Chapter 49

1072 Words
Habang nakatingin ako sa mga kalaban nina Rayle o mas tamang sabihin naming kasi ako naman talaga ang habol ng mga nilalang na ito kaya kalaban kuna din naman sila. Natatakot ako na excited paano ba naman kasama ko si Rayle na lumalaban at anytime pwede akung magtago sa kanyang likod at makikita ko pa siya kung paano talaga siya lumaban. “Rayle paano kapag nakuha nila ako,” mahina kung saad kaya lahat naman sila napatinign sa akin ng sabihin ko ang mga salitang iyon pero si Austin at Aiden ay napatawa nalang sa akin pero si Rayle napakamot ito sa kanyang ulo at umiling nalang sa akin. May mali ba sa sinabi ko? Tanga kaba Kleyton alam mo namang nasa gitna na kayo ng gulo nagawa mo pa talagang sabihin ang mga salitang iyon ayan hindi ka nalang nila tuloy pinansin. Sa isang iglap bigla nalang nila kami sinugod at mabilis namang lumapit sa akin si Rayle at habang sinusugod kami hindi niya hinahayaan na may makalapit sa amin at walang alinlangan niya itong pinutulan ng ulo. Mabilis na tumilapon ang kanyang ulo sa malayo na kaagad namang sinundan ng aking tingin. Kumalat sa paligid ang kanyang dugo habang dahan-dahan na natumba ang kanyang patay na katawan sa lupa. Tumingin ako sa paligid ko at kung ano ang ginawa ni Rayle sa mga kalaban nila ganon din ang kanilang ginagawa hanggang sa sinipa ni Rayle ang isa at naputol lang ang kanyang paa at kamay nito ng dahan-dahan itong gumapang sa akin habang balak pa ako nitong kagatin kaya buong tapang kung itinaas ang aking espada at pikit matang itinarak ang hawak kung espada sa kanyang ulo. Kaagad kung nakita ang pagtulo ng kanyang dugo sa espada at parang may kung ano sa espada na bigla nalang nitong sinipsip ang dugo ng kalaban at mabilis na nanlaki ang aking mata at kaagad na hinugot ang espada sa ulo ng kalaban. “Kapag marami ka ng napatay na kalaban o mas tamang sabihin kapag nakakapatay ka mas lalong lalakas nag espada na hawak mo dahil kinukuha nito ang lakas ng mga napatay mo,” kaagad na nanlaki ang aking mga mata pero isang ngiti ang aking pinakawalan at ngumiti kay Rayle ng bigla na naman nitong sinipa papunta sa akin ang pinutulan nito ng paa at kamay at kagaya kanina nakangiti akung pinutol ang ulo nito na kaagad din namang ikinangiti ni Rayle. “Hindi ko gusto ang mga ngiti mo Kleyton nakakatakot ang ngiti mo,” kumindat ako kay Rayle matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon pero binigyan na naman niya ako ng papatayin. Akmang tatakbo ako para hambalusin ng espada ang halimaw na nakita ko ng bigla nalang may humawak sa paa ko at nakita kung buhay itong nilalang at wala itong sugat siguro tumalon ang hayop na ito. Akmang kakagatin niya ako ng mabilis ko siyang sinipa at hinambalos ito ng espada na hawak ko at mabilis namang tumilapon ang ulo nito sa harapan ni Rayle na kaagad niya namang ikina-tingin sa akin at napangiti. “Mukhang mas delikado pa ang ngiti mo Kleyton kaysa kay Rayle, nakakatakot ang ngiti mo kanina habang nakahawak ka diyan sa espada mo tandaan mo pwede kaming masugatan niyan kaya sa mga halimaw mo lang ito gagamitin,” mabilis na saad sa akin ni Austin habang nasa tabi nito si Aiden na nakatingin nadin sa akin. Inirapan ko nalang silang dalawa dahil kanina pa talaga nila ako inaasar kaya mabilis ko silang inirapan. “Iwan ko sa inyo bahala kayo!” sita ko sa kanila at kaagad na tumalikod at lumapit kay Rayle na busy parin sa pakikipag-laban kaya mabilis niya akung hinawakan sa kamay ng may tumalon na nilalang sa amin at akmang dadagiting ako ng mabilis na inabot ni Rayle ang kanyang binti at hinampas sa lupa ang kanyang katawa sabay apak nito sa kanyang ulo. Tinignan ko ang inaapakan niyang nilalang at kaagad na ngumiti sa akin si Rayle. “Kill him baby,” hindi naman ako natakot sa ngisi ni Rayle na parang demonyo bagkus ay ngumiti din ako sa kanya ako na mismo ang pumutol sa ulo nito kaya mabilis na tumalsik ang kanyang mga dugo sa binti ko at ng alisin ni Rayle ang kanyang paa wala na itong buhay. “Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magiging masaya na ngayon ay natuto ka ng lumaban at pumatay,” mabilis akung napatingin kay Rayle ng sabihin niya ang mga salitang iyon kaya mabilis akung lumapit sa kanya at kaagad na ipinilig ang aking ulo. “Hindi kana talaga nagbabago Rayle ganon ka parin simula noon!” umalingawngaw ang malakas na boses ng isang babae at kaagad koi tong hinanap at bumungad sa akin ang babaeng naka-itim na gown habang nakasakay sa walis at nagbabaga ang kanyang mga mata habang nakatingin ito kay Rayle na nasa tabi ko. Kaagad na binalot ng kaba ang aking buong puso habang nakatingin sa nilalang na iyon at sa isang iglap nalang biglang tumigil sa pag-atake ang mga nilalang at nagpunta sa likod ng witch na iyon. Ng tignan ko si Rayle ang sama ng tingin nito sa babae habang ang higpit ng kanyang hawak sa espada nito. “Nasaan ang kapatid mo bakit hindi mo siya dinala ng magka-subukan na kaming dalawa!” kung hindi ako nagkakamali kapatid ito siguro ng mangkukulam na gumawa nito kay Rayle basi palang sa kanyang sinabi at tingin sa bruha. Ang sabi nila sa akin noon hindi nadaw nagpapakita ang bruha na gumawa nito kay Rayle. “May takdang araw para magkita kayong dalawa at sa nakikita ko kasama muna ang reyna mo Rayle,” bigla ako nitong tinignan ng masama at napailing. “Kung sana tinanggap mo nalang ang kapatid ko hindi na sana umabot sa ganito mahal na mahal ka naman ng kapatid ko pero ikaw ang ayaw sa kanya!” sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang kanyang ipinaglalaban na kahit sina Austin ay napailing nalang sa kanya at kaagad nila akung pinalibutan na apat habang si Rayle ay nasa tabi ko. “Sabihin mo sa kanya na wala kaung panahon sa kagaguhan niya kung gusto niya akung makalaban puntahan niya ako dito at huwag siyang duwag,” seryosong saad ni Rayle at bigla na niya akung hinila palayo doon papasok sa palasyo at hindi niya ako hinayaan na lumingon doon sa bruhang tumatawa ng malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD