Chapter 43 Ailey’s POV “Ailey, tumayo ka na alas siete na.”sabi sa akin ng ilang katrabaho ko. Napatikhim naman ako habang tinitignan ang orasan. Saktong saktong alas siete nang sabihin nila ‘yon sa akin. Hindi ko alam kung inaabangan talaga ang oras o ano. Napailing na lang ako at bahagyang tumango. “Hindi pa ba kayo uuwi?”tanong ko sa kanila. “Una ka, Te, kanina pa naghihintay si Bossing sa labas.”natatawa nilang sambit sa akin. Bahagya naman akong napatingin kay Ino. Hindi niya naman ako inistorbo sa trabaho o ano. Nanahimik lang siya habang nakaupo sa labas habang abala rin sa cellphone niya. Kahit paano’y nahiya naman ako na pinaghintay ko siya although hindi ko naman ‘yon kasalanan. “Una na po ako.”sambit ko kina Ma’am Fatima. Nginitian lang naman ako nito at tinanguan. Nan

