Chapter 2

1041 Words
Kinabukasan, maagang gumising si Alyana para makapaghanda ng maaga sa pagpunta sa bagong trabaho. Maaga siyang naligo, naglinis ng inupahang kwarto at nagpaalam sa kasama niya sa bahay. Nang makarating sa mansyon ng mga Valiente ay kaagad niyang hinanap ang mga katulong para malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Sa kusina niya naabutan ang pinakamatanda sa lahat, si Manang Celia. Ito rin ang matandang babae na nakausap niya noong unang pumunta siya dito sa mansyon. "Magandang umaga po, Manang Celia.. " bati niya sa matanda. "Magandang umaga din, hija. Kanina ka pa hinihintay ni Señora sa loob ng office niya," nakangiting wika ni Manang Celia. "Sige po, manang. Salamat po.. " paalam niya. Agad siyang nagtungo sa office ni Mrs. Valiente at ilang katok pa lang bumukas na ang pinto nito. "Oh, you're here, C'mon over, hija. Take a seat." bungad ni Mrs. Valiente sa kanya. "Salamat po.." "Habang hindi pa nagsisimula ang paninilbihan mo sa anak ko, pwede ka munang tumulong dito sa bahay pero nasa sa'yo 'yon kung gusto mong gumawa ng ibang trabaho maliban sa trabaho mo sa anak ko. Mamaya dadating siya kaya 'yong kwarto niya ang linisin mo. Minsan lang 'yon dito sa mansyon, pag simula na ang klase ay doon siya natuloy sa kanyang condo. Alam kong masipag ka kaya pagtiyagaan mo siya, hija. Kung naliliitan ka pa naman sa suweldo mo pwede ko pa 'yong dagdagan.. " mahabang wika ni Mrs. Valiente na agad niyang tinanggihan. "Salamat po pero ayos na po ako sa suweldo ko. Sobrang laki na po no'n plus 'yon pa pong scholarship," nahihiyang turan niya. Pagkatapos mag-usap, lumabas na siya sa opisina ni Mrs. Valiente at nagtungo sa kusina para magtanong kay Manang Celia kung nasaan ang kwarto ng kanyang magiging amo. "Manang? Nasaan po 'yong kwarto ng amo ko? " tanong niya nang makita itong abala sa paghahanda ng pagkain. "Sandali lang, hija. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko at sasamahan kita sa kwarto ni Señorito." Tatalikod na sana siya ng mapagtanto niya ang sinabi ng matanda. "Señorito? Lalaki po ang magiging amo ko? " gulat niyang tanong. Kasalanan din naman niya kung bakit hindi niya alam kung lalaki ba o babae ang kanyang magiging amo. "Oo, hija. Naku mahaba-haba ang pasensyang kakailanganin mo sa kanya. Oh siya, tapos na ako dito. Halika na para malinis mo na at baka mamaya dumating na siya ng hindi mo pa nalilinis ang silid ni Señorito," wika ng matanda bago lumakad. Sumunod lang siya kay Manang Celia habang kung saan lumilipad ang kanyang isip. Nakarating siya sa harap ng silid ng kanyang Señorito ng hindi niya nalaman kung saan sila dumaan dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Lalaki ang amo ko? Oh my gosh! Papaano na ito? Bahala ka na po Lord sa akin... 'Yan ang mga tumatakbo sa kanyang isipan habang siya ay nakasunod kay Manang Celia. "Oh hija, ito ang susi. Bahala ka na sa paglilinis sa loob. Ayusin mo ang paglilinis at masyadong masungit 'yon pagdating sa kwarto niya at kanyang mga gamit," wika ni Manang Celia sabay abot ng susi ng silid na kaagad naman niyang kinuha. "Salamat po, Manang Celia," nakangiting sambit niya bago buksan ang pinto ng silid. Bumungad sa kanya ang napakalinis na kwarto, maayos na furniture at mga paintings na puro nature. Napapaligiran pa ng mabangong halimuyak na pang lalaki ang scent. "Malinis pa naman, ah. Napakaswerte ko naman. I guess bakla ang may-ari nito napakalinis kasi sa mga gamit. Pero baka sadyang malinis lang sa katawan at lahat ng bagay," parang baliw na bulong niya bago tuluyang pumasok sa loob habang mahinang tumatawa dahil sa kapilyahang kanyang naiisip. Nagtungo na  lang siya sa bathroom at iyon ang kanyang sinimulang linisan. Samantala habang naglilinis sa bathroom ay sabay namang dumating ang lalaki sakay ng kanyang mamahaling sasakyan.. "Magandang umaga po, Señorito." bati ni Manang Celia dito. "Magandang umaga din ho, Nana. Si Mommy po, nand'yan pa po ba?" Kahit na may kalokohan ay magalang naman siya sa lahat, lalo na sa matanda na tumayong pangalawang ina na niya. " Wala na, hijo. Kaaalis lang." Nagpaalam na rin ang binata sa matanda para pumunta sa kanyang silid para makapag-shower at banas na banas na siya dahil sa kagagaling lang niya sa pagbabasketball. Nakalimutan na rin ni Manang Celia na sabihin na may bagong pasok na katulong sila at iyon ay si Alyana na kasalukuyang naglilinis ng kwarto ng binata... Diretso ang binatang umakyat ng kanyang silid. Nagtaka siya kung bakit bukas ang pinto nito pero ipinagsawalang bahala na lang niya at inakalang nakalimutan lamang ng kanyang Nana Celia na i-lock ito dahil sa pagdating niya.. Diretso siyang pumasok at kaagad na naghubad ng pang-itaas at pang-ibaba kasuotan. Itinira niya lang ay ang kanyang boxer na medyo hapit sa kanya kaya bakas doon ang pinagpalang sukat ng kanyang pribadong parte. Kumuha siya ng towel at pumasok sa loob ng bathroom. Hindi na lang din niya binigyang pansin kung bakit bukas din ito. Dahan-dahan niyang hinawi ang telang nagsisilbing division sa shower at toilet room at sabay harap naman ni Alyana para lumabas na sana. "Ahh! Sino ka!?" sabay nilang sigaw dahil sa sobrang gulat. Lalo pang lumakas ang sigaw ng dalaga nang dumako ang tingin niya sa hubad na katawan ng binata at sa nakaumbok nitong boxer. "Ahh!" patuloy na sigaw nito hanggang sa takpan ng binata ang bibig niya dahilan para maglapat ang katawan nila. "Hhmmpp.. Bitawan mo ako," wika niya habang pilit na inaalis ang kamay ng binata sa bibig niya. "Stop screaming will you!?" bigkas ng binata sabay hila sa dalaga palabas ng bathroom at itinulak palabas. "We will talk later," banta nito ng may nakakatakot na titig bago muling pumasok sa loob ng bathroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD