Chapter 4

1929 Words
"What the...!! "galit na tumayo si Drake to go to Lexi. Pilyang nakangiti naman siya while she  plays with her nubs as she looks seductively at him. "What?!" natatawang tanong niya ng mabilis na ibinaba ng my boo niya ang bra then her top to cover her. Itinayo siya nito by holding her arms tightly.His lips are shaped in a thin line.His eyes are  angry. "Ouch..!" daing niya na napangiwi ng bahagya. "Do you always do that? Darn it!" galit na galit ito. His ears and face are a little red. "Pikon naman to...joke lang." she said  trying to sound light. Ang sakit kaya ng mga braso niya.Baka nga magkapasa pa ang mga ito.Pero okay lang. As usual super bango na naman ng my boo niya.Ang sarap singhutin.Bahagya pa siyang iniyugyog nito.Keri pa din.. kasi ang gwapo-gwapo lalo nito pag galit. "Flashing your t**s like that in public isn't a joke!" may mura pang kasama yun which made Lexi likes her doctor more. Ang hot na doktor nagmumura? Kaka-turn on kaya yun lalo for her. "Sayo lang naman..wala namang ibang tao." malumanay na sabi niya as she tries to wriggle free. "And what about sa event?! That's a public place darn it!!"  "Ano ka ba? That was an accident." paglilinaw niya. He cursed one more time bago siya pinakawalan.He  angrily turned to get his phone on the table. "I'll tell your friend and sister that I don't want you for the ad!You just proved that you are not fit to endorse my clinic!" malamig na sabi nito without even looking at her  bago ito  lumabas. They are in her bedroom. "Mga baklaaaaaaaaa ang sakit sakit! Galit ang boo ko sa akin!! He doesn't want me to be his endorser!!"  himutok ni Lexi sa mga kaibigan bago tumungga ng beer. Niyaya niyang uminom  ang mga kaibigan sa bahay nila. Libre-libre naman sila dahil nasa abroad pa din ang mga magulang niya and may out- of- town shoot ang ate niya. "Ibyang, pakiabot mo nga ang flower vase na yan para maihampas ko lang sa malanding to!! " Ola told Ivy. They are all seated in cross-legged position on the carpet while drinking light beer and eating some chips. Naiiling na nagsalita si Ivy. "Ano naman kasi ang pumasok sa kukote mong babae ka at ganyan-ganyan na lang kung ibuyangyang mo yang mga boobs mo?! " kunot ang noong tanong nito. "Hindi ko alaaaaammmm!!! Wahhhhh! Basta nasasapian ako ng dyosa ng kalibugan pag nakikita at naiisip ko siyaaaa!!" tila nababaliw na sabi ni Lexi habang pailing-iling pa at sabu-sabunot ang buhok. "Ano ba ang hitsura ng doktor na yan ha? Dahil diyan nakalimutan mo na ang motto mo na ..di bale ng walang jowa wag lang lumuha ng sagana?!" nakataas pa ang kilay na tanong ni Ola bago tumungga ng beer. While pouting,Lexi  got her phone and began tapping it. "Tignan mo ang kabastusan mo? Kinakausap ka yang cp mo ang inaatupag mo! Kung di lang ako pagod sasakalin na kita eh!" maarteng sabi ni Ola. Natawa si Ivy. "Sandali lang bakla! Naghahanap nga ng picture ng my boo ko sa sss  ng ate ko! Di ba nga umattend kami ng event na winelcome siya? Atat ka naman masyado..may lakad ka? LECHE! O hayan! " padabog na inabot ni Lexi ang cp sa mga kaibigan. Nag-uunahan pa ang mga ito sa pagkuha. "Sabay ko kayong papatayin kapag bumagsak yang cp ko!" banta niya sa dalawa. Tinakpan ni Lexi ng mga kamay  ang tenga nang parehong  tumili ang dalawa. "Malandi  ka talagaaaa!! Ang yummyyyyy! Pengeng isang rice cooker na kanin!!" sabi ni Ola na hinalik-halikan pa ang cp niya. Inagaw ni Lexi ang telepono. "EOWWW ka talagang bakla ka!!  GROSSSS!!" diring-diring sabi niya bago pinunasan ang cp ng laylayan ng damit niya. "Ang guwapo naman pala girl!" komento naman ni Ivy. "Naku hindi na ako magtataka kung bakit halos maghubad ka na sa harapan ng doktor na itey! Kahit ang likod ko papaglagyan ko ng boobs kung ganito kasarap ang doktor!" malanding sabi ni Ola. Binato ni Lexi  ng lata  ng  Pringles ang bading na kaibigan. "Leche kang bakla ka! Yung tamad na jowa mo na lang ang  pagpantasyahan mo!  Akin lang ang my boo ko! Magkakamatayan muna tayo!" matalim ang tingin ang pinukol niya dito. "Wow iba na nga yata yan Lexi..ang pumatay ng dahil sayo ang peg?Selosa  ka namang masyado    ni hindi mo pa nga dyowa!" Ivy rolled her eyes. "Ewan ko sa inyo! Kaya ko kayo niyayang uminom at mag sleep over dito para bigyan niyo ako ng bonggang-bonggang advice!" sabi niya bago ngumuya ng potato chips. Wala naman siyang balak magpaka-lasing.Gusto niya maayos ang utak niya pag nagbigay ng matinong payo ang  mga kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawa. "Seryoso ka talaga diyan? Naninibago talaga kami sayo eh.Baka naman nakasinghot ka lang ng sangkaterbang tiger balm kaya ganyan ka!" pang-aasar ni Ivy. Tinignan siya ng masama ni Lexi. "Peace tayo.Para ka namang mambabarang sa hitsura mong yan! Joke lang."  malapad ang ngiting sabi nito as she does a peace sign. Umayos naman ng upo si Ola. "O sige heto ha? Minsan ka lang  naman matinong makausap.." "Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan bakla? Hayan ang salamin ko! I-sight mo nga ang fes mo leche!" inis na sabi ni Lexi. Tumaas ang isang kilay ng bading. "Gusto mo ng matinong payo o hindi?!" Lexi rolled her eyes. "Sige na! Masyado ka namang balat sibuyas!" she said. Ola sighed. "Okay..makinig kang babae  ka ha? Simple lang naman ang gagawin mo eh..." "Ano?" she asked. "Baguhin mo ang lahat sayo! Yang pananamit mo..yang pagkilos mo...yang pagsasalita mo..." "Anak ng tinolang puro papaya naman eh! Anong klaseng payo yan? Eh ako ito eh! Bakit lahat babaguhin ko? Ano  need  ko  ng overhaul?" mataray na tanong niya. "HOYYYY   babae! Doktor ang pinag-uusapan natin dito! Disente! Mayaman! May iniingatang pangalan! May taste sa babae! Oo! Andun na ako..ang ganda mo...ang sexy! Mayaman! Edukada! Yun nga lang hindi minsan halata dahil diyan sa mga kilos, salita  at style mo!" Ola said honestly. Napatungga ng beer si Lexi. "Ganun na ba talaga ako kalala?" she asked. Isang malakas na oo ang sabay sinagot ng dalawa. "We need to make you over! Para ano pang silbi ni Ola di ba? Gagawin ka naming pino at disente para bagay kayo ng papalicious na doktor  mo!" sabi ni Ivy. "Ano ba yan! Hindi ba naman ako mukhang nasa bahay lang dahil wala akong make-up?" reklamo ni Lexi next morning. Dadalhan niya ng breakfast si Drake. "Ano ka ba? Ang ganda mo kaya! Natural beauty bakla!" komento ni Ola. "Para makita ni dok yummy na super ganda mo kahit walang cosmetics.Malay mo magbago ang isip nun kunin kang modelo agad-agad." sabi ni Ivy. Naiiling na tinignan din niya ang pinasuot ng mga ito sa kanya.Hinalukat ng mga ito ang closet niya. "Para naman akong mag-aatend ng prayer meeting nito! Ang init-init!" reklamo niya. They chose a light green   silk blouse and black  bootleg for her. "Gagah!  Ang ganda mo kaya! Mukha kang  kagalang-galang!" sabi ni Ola. "Itutupi naman ang sleeves bruha!" komento ni Ivy. Nakasimangot na tinignan ulit ni Lexi ang repleksiyon sa salamin. "Hay naku! Lahat gagawin ko para sa boo ko!" she said with a sigh. "Yes!! Yan na ang karma mo hitad ka! Sabi ko sayo walang speed  limit ang karma! Kung makapula ka sa mga ginagawa ko   para sa babes ko ganun-ganun na lang? O ano ka na ngayon?" pang-aalaska ni Ola. Lexi looked daggers at her friend. "Oo na! Nag-dilang demonyo ka na naman leche!" she said. "Bilisan na natin! Baka maging lunch na yang dadalhin mo! May mga pasok pa tayo!" sabi ni Ivy.   *** "Good morning Claudia." bati ni Lexi sa sekretarya ni Drake. Kasunod niya ang isa sa mga staff  sa malapit na branch ng fastfood nila.Ito ang nagbibitbit ng ibang paper bag ng dala niyang pagkain. "For you and sa kasama mo!" masayang sabi niya sa sekretarya at kasama nito. She motioned to her staff na ibigay ang dalawang bags sa mga babae. "Andiyan na si dok Drake?" she asked. Gulat na napatango na lang ang sekreterya. "What time ang unang pasyente niya?" pahabol na tanong niya. "In half an hour." sagot nito. "Sakto may time pa siyang mag-breakfast." sabi niya. Bago pa makapagsalita ulit si Claudia, Lexi said with a wide smile,"Enjoy our fast food's breakfast meal.Lahat ng klase andiyan na." Tinignan niya ang staff niya. "Sige na Gil..mauna ka na."utos niya dito bago kumatok ng isang beses sa pintuan  ni Drake.             *** Drake is  reading something on his laptop when she came in. "Good morning!" Lexi greeted Drake as she advanced towards his clinic. Inilapag niya ang mga paper bag on  the coffee table. With a slight frown on his face, Drake  asked," Alexandria? What are you doing here?"  Damn!-- he thought. Napatanga siya sa hitsura nito.She looks even prettier this morning and she is not wearing too sexy clothes. Busy itong nag-lalabas ng mga pagkain na nasa brown bag.Looks like food from a well-known fast food chain. "I brought you breakfast.Hindi ka  dapat nagpapagutom lalo if madami  kang pasyente." she said. Her back is on her. Drake's eyes are on her delicious  looking bottom which is covered by her black pants.  Ipinilig niya ang ulo . Fuck off jerk!--kastigo niya sa sarili. Kagabi pa hindi maalis sa isip niya ang babaeng ito. Tapos ngayon nasa klinika na naman niya. "Alexandria..didn't I tell you na hindi na ikaw ang kukunin kong modelo?Bakit ang aga-aga andito ka?" he asked as he stood up. Humarap ito sa kanya and walked near him.May dala itong styro cup na may lamang kape. Gusto na naman  niyang magmura.She looks even lovelier this close.Wala itong make-up kahit lipstick.She has very beautiful  skin and her lips have  a natural red tint.He hates his body's reaction to her. Iniabot nito ang kape sa kanya. "I just came here to bring you breakfast.Tara,kain ka na." malambing na sabi nito while she smiles. She has perfect set of teeth which are pearly white. " I don't eat fast food." he said. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi when he saw her expression.Nawala ang malapad na ngiti nito pero sandali lang. "Ay ganun ba? Sige what do you want? Ibibili na lang kita!" masiglang sabi nito. Tinignan ni Drake ang nilabas na pagkain nito sa lamesa niya. " Why the hell did you bring so much food? How did you manage to carry all those?" kunot-noong tanong niya. Ang sweet talaga ng  boo ko.Concerned talaga sa akin.--Lexi thought. "Don't worry..may kasama akong staff kanina.Pati ang  sekretarya  at nurse  mo sa labas dinalhan ko din." she said cheerfully. Syempre dapat malaman nito na may concern din siya sa staff nito.Ganun siya ka-adik dito.Kahit ano handa niyang gawin so he will like her.He should consider her as a perfect gf.Maganda,sexy,mabait,sweet  at thoughtful.She smiled sexily  at him again. Ibinalik ni Drake ang kape sa kanya. "Ayaw mo ba nito? What do you want? Tea? Bababa ako to buy a cup for you!" she said ng tumalikod ito sa kanya at bumalik sa lamesa. "Busy ako so you can go.Thanks for the food.Ipapabigay ko na lang sa ibang   nurses sa kabilang clinic." malamig na sabi nito. Parang kinurot ng bahagya ang puso ni Lexi.Sayang ang pagod  niya.Pero hindi siya susuko.Tutal first day pa lang naman ng pag-eefort niya di ba? "What do you want?" tanong niya ulit while she sat down on the chair in  front of his desk. Kahit gusto na niya itong sunggaban.. she should remember her friends'  advice. Dapat lady-like siya.Mapino. Bawas landi muna. He looked at her sharply. "I am not hungry kaya umalis ka na.Don't you have a job?" tila inis na tanong nito sa kanya. She pouted a little. "Mamaya pa." sagot niya. He sighed. "Sige na Alexandria.My first patient's appointment is in 15 minutes.May gagawin pa ako." malamig na sabi nito. Lexi sighed bago malungkot na tumayo.She went to the  coffee table  at the left side of his clinic to get her bag. Then the door opened and a pretty woman came in. "Drake!!" masiglang bati nito. "Baby?" tila gulat na bati ni Drake  bago tumayo. Excited na tumakbo ang babae para salubungin ito.Parang nagdilim ang paningin ni Lexi ng yumakap ito kay Drake .At ang magaling naman niyang doktor nilagay ang mga kamay sa likod ng malandi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD