang ako at nagtapis, pagkatapos niyon ay sinimulan na nilang ayusin ang magulo kong buhok. Tahimik lang naman ako at hindi umiimik. Wala naman akong dapat na i-akto dahil maingat sila kung kumilos. Maging sa pagsuklay ng aking buhok ay naging magaan iyon. Halos katulugan ko nga sila dahil sa gaan ng kanilang mga kamay. Animo'y hinihele ako. Pero siyempre, hindi naman ako maaaring matulog kahit dinuduyan ako ng antok. Ilang oras bago kami natapos. Ngunit hindi agad ako tumayo sa pagkakaupo ko sa harap ng vanity table dito sa kuwarto ko dahil natulala ako sa repleksyon ng aking sarili sa salamin. "Lubhang kaakit-akit ang iyong ganda," saad ng isang servus sa aking gilid ngunit hindi ko siya magawang tapunan nang tingin dahil hindi maalis sa salamin ang aking paningin. "Tunay ang iyong tinuran, Liesha," sang-ayon naman ng isang servus habang banayad na sinusuklay ang buhok ko. Nag-usap pa ang mga servus sa gilid ko, pinupuri ang sinasabi nilang taglay kong kagandahan. Hindi ko sila magawang pasalamatan dahil nananatiling nakapako ang paningin ko sa sariling repleksyon sa harap ng salamin. Ngunit naririnig ko ang kanilang mga sinasambit. Hindi ako nagagandahan sa sarili ko. Sadyang hindi ko lang makilala ang Lorrine na taga-Verphasa dahil sa aking ayos ngayon. Lalo pa't suot-suot ko na ang pulang baro na kanina lang ay manghang-mangha ako nang makita iyon. Hindi na ako nagtagal sa aking kuwarto dahil pinaalalahanan na rin ako ng isang servus na nariyan ang naghihintay kong mga kaibigan. Bago lumabas ng kuwarto ay nagpasalamat ako sa apat na servus na matyagang nagbigay sa akin ng lakas na loob para lumabas. "Oh my Gosh! You're a Goddess!" Nanlalaki ang mga mata ni Aryll nang salabungin niya ako sa tapat ng pinto ng aking kuwarto. Naka-angkla ang braso nito sa kasamang si Nyx na kapwa niya nagugulat ang reaksyon. Labis naman akong nahiya nang makita sila. Ang kaninang malakas na loob dahil nakita ko ang sarili ko sa salamin ay tila umurong nang makita ang kanilang reaksyon. Hindi ba't parang sobra naman yata ang sinabi ni Aryll? Hindi nababagay sa akin ang maging diwata o diyosa katulad ng sinasabi niya. "Right, Nyx?" "Y-Yeah. You look beautiful, Lorrine," Natutulalang usal ni Nyx habang hindi pinapatid ang tingin sa akin. Inis akong napaiwas ng tingin. Biglang nag-init ang pisngi ko sa labis na hiya. Kung susumahin, mas magaganda ang ayos nila lalo pa't likas na sa kanilang dalawa ang pagiging marangya. Kaya ako nahihiya ngayon dahil ito yata ang unang beses na lumabas mula sa kapa na aking laging suot ang balat kong itinatago. Hindi naman iyon kayumanggi. Sa katotohanan ay maputi ang aking balat. Ngunit nahihiya akong ilabas iyon dahil parang sa balat ko pa lang, nakikita na kung saan ako nanggaling. Pero ngayong gabi, maski ang balat ko ay ginawa nilang tila kutis ng isang marangyang salamangkera. Bagay na nakapagpalakas ng loob ko para magpakita sa lahat. "Oh, 'di ba! Pati si Nyx, nauutal sa ganda mo," panunukso sa akin ni Aryll. Hindi ko na natago ang hiya ko. Mabilis akong napayuko ngunit agad na inangat ni Aryll ang paningin ko. "Cheer up, girl. You are pretty!" Huminga ako nang malalim. Parang kinakabahan ako ngayon. Hindi ko mawari ang dahilan o kung ano ang nagpapakaba sa akin ngunit sigurado akong kinakabahan ako. Baka dahil lang sa hindi ako sanay na makita nila nang ganito? Kinapa ko ang sariling dibdib. Ibang klase ang kaba na iyon. Sumasakit ang tiyan ko dahil sa kaba, pinanghihina niyon ang aking paghinga at pakiramdam ko, anumang oras ay bigla akong luluha… sa hindi ko malaman na dahilan. "Are you okay?" Nyx asked. Agad naman akong napatingin sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Tell me if you need anything." Umiling ako nang sunud-sunod. "Tigilan ninyo nga akong dalawa. Hindi ako kumportable sa suot ko," pagdadahilan ko na lang upang maibang muli ang usapan. Napasimangot ako at saka nagsimula silang talikuran. Labag sa loob ko ang bawat hakbang ng aking paa. Pakiramdam ko kasi, ayoko nang dumalo. Bigla ay nakaramdam ako ng inis. At mas naiinis ako dahil hi di ako kumportable sa suot ko. Gusto ko pa yata ang magkapa upang matakpan ang balat ko. Kanina lang ay malakas ang loob ko, ngayon, pinanghihinaan na akong muli. Naiinis ko pang binibitbit ang laylayan ng aking damit upang maiwasang matapakan ito. Kung bakit ba naman kasi sobrang haba ng suot kong gown. Sabagay, hindi naman ito matatawag na gown kung hindi ito mahaba. Iyon nga lang, tinatamad akong bitbitin ito ngunit hindi ko naman magawang hayaan dahil kasalukuyan akong naglalakad. Paano na lang kung matapakan ko ito at matapilok ako? "Sino ang mag-aakala na galing kang Verphasa?" muling saad ni Aryll nang makapasok kami sa malaking bulwagan kung saan ginaganap ngayon ang pagdiriwang. Mahina lang iyon, bulong lang. Mukhang hindi nga narinig ni Nyx dahil hindi naman siya tumingin sa gawi namin. Kusang naglibot ang paningin ko sa malawak na bulwagan. Napamangha ako sa labis na ganda niyon. Nakasisilaw ang liwanag ng malalaking chandelier na nakasabit sa itaas. Samantalang ang malilit na ilaw ay nakapalibot din sa mas mababang parte ng chandelier, paikot iyong sa buong bulwagan. Parang piyesta ng mga ilaw dahil sa sobrang liwanag ng mga iyon. Ilang round tables din ang nasa bulwagan na may kulay asul na telang nakabalot doon. Maging ang mga tig-limang upuan ay nakadamit ng kulay puti. At hindi nawala sa mga bilog na lamesa ang isang vase na may matitingkad na kulay na bulaklak. May iilan na ring mga salamangkero ang naroon, nakaupo at may sariling mundo sa pakikipag-usap. Hindi sila pamilyar sa akin pero alam kong isa silang mga salamangkerong may mga sariling grupo. Tulad naming mga Atramentous, may pangalan din ang kanilang hanay. Hindi ko lang alam kung ano iyon dahil wala namang nababanggit sa akin. Tumingin pa ako sa buong paligid at nagmasid. Ang mga servus at kawal ay nakakalat sa buong bulwagan upang mag-asikaso ng mga bisita at iba pang salamangkero. Habang ang mga kawal naman ay nagmamasid at nagbabantay upang maging maayos ang takbo ng pagdiriwang na ito. Pakiramdam ko, hindi talaga ako nababagay rito. "Tsh. Ano'ng oras ba matatapos ang pagdiriwang na 'to? Gusto ko nang bumalik sa kwarto ko," angil ko nang mas maramdaman na hindi ako nababagay sa lugar na ito. Dahil ibang-iba ang postura, tindig ang paraan nila ng pakikipag-usap kumpara sa akin. Huminga nang malalim si Aryll, matunog iyon kaya napatingin ako. "Ano ba, Lorrine. Hindi pa nga nagsisimula, aalis ka na agad." Naglungkot-lungkutan ang boses ni Aryll. Kunwaring sinamaan ko naman siya ng paningin. "Ang tagal naman. Ano pa bang hinihintay? Bakit hindi pa nagsisimula?" naiinip na tanong ko. "Saan tayo uupo? Ayokong tumayo lang rito," dagdag ko pa dahil nahahalata ko nang nakukuha ko ang atensyon ng iilang salamangkero. Ang iba kasi ay tumitingin sa gawi namin dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kami. Bigla akong nanliit sa sarili ko dahil baka bigla nilang malaman na hindi naman ako lumaki rito sa Questhora. Baka mahalata nila sa akin na hindi ako kasinrangya nila. "Darating pa kasi ang mga namumuno sa Horristhora. Hindi pa yata sila dumadating," paliwanag ni Nyx. Pero wala naman akong pakialam doon. Hindi naman ako interesadong makilala ang namumuno sa Horristhora ngunit hindi ko maiwasang hindi maalala si Nhykira. Naroon kaya siya? Siguro ay wala na. Dahil alam kong marunong naman tumupad sa usapan ang mahal na reyna. Tumango-tango ako kay Nyx. "Oh, anong oras pa?" "Maybe now, maybe later?" pang-aasar naman ni Aryll. Naging matunog ang ngisi ko ng pagkasarkastiko. "Chill ka lang. Hindi ka naman nag-iisa," aniya saka inikay ako sa isang bilog na lamesa sa kanang parte... sa harap ng entablado. Oo ngayon, hindi ako nag-iisa dahil nandito pa sila. Pero paano mamaya? "Pero mamaya, iiwan ninyo na ako," nakabusangot kong saad. Batid kong kapag dumating na kani-kaniyang pamilya ng mga ito ay iiwan lang din nila ako. Maiiwan akong mag-isa dito. Alam ko namang kailangan nila ng oras para sa pamilya nila dahil tatlong taon ang nakalipas buhat nang huli silang magkita at sino ako para hadlangan iyon? Sino ako para piliin nilang manatili sa tabi ko at hindi puntahan ang kanilang pamilya? "Who said that?" Nagpasalamat ako kay Nyx nang alalayan niya kaming makaupo ni Aryll sa upuan. "Hindi ka naman mag-iisa, 'no! Tsaka... ipapakilala kita sa family ko." Still, maninibugho pa rin ako. Alam kong makakaramdam ako ng inggit. Ilang saglit pa kaming nagtalo ni Aryll ngunit sa huli ay natalo ako. Mas malakas siya kung mang-asar kumpara sa akin. Wala naman ginawa si Nyx kundi ang tawanan kaming dalawa. Lumipas pa ang ilang minuto at pinagdalhan kami ng mga servus ng iilang prutas maging ang inumin. Inabutan din ako ng mga bagong lutong karne at ilang mga pagkain na tila ngayon ko lang nakita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang kinuha ni Nyx sa isang tray na bitbit ng isang servus. "Serbesa ba ang mga 'yan?" kunot-noong tanong ko habang tinitingnan ang iniinom ni Nyx. Tumango si Nyx. "Oo. Tuwing pagdiriwang lang maaaring uminom ng ganitong inumin kaya lubusin na natin," sagot nito. Mayamaya lang ay nanlaki ang kaniyang mata na siyang pinagtaka ko. "Oh, nandito na pala sila Loie, eh. What's up, bro? Hey, Czearine!" bati niya nang makalapit ang mga ito sa amin. Narinig ko naman ang langitngit ng upuan na nasa aking tabi, kasunod niyon ang pag-upo ni Loie. Bigla ay nakaramdam ako ng hindi mapaliwanag na pagkabalisa. Parang gusto kong umalis sa harapan nila ngunit ayoko namang maging bastos. Namasa ang mga palad ko at hindi ko alam kung saan ipupunas iyon. Biglang sumakit muli ang aking tiyan at nakaramdam ng kakaibang kaba. Bumilis ang t***k ng puso ko at para bang anumang oras ay tutumba ako. Bakit ako kinakabahan? "You look so gorgeous, girl!" dinig kong pagpuri ni Aryll kay Czearine. Sinipat ko ang kabuuan ni Czearine. Hindi talaga mapagkaka-ilang anak siya ng reyna. Sa ganda at kinis ng kaniyang balat, siya na ang may pinakamagandang mukha na nakilala ko. Iyon nga lang, binawi sa ugali. Dahil napakapangit niyon. "I know right!" Napatingin naman ako kay Czearine at nagulat nang makitang nakangiti ito. Binawi ko agad nag gulat sa aking mukha dahil ayokong makita niya na tinitingnan ko siya. Baka may masabi na naman siya sa akin. Maski si Aryll ay nagulat. "Oh My God! You are smiling na?" nagugulat na tanong nito ngunit halata ang pagkatuwa. Tumikhim naman ang katabi kong si Loie. "Stop teasing her, Aryll. Launt is here," nakangising suway naman nito sa kaibigan ko. Launt? Sino 'yon? Salamangkero din ba iyon? May katungkulan ba 'yon? Nag-uusap-usap sila ng mga bagay na wala akong ideya kaya pakiramdam ko, out of place ako. Dapat talaga hindi na ako nagpunta. Ano bang papel ko rito? Nakuha ni Loie ang interes Aryll. "Really?" "Yeah," maikling sagot nito. Mayamay lang ay tumikhim si Loie saka humarap sa akin. "Excuse me," anito saka inginuso ang laylayan ng aking gown na naipit ng upuang inuupuan niya. Agad naman akong tumayo nang makita ko iyon. Ngunit ikinagulat ko nang pagkatapos niyon ay nakita kong ngumiti si Loie nang tipid. Bagay na ikinabawi ng tingin ko sa kaniya. Muling tumibok nang malakas ang puso ko at parang lalabas na iyon mula sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Para akong sinasakal. "Who's with him?" Mabuti na lang at muling nagtanong si Aryll dahilan upang mabaling doon ang atensyon niya. Bakit ang init ng paligid? Hindi naman dati ganito kainit ang klima sa lugar na ito. Parang gusto kong paypayan ang sarili ko dahil ayoko namang mawala ang make up sa mukha ko at kumalat iyon dahil sa pawis. "Mom and Dad. Also, Larc," rinig kong sagot ni Loie. Pwede bang huwag na siyang magsalita o makipag-usap? Pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya, kinakabahan ako. Mas lalo ko pang naramdaman ang kaba nang mamutawi sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Aryll kamakailan lang tungkol sa kaniya… na may gusto raw ako sa kaniya pero alam ko namang wala. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi mailang. "Oh my gosh! I missed Larc so damn much," tila kinikilig na saad ni Aryll. Hindi ko kilala ang pinag-uusapan nila kaya hindi ako nagkaroon ng interes doon. Mas lalong lumukot ang mukha ko dahil wala na akong makausap. Pakiramdam ko talaga, naiiba ako. Mabuti na lang at biglang nagsalita si Nyx. "This is good," ani Nyx na nasa kaliwa ko. Naglagay siya ng ilang prutas sa aking plato. Nagugulat man ay ngumiti ako sa kaniya. "Thanks." "The gown suits you." Napatingin ako kay Czearine nang kalabitin ako nito kahit nasa gitna namin si Loie. Nasa magkabilang gilid kasi kami ni Loie. Napapagitnaan namin ang lalaki. Naninibago talaga ako sa kaniya. Ano ang nakain ng babaeng ito at naging palangiti? Naisip kong dahil darating ang pamilya nito ngunit napagtanto kong si Lady Aurea iyon... na araw-araw niyang nakakasama. Kaya naman, hindi ko maiwasang hindi magtaka sa paraan niya ngayon ng pakikisama. Kung sana ay lagi siyang ganito, edi sana ginusto ko na sa lugar na ito. "T-Thanks, C-Czearine." Sinikap kong ngumiti nang hindi pilit ngunit tila nabigo ako ro'n. Naiilang pa rin kasi ako sa kaniya. "Ako ang pumili niyan." "R-Really? T-Thanks, then." Kunwaring nagugulat na tanong ko pa para lang mabuhay ang usapan naming dalawa. Napayuko ako dahil sa hiya. "You'll meet Launt later." Napaangat ako ng tingin nang sabihin niya 'yon. Pangalawang beses ko na narinig ang pangalan na iyan ngunit hindi ko naman iyon kilala. Pero sa tuwing mababanggit ang pangalan na iyan, parang kinukutuban ako nang masama. Sino ba iyon? "Czearine." Nahihimigan ang panunuway sa tinig ni Loie. Kunwaring napasinghap si Czearine at napahawak sa kaniyang bibig. "Why? May masama ba sa sinabi ko?" Hindi ko na sila pinansin. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-uusap at nangunguna roon ang bibig ni Aryll. Ikinuwento niya kung gaano siya kasabik makita ang nakababatang kapatid ni Loie na si Larc maging ang nakatatandang kapatid nito na si Launt. Aniya, hindi masyadong makasundo ni Loie ang kuya nito. Naninirahan ang mga ito sa Bayan ng Dettesia na malapit lang dito sa Questhora. Ang bayan na iyon ay pili lamang ang maaaring manirahan. Ang pinakilalang pamilya at pinakamayaman. "Hey, girls!" Natigil ang kanilang pag-uusap ng may magsalita sa aming gilid. Isang matangkad na lalaki ang nakangiting nakatingin sa aming lahat. Kasama nito ang isang binatilyo na parang nasa edad sampong taon lamang. Pawang magaganda at matitikas ang tindig ng mga ito. Sumisigaw ang karangyaan sa katauhan ng dalawa sa paraan pa lang ng pagtayo nila. Nakaramdam muli ako ng panliliit at parang gusto kong sumuot sa ilalim ng lamesa para magtago. "Launt!" Si Aryll ang naunang tumayo at sinalubong ito ng yakap. "I missed you." Napatingin ako sa tinawag na pangalan ni Aryll. Siya iyong matangkad na lalaki. Siya pala ang sinasabi nilang Launt? "Tsh. Ikaw talaga." Humila siya ng dalawang upuan saka pumuwesto tabi ni Aryll. Inilalayan naman niya ang kasamang bata na maupo doon. Dahil doon, kinailangan namin magdikit-dikit upang magkasya sa iisang lamesa. At hindi ko nagugustuhan iyon dahil kakaunting espasyo lang ang nasa pagitan namin ni Loie. Hindi ko gusto ang hindi sinasadyang pagdidikit ng aming mga balat dahil pakiramdam ko, nakukuryente ako. Parang may isang sisiklab na kuryente kapag nagdikit ang mga balat namin kahit sandali. "Oh, Gosh! Larc, ang laki mo na!" Hindi pa rin nawawala ang masayang ngiti sa mukha ni Aryll. Hindi talaga nawawala ang energy nito kahit anong araw. Kahit pa sabihing may malungkot na nangyari, at the end of the day, tumatawa pa rin siya. "I know that po, ate." Napangiti ako nang bahagya nang magsalita ang batang lalaki. He is cute. "You're still cute. I can't deny it." Nanggigigil na saad Aryll. Para bang tuwang-tuwa siya makakita ng bata. Sabagay, gwapo ito at malinis ang hitsura. Sumisigaw ang kayamanan sa postura ng mga ito. Napaiwas ako ng tingin nang hindi sinasadyang magkasalubong kami ng paningin ng tinatawag nilang Launt. "May I know you name, Miss?" "Oh, she's my friend. Her name is Lorrine," si Aryll na ang sumagot. Tumango-tango ang lalaki at pinasadahan ako ng tingin. Hindi ko naman alam kung saan ibabaling ang tingin ko dahil naiilang ako sa presensya ng lalaking ito. "Lorrine? Lorrine Kirschtein?" Nagulat ako sa sinabi ng tinawag nila Launt pero hindi ko pinahalata. Paano niya nalaman ang buo kong pangalan? Ngayon pa lang kami nagkita. Hindi pa naman ako nagpapakilala sa kaniya. "Uh-uh?" Tatango-tangong sagot ni Aryll. "What's with your reaction?" "Kuya." Muli ay nahihimigan kay Loie ang pagbabanta. Tila nakuha naman sa tingin ang kaniyang kuya kung kaya't bigla itong tumawa. Kuya niya pala ang Launt? Sabagay, hawig nga sila. Tila mas pinabatang bersyon ng mukha ni Launt ang hitsura ni Loie. Ngayon ko lang iyon napansin. "O-Oh. Siya pala iyong sinasabi ni Lady Aurea kanina." Ako? Napag-usapan nila ni Lady Aurea? Para saan at bakit? Hindi ko maiwasang hindi maitriga. Ano naman kaya ang pinag-usapan nila tungkol sa akin? Dapat ba nila akong pag-usapan? Para saan? Huminga ako nang malalim at naglakas loob para magsalita dahil masyado akong nakyuryos sa pinag-usapan nila ng reyna. Lalo pa't galing na mismo sa bibig ng lalaking ito na ako ang kanilang paksa. "Sana hindi kasinsama ng iniisip ko ang napag-alamanan mo." Ako na ang nagsalita dahil isa sa ayaw ko ang pinag-uusapan ako. "I'm Lorrine," saad ko saka inabot ang aking kamay. Sinikap niya namang abutin iyon sa kabila ng malayong agwat namin. "Launt. Nice meeting you," "Hm." Tumango ako saka nag-iwas ng tingin. Minabuti ko na lang na lantakan ang mga prutas na nakahain. Mahigit kalahating oras din ang lumipas mula. Umingay ang buong paligid nang dumating ang mga pamilya ng mga ito. Isa-isang lumapit ang mga magulang sa kanilang mga anak saka ipinakita ang labis na kasabikan ng mga ito. Nanikip ang dibdib ko gawa ng pagkainggit. Alam ko namang wala na akong tunay na pamilya ngunit hindi naman siguro masama kung hihilingin kong sana ay narito sila Inay Serra... na siyang itinuring ko nang akin. "Lorrine, wala kang pamilya?" Hindi ko alam kung nang-aasar ang tanong na iyon ni Czearine ngunit labis akong nainsulto. Obvious ba? Hindi ba nila alam na galing ako Verphasa? Sa ilang buwan naming magkasama, imposibleng hindi niya alam iyon? O baka pinamumukha niya lang sa akin para maasar ako? Imbes na sungitan siya at makipagtalo, nalulungkot ko na lang na sinagot ang kaniyang tanong. "W-Wala." Na siya namang totoo. "Ano'ng wala? Narito kami!" Nanlaki ang mata ko nang mabosesan ang nagsalitang iyon. Agad akong napalingon sa aking likuran. Gayon na lang ang pag-agos ng aking luha nang makita kung sino ang dumating. "Nhykira! Miandro!" At doon ay binusog ko sila ng yakap nang may pananabik. Saka humagulgol nang maramdaman ang higit niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD