Chapter 36 Ailey’s POV “Hmm, I’m sorry about that, mahilig lang talagang magbiro sina Rest.”sabi ko ng paupo na kaming dalawa. Nilingon niya ako sandali at bahagyang bumuka ang bibig ngunit hindi rin naman itinuloy ang sasabihin. “Ayos lang.”sabi niya at ibinalik sa bulsa ang kanyang mga kamay bago naunang maglakad patungo sa table namin para ihatid ako. “Thank you, Sir.”sabi ko nang nakanguso. Hindi naman siya nagsalita at naglakad na pabalik sa pwesto niya kanina. Maya-maya lang ay tinawag na rin kami para sa bouquet toss. Madami ng nakahanda para saluhin ‘yon. Naghiyawan sila ng ihahagis na ni Rest ang bouquet ngunit natigilan ako nang imbis na ihagis niya ay walang sabi siyang lumingon at parang tangang iniabot na lang sa akin ang mga bulaklak. Hindi ko alam kung matatawa ba

