Chapter 40

2999 Words
Napapatingin sa akin ang ibang kasamahan ko sa trabaho ng pumasok ako alam ko naman na alam na nila ang nangyayari basta chismis ang usapan mas mabilis pa talaga sa hangin ang balita ang iba nga may buntot na at ulo. Kahit naka leave pa ako bumalik na ako sa trabaho ano naman ang gagawin ko sa apartment ko kung hindi ako babalik sa trabaho hindi naman pwede na matutulog nalang ako sa loob ng isang araw may ginagawa din naman si Rayle doon at siya din mismo ang nagsabi sa akin na mas mabuti na bumalik na ako sa trabaho ko. Hanggang ngyaon nga hindi parin kami nagkaka-usap ni Ivan dalawang araw na ang lumipas at wala parin akung balita sa kanya kahit hindi kuna maintindihan ang kanyang pinapakita hinahayaan ko nalang at ako nalang ang umintindi kasi siya ang nasaktan kaya wala akung ibang magagawa kundi ang tiisin ang lahat ng ito. Maging cold o ano man siya sa akin kaibigan ko parin siya at nangako ako kay Tita na hindi ko susukuan ang pagkaka-ibigan namin kahit ano man ang mangyari. Mabilis akung pumunta sa aking mesa at nilapag ang aking mga gamit at inilibot ang tingin sa paligid kaya mabilis naman nilang iniwas ang kanilang mga tingin sadyang nagpapahalata talaga sila na ako ang pinag-uusapan nila mga walang hiya mga bagong pasok lang sila dito akala mo naman kung sino na sila. Hindi kuna nga din maintindihan ang sarili ko kung tour guide paba ako o ano dahil wala na ako sa focus sa trabaho ko. “Ayos ka lang Kleyton?” kaagad akung napatingin kay Hailey ng dahan-dahan ako nitong nilapitan at umupo sa tabi ko at ngumiti sa akin. “Kamusta kana?” napangiti naman ako sa bungad sa akin ni Hailey kung may makakaintindi man sa akin dito walang iba iyon kundi si Hailey siya lang naman kasi ang close ko dito at si Ivan lalo pa at ibat-ibang bansa ang mga tour guide dito. BIglang hinawakan ni Hailey ang kamay ko ng mahigpit at patuloy parin akung ngini-ngitian. “Hindi naman sa nanghihimasok ako sa inyo ni Ivan pero alam ko ang nangyari at gusto ko lang sabihin na nandito lang ako sa tabi ninyong dalawa at wala akung pipiliin alam kung nasaktan kadin hindi lang si Ivan,” hindi kuna napigilan ang sarili ko at napayakap na ako sa kanya kaya niyakap nalang din niya ako ng mahigpit. “Salamat Hailey ha,” tanging sambit ko nalang sa kanya habang siya naman ay marahan nitong hinahaplos ang likod ko. “Hindi ko lang alam ang gagawin ko ngayon kasi hindi ko alam kung ano ba talaga ang pipiliin ko, aminado ako na may kasalanan din ako lalo na ang pagiging tanga at manhid na hindi manlang napansin na mahal na pala ako ni Ivan higit pasa pagkakaibigan naming dalawa at wala manlang akung kaalam-alam,” mas lalong hinaplos ni Hailey ang likod ko at kaagad namang kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking pisngi. “Papansinin ka din ni Ivan hindi ka kaya matiis ng mokong na iyon hayaan mo nalang muna siya pero maiba tayo ng usapan sino ang lalaking iyon Kleyton?” bigla akung napakamot sa aking ulo dahil alam kung itatanong talaga sa akin ni Hailey ito at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Rayle baka mapagkamalan pa akung baliw nito at takas sa mental. Hindi naman sa tinatago ko si Rayle pero may mga bagay talaga na kailangang itago upang walang masaktan na tao at mapahamak kung ako noon hindi makapaniwala sa mga nangyari sila pa kaya? “Ipapakilala ko siya sayo kapag dumating na ang tamang panahon,” nakangiting saad ko kaya kaagad namang naningkit ang mga mata ni Hailey ng sabihin koi yon aminado naman ako na naiintindihan niya ako. “Sa ngayon kasi may inaayos pa kami wala ding alam si Ivan tungkol dito kaya siguro mas lalong nagalit siya sa akin,” dagdag saad ko at kaagad na napabuntong hininga at napatingin sa aking mesa at binuksan ang laptop ko. “Kaya ba this fast few days para ka nalang lutang at walang ibang ginawa kundi ang matulog at palagi kapa talagang tulala noon na kahit tawagin kita hindi mo ako naririnig,” sunod-sunod akung tumango kay Hailey na kaagad naman niyang ikinatawa sa akin. “Pasensya kana kung tinago ko din sayo ha masyado lang talaga kasing komplekado ang sitwasyon ko ngayon na pagmamahal ko nalang sa kanya ang pinanghahawakan ko ang pagmamahal niya nalang ang nagbibigay sa akin ng lakas para lumaban pa,” mas lalo namang napangiti sa akin si Hailey ngiting parang proud pa talaga ito ng marinig niya ang aking sinabi. “Don’t be sorry Kleyton buhay mo iyan at desisyon mo wala naman akung karapatan na panghimasukan ka mga desisyon mo sa buhay nandito lang ako para suportahan ka at ipaalala sayo na kahit ano man ang mangyari alam kung kakayanin mo ang lahat ng ito hindi naman kasi sayo ibibigay ang problemang ito kung hindi mo kaya at alam kung mahahanapan mo ang lahat ng ito ng solusyon,” mabuti nalang naiintindihan ako ni Hailey kahit hindi kuna naiintindihan ang aking sarili. Kailangan ko nalnag siguro maging malakas at matatag para sa amin ni Rayle dahil kung gusto ko talagang maging masaya ang buhay ko kailangan ko munang dumaan sa butas ng karayom para makamit iyon at handa akung tawidin ang karayom na iyon para makasama lang ng tuluyan si Rayle. “Bumalik kapa pala dito?” literal na tumaas ang kilay ko ng marinig ang boses ni Erica na nasa likuran ko at automatic umikot naman ang mata ni Hailey dahil alam niyang nandito na naman ang maldita. Kakauwi niyang dito at isa siya sa mga sikat na tour guide sa Egypt at kakabalik niya lang dito matapos ang kanyang trabaho at mukhang pahinga niya ngayon pero bakit siya nandito? Hindi talaga kami magkakasundo ng lintang ito paano ba naman halos maghubad na ito sa harapan ni Ivan pero hindi manlang siya pinansin ng isa kaya siya siguro nandito para singhalan ako sa ginawa ko sa kanyang pinakamamahal na lalaki. Mabilis akung tumayo at hinarap siya kung saan nakataas ang kanyang kilay at kinulang nasa tela ang kanyang damit pero parang wala lang naman sa kanya kunsabagay kulang nalang ibenta niya ang katawan niya sa mga lalaking nakakasama niya sa byahe at tapos sa tingin niya papansinin siya ni Ivan? Ang kapal nga ng mukha niya noon na pumunta siya sa birthday party ni Tita Aly kahit hindi siya invited sadyang pakapal nalang talaga ng mukha ang ginawa niya at ang lakas ng kanyang loob na magpakilala doon akala niya madadala niya si Tita Aly sa mga style niya. “Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan bakit ka nandito?” nakataas na kilay tanong ko din sa kanya hindi ako magpapatalo sa babaeng ito masyado na siyang maraming inagaw sa akin una ang posisyon na dapat sa akin kinuha niya kasunod ang project na dapat akin sa Egypt kinuha niya din kaya bakit ako magpapa-api sa kagaya niya wala naman siyang ibang ginawa kundi ang bantayan ako at agawin ang pwedeng maagaw sa akin, hindi ako katulad ng ibang babae na inaaway niya na mananahimik nalang at walang kibo dahil talagang lalabanan ko siya. “Anong ginawa mo kay Ivan! Ang kapal naman talaga ng mukha muna saktan siya matapos ang lahat-lahat na ginawa niya sayo tapos sa ganon kadali sasaktan mo lang siya!” ang lakas ng boses nito habang harap-harapan niya itong sinisigaw sa akin kaya nakuha na namin nag atensyon sa loob ng kumpanya at sa amin na sila nakatingin ang lakas talaga humakot ng atensyon ng haliparot na ito. Taas noo ko siyang tinignan sa mga mata at ngumiti sa kanya ng nakakaluko iyong tipong magagalit talaga siya sa akin. “Bakit kaano-ano kaba ni Ivan? Kasi sa tingin ko wala ka namang parte sa buhay niya para umasta ka ng ganyan?” parang sinampal siya sa sinabi ko dahil kita ko talaga ang paglaki ng kanayang mga sa sinabi ko totoo naman na wala siyang papel sa buhay ni Ivan pero kung makaasta akala mo naman siya ang asawa. “Bago mo ako pagsabihan sa ginawa ko alamin mo muna kung ano ang lugar mo sa buhay niya kasi para kang tanga na habol ng habol sa kanya pero ayaw naman siya sayo baka gutso mo isampal pa sayo ang katotohanang iyon!” tumaas nadin ang boses ko habang sinasabi ang mga salitang iyon habang dahan-dahan akung lumalapit sa kanya, hindi ako takot sa babaeng ito ilang beses naba kaming nag-away nito to the point na kahit sa pool nagsasabunutan kami. “Akin na sana si Ivan pero sadyang epal ka lang talaga sa buhay niya at salot sa mga gusto ko kaya dapat sayo isampal ang katotohanan na wala kang kwenta sa buhay ng mga tao!” hindi kuna napigilan ang kanyang palad ng mabilis na itong dumapo sa akin mukha at naramdaman ko kaagad ang sakit nito pero hindi ko pinahalata na nasaktan ako dahil mas lalong magiging masaya lang ang hayop na ito. Dahan-dahan akung tumingin ulit sa kanya at nginisihan ito ng nakakaluko na mas lalo naman nitong ikina-galit sa akin at akmang sasampalin na naman niya ako ulit ng mabilis kung sinalo ang kanyang kamay at mabilis siyang itinulak palayo sa akin. “Sapat na ang isang sampal mula sayo ako naman,” walang alinlangan ko siyang sinampal ng malakas iyong tipong muntik na siyang matumba dahil sa ginawa ko kaya mas lalo lang akung napangisi lalo nan g hinawakan niya ang kanyang pisngi na sinampal ko. “Sa susunod alamin mo ang lugar mo bago mo ako sugurin dito kasi wala ka namang karapatan na sugurin ako dito bakit sino kaba sa buhay namin? Huwag ka ng makisiksik hindi na kasya ang lintang kagaya mo!” bigla akung hinawakan ni Hailey sa kamay at pumagita sa aming dalawa dahil alam niyang hindi ako magpapapigil sa oras na pinatulan ko ang babaeng ito. Hindi ko pa nakalimutan ang ginawa niya para siya ang pumalit sa akin sa Egypt paanong hindi ako madudulas sa pool kung hindi niya ako tinulak para mapilay ako at hindi matuloy ang trabaho ko pagkatapos siya ang pumalit na hayop niya. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko kapag siya ang kaharap ko ang sarap talaga niyang patayin tangina! “Ang sabihin mo naiingit ka lang dahil ako ang pinadala sa Egypt at hindi ikaw kaya ka nagseselos sa akin ngayon!” literal na napatawa ako ng pagak sa kanyang sinabi talagang sa kanya pa talaga nanggaling ang salitang iyon na dapat siya ang sinasabihan ng ganong salita total ganyan naman talaga siya. “Hindi mo lang talaga matanggap na mas magaling ako sayo kaya ka nagagalit ng ganyan at hindi pa ako tapos dahil kukunin si Ivan dahil akin naman siya sadyang epal ka lang talaga at sampid sa buhay niya!” akmang susugurin ko siya ng mabilis na hinawakan ni Hailey ang kamay ko at umiling sa akin. “Ang kapal ng mukha mo para ikaw mismo ang magsabi sa akin niyan ako pa talaga ang nagseselos na ang totoo inagaw mo lang naman sa akin ang meron ka ngayon! Huwag makapal ang mukha alam ng lahat ng nandito kung gaano ka basura ang ugali mo pero ang totoo bobo ka naman pati nga board exam mo binili mo diba?” ako naman ngayon ang napangisi ng bigla itong napatigil at mukhang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko sa kanya dahil para itong natulos sa kanyang kinatatayuan. “Bakit mo naman babawiin sa akin si Ivan bakit ano kaba niya? Siguraduhin muna kapag ipapahiya mo ako tama ang lahat-lahat ng sabihin mo dahil sa ginagawa mo ikaw ang napapahiya sa kakapalan ng mukha mo huwag mo ng hinatayin na sabihin ko ang lahat-lahat ng kahayupan mo sa buhay dahil baka mas lalo ka lang mapahiya dito!” malakas kung sigaw sa kanya at kaagad siyang idinuro na kaagad namang ikina-tingin niya sa akin ng masama. “Umalis kana sa harapan ko bago ma tuluyang magdilim ang paningin ko at ano pa ang magawa ko sayo!” malakas kung sigaw sa kanya pero ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito dahil hindi manlang natinag sa sinabi ko at tinaasan lang ako ng kilay. “I pity you Kleyton kahit ano pa ang sabihin mo wala ka ng magagawa dahil mas mataas ako sayo at nasa ibaba ka lang,” ang sarap hilahin ng buhok ni Erica putangina talaga! Ang kapal nga talaga ng mukha niya para sabihin ang salitang iyon hindi ko alam kung ilang truck ng buhangin ang nakain niya sa Egypt at ganito nalang katas ang tingin niya sa kanyang sarili tangina lang talaga. “Hindi deserve ni Ivan ang masaktan dahil sayo wala ka namang patutunguhan sa buhay,” malakas kung tinabig ang kamay ni Hailey na nakahawak sa akin upang matanggal koi to at ng masampulan ko ulit ang hinayupak na babaeng ito. Malaki ang pasensya ko pero pagdating sa babaeng ito parang isang tuldok lang ang pasensya ko at ng tuluyan na akung makaalis sa pagkakahawak ni Hailey mabilis ko siyang nilapitan at walang alinlangan na hinila ang kanyang buhok ng sobrang lakas at doon naghiyawan ang tao sa paligid siya lalaban ang babaeng ito. Mabilis din niyang hinablot ang buhok ko pero sinalo ko ang kanyang kamay at sinuntok siya sa tiyan bakit ko naman siya sasabunutan kung kaya ko namang manuntok ng mga hayop! Narinig ko ang pagsinghap ng lahat sa ginawa ko lalo na ang pag-ingos ni Erica sa sakit ng sinuntok ko siya hindi binitiwan ng isang kamay ko ang kanyang buhok at patuloy ko parin itong hinihila at parin ang kanyang sigaw at mura sa akin as if naman makikinig ako sa kanya. Napupuno na ako sa babaeng ito at nangako ako sa sarili kuna kapag umuwi na ang babaeng ito gaganti talaga ako sa ginawa niya sa akin at kulang pa ang ginagawa ko sa kanya ngayon. “Ngayon mo ipakita ang tapang muna hayop ka! Nagtitimpi lang ako sayo noon pero ngayon kayang-kaya na kitang ilampaso dito at gawing basahan iyang mukha mo tangina mo!” hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin ngayon at nagawa ko ang bagay na ito basta gaganti ako sa babaeng ito! Hindi pa ako nakuntento at tinulak ko siya sa sahig hanggang sa mapadapa ito at doon ko pa mas lalong sinabutan siya iyak na niya ang naririnig ko at nararamdaman kuna inaawat na ako ni Hailey at akmang ihahampas ko siya ng isa sa mga lalaking kasamahan ko sa trabaho ang humila sa akin kaya kaagad naman akung hinawakan ni Hailey at ibang kasamahan ko sa trabaho habang ang iba naman ay dinaluhan si Erica. “Wala kadin naman palang kwentang kalaban! Sa susunod huwag muna akung pangunahan kung hindi mo naman kaya at sa huli ikaw lang pala ang iiyak na hayop ka ang kapal ng mukha mo tangina mo!” sa sobrang galit ko ilang beses na akung napapamura at hindi ko alam nasa tanang buhay ko mararanasan ko ang ganito sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa kanya mukhang pinanganak talaga ang babaeng ito para manira ng buhay tangina! “What the hell is happening here!”umalingawngaw ang malakas na boses ng head namin na ngayon ay nagbabaga ang kanyang mga mata habang nakatingin sa amin ni Erica at kaagad nalang siyang napahilamos sa kanyang mukha dahil alam naman niya na kapag nagkita kami ni Erica gulo na kaagad ang kasunod nito. “Sinasabi kuna ngaba wala pang isang araw na nakauwi ka Erica gulo na kaagad ang sinapit mo! Talaga bang hindi kayong dalawa mapapag-ayos kahit kailan, simula noon hanggang ngayon nag-aaway parin kayong dalawa at ikaw Erica alam kung ikaw ang nagsimula ng gulo at ikaw naman Kleyton ang tumapos simula noon ganito na ang set up ninyong dalawa!” alam naman ng head namin na hindi ako nagsisimula ng gulo hindi naman ako mahilig magsimula ng gulo alam niyang si Erica ang nagsisimula ng gulo sa aming dalawa pero dalawa parin kami mapapagalitan. “She’s just f*****g jealous at me Sir!” marahas ko siyang tinignan ulit ng marinig ko naman ang kanyang sinabi dahil ngayon naging matabil na naman ang kanyang dila baka kulang pa ang suntok na ginawad ko sa kanya at gusto niya pa ng isa! Masama ako nitong tinignan at nginisihan ng nakakaluko pero kanina umiyak naman ng wala na siyang magawa dahil sa ginawa ko sa kanya. “Just accept the fact that Im better than you Kleyton!” pinahid nito ang kaunting dugo na nasa labi niya siguro sa malakas kung pagpapadapa sa kanya kaya nasugat ang kanyang labi na sana pala mas nilakasan ko nalang ng tuluyan ng masira ang mukha niyang retokada! “Shut up Erica!” malakas na sigaw ng head namin kaya bigla naman siyang napatameme ng malakas siyang sinigawan. “Pumunta kayong dalawa sa opisina at kapag may nalaman pa ako na nag-away na naman kayo humanap na kayo ng bago niyong trabaho!” mas lalong naningkit ang mata ni Erica na nakatingin sa akin pero tinaasan ko naman siya ng kilay tangina niya talaga! “May araw karin sa akin na hayop ka! Hindi pa ako tapos sayo at sisiguraduhin kung ikaw naman ang gagapang sa lusak na tangina mo!” doon ako mas lalong napatawa sa kanyang sinabi dahil siya ang nagsimula ng gulo in the end siya parin ang talo at umuwing talunan sa aming dalawa. “Wala ng susunod dahil hindi ako papatol sa kagaya muna walang kwenta at talunan! Bakit ako papatol sa mahinang kagaya mo?” narinig ko ang pigil na tawa ni Hailey habang sinasabi ko ang salitang iyon na totoo naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD