Kanina pa niya nahahalata na kursanada siya ni Lydia,isa sa mga empleyado na imbitado sa pagdiriwang ito. Hindi siya pinalaki ng magulang niya na maging isnabero lalo na sa babae. He love and respect her mom. Nang nagbibinata siya ito lagi ang nagpapaalala sa kanya na respetuhin ang mga babae at huwag paglaruan. Sa klase ng trabaho na pinasok niya hindi na niya alam kung ano ba ang relasyon? Kung paano ba makipagrelasyon? Hassle lang yun sa kanya! Kaso ngayon nakayakap na sa braso niya ang babae. Maganda ito pero hindi niya tipo ang tulad nito. Masyadong..clingy? Dinaan niya sa pag-inom ng light beer ang pagbuntong-hininga niya. Patuloy pa rin ito sa pagkwento ng kung ano-ano tungkol sa sarili nito. Well,hindi man siya interesado pero iyun ang pinapakita niya sa dalaga. Di ba nga,be a

