Chapter 19

2056 Words
Chapter 19 Ailey’s POV “Sissy, wake up, let’s go to spa today!”sabi ni Rest sa akin. Kanina pa naman ako gising sadyang ninanamnam ko lang ang klima rito sa new york. Napangiti naman akong bumangon. Nakatapis lang si Rest at talagang ginising na ako para makapag-ayos na. “Dani will be here in a minute na, dalian mo!”sambit niya na tinulak pa ako. Natawa na lang akong napatango at naglakad na patungo sa cr. Mabilis lang din naman kaming nakapag-ayos. These past few days, nilibang ko lang ang sarili ko para hindi makapag-isip ng kung ano. Aba’t nasa new york na ako, bakit hindi ko pa sulitin, hindi ba? Nang makalabas ay nagbihis lang ako sandali at sakto namang tapos na ako nang dumating si Dani na plakadong plakado ang suot. “Sissy, baka may mabingwit akong foreigner.”nakangisi niyang saad kaya hindi ko naman maiwasang matawa at napatango na lang sa kanya. Naglakad na rin naman kami palabas. Kakatapos lang ng fashio show nila kagabi at mageextend pa kami rito dahil mayroon pa naman kaming ilang araw, hindi pa naman kasi pasukan. “Let’s go.”excited na saad ni Rest na hinila na ako papasok sa spa. Pagkatapos naming magpamassage ay nagsimula naman na kaming magpamanicure, ilang kuha pa ang ginawa namin. Napangiti na lang ako dahil ngayon lang ulit ako nagkaroon ng “me time”. Nang matapos kami do’n, dahil mahaba pa ang araw ay nag-ayos na rin kami ng gamit para lumipat sa hotel na malapit sa mga tourist destination dito sa new york. Para marami pa kaming mapasyalan sa ilang araw naming pananatili rito. Habang nasa byahe at pascroll scroll ako sa news feed ko sa f*******:, aksidente kong napindot ang name ni Ino nang magpop na nagmessage ito. Napapikit ako dahil wala naman akong balak reply-an sana ito. No’ng nakaraan pa siya nagmemessage sa akin pagkatapos niya akong iseen. Ino Morales: Kumusta ka na? Buhay ka pa ba? Anong palagay niya sa akin? Hayop na ‘to. Hindi ko naman tuloy mapigilang mapairap do’n at hindi na sana siya rereply-an kaya lang ay nagtitipa nanaman ito kaya nataranta akong napindot ang call button. Nagulat pa ako nang sagutin niya ‘yon kaya agad kong pinatay ang call. “Pucha naman.”bulong ko na inis na inis sa sarili at gusto ng tuktukan ito. “Te, anong pinaggagawa mo? May sira ka na ba?”natatawang tanong sa akin ni Dani na siyang sinamaan ko lang ng tingin. Napabuntong hininga ako at nireply-an ko na lang ‘to. Ailey Cabrera: Sorry, napindot. Oks lang naman, ikaw? Musta na? Haha. Napasimangot naman ako sa reply ko, akala mo’y cold na jowa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sarili o ano. Saka bakit ba gising pa ‘yon? Anong oras na roon ahh. It’s already 2 o’clock na dito. Ala una na roon kung hindi ako magkakamali. Naging abala na rin naman kami nang makarating sa hotel. Nakausap ko na rin naman si Mama kanina saka paniguradong tulog na ‘yon ngayon kaya nahiga na lang ako sa kama, nilibang lang ulit namin ang sarili sa pagkuha ng litrato at paglilibot sa hotel gamit ang remaining time namin no’ng gabi. Kinabukasan ay maaga kaming nagsigising dahil tutungo kami ngayon sa brooklyn bridge. Hindi ko naman maiwasang maexcite dahil do’n. “Girl, say cheese!”sabi ni Dani habang kinukuhanan niya kami ng litrato ni Rest. Nalibang naman kaming tatlo sa paglilibot. Nagtungo rin kami sa mga museum. Talaga namang plakado ang outfit ng dalawang kasama ko habang naglilibot kami. Natawa na lang din ako kay Dani na siyang pakindat kindat pa sa mga ilang type niyang lalaki rito. Nakita ko pa siyang nakipag-usap sa isang matangkad na lalaki na siyang kaheight niya lang din halos. Napangisi pa ako nang makitang nagexchange na ang mga ito ng numbers. Napatawa na lang akong nagkibit ng balikat, ganoon din naman si Rest na naiiling na lang habang nakatingin kay Dani. Kung saan saan pa kami nakarating hanggang sa tuluyan ng maggabi kaya naman nagtungo na kami sa time square. Manghang mangha naman ako habang nakatingim sa paligid. Ilang litrato pa ang ginawa namin nina Dani bago kami tuluyan ng bumalik sa hotel We stay for a while in new york, talaga nga namang sulit na sulit anh sembreak naming tatlo. Well, baka sa akin lang dahil ilang beses naman ng nakarating ang dalawang ‘yon dito, nakakahiya nga na shoulder talaga nila ang mga expenses namin. Sinubukan ko pang magbayad ng isang beses kaya lang ay mukhang tuluyan na akong mamulubi bago pa ako makauwi ng pilipinas. Kapag kinoconvert ko ang mga pera nila’y talaga nga namang nanghihinayang lang ako. Number 1 tip kapag nagtatravel ka, huwag mong iconvert ang halaga ng pera nila sa pera mo dahil paniguradong manghihinyang ka lang ng manghihinayang. “Thank you..”sambit ko sa kanila nang paalis na kami at pabalik na sa pilipinas. Niyakap ko pa silang maghipit na dalawa. Parehas naman silang napangiti dahil dito. “No problem, Girl, thank Dolo rin, kasama siya sa pagpaplano nito kaya lang ay abala raw siya sa kanila.”sabi ni Dani kaya napangiti na lang ako. It was a short and happy trip for me, pakiramdam ko’y deserve ko naman kahit paano ang short break na ‘yon. Inihatid lang ulit ako nina Dani patungo sa bahay namin, this time ay may driver na kami which is ‘yong kumuha rin ng kotse ni Dani bago kami umalis ng airport. “Mama, I’m home.”nakangiti kong saad kay Mama na siyang naghihintay sa akin sa sala. “How was your trip? Nag-enjoy ka ba?”nakangiti niyang tanong sa akin. Agad naman akong napatango dahil do’n. “Next time, I’ll bring you there, Ma.”sabi ko at ngumiti pa ng malapad sa kanya. Napangiti naman siya sa akim dahil dito. “Pero syempre kapag mayaman na tayo.”sabi ko pa at sumiksik sa kanya. Natawa na lang siya sa akin dahil do’n. Nakapagpahinga rin naman ako buong araw no’n, saktong sakto talaga ang uwi namin dahil pasok na agad kinabukasan. Well, hindi ko naman itatanggi na medyo tinatamad pa akong tumayo ngunit ayaw ko rin namang lumiban ng klase. Palabas na ako ng bahay nang matigilan ako. Nakita ko si Ino na siyang papalabas na rin ng bahay nila at mukhang handa na rin itong pumasok sa kanyang klase. “Long time no see, Ley!”nakangiti niyang saad nang makita ako. I don’t want to make him think that something is wrong. Ngumiti na lang ako at kunwari pang kumaway sa kanya. “Miss mo ako?”sinubukan ko pang pasiglahin ang tinig ko. Sa tingin ko naman ay hindi niya rin ‘yon nahalata dahil nagsimula na siyang magtanong tungkol sa new york. Sinasagot ko naman ‘yon ngunit alam kong naging tipid ang mga sagot ko. I shouldn’t treat him like this dahil wala naman siyang kasalanan na gusto ko siya. “Ikaw, musta rito? Anong ginawa mo nitong sem break?”tanong ko pa, sinubukan ulit na pasiglahin ang aking tinig. Ngumiti pa ako sa kanya na parang normal lang ngunit hindi ko talaga magawang tignan siya ng diretso. Nang nasa tric na kami’y natahimik na ako nang may kasabay kami sa loob, kung normal na araw lang ito’y paniguradong naikwento ko na lahat ng pangyayari sa new york. Baka nga kahit mga walang kwentang bagay ay nasabi ko na rito. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa school. Sinasagot ko naman ang mga tanong nito at sinusubukan pang pasiyahin ang tinig. “Dito na ako, salamat!”sabi ko na sinubukan pang ngumiti ngunit nakatingin lang siya sa akin at tipid na ngumiti bago siya naglakad palayo. Walang kaway o ano. Pumasok naman ako sa classroom. Narinig ko naman ang usapin ng mga kaibigan ni Kath. “Oo, siya pala ‘yong secret boyfriend ni Celly bago siya tuluyang sumikat, bagay naman sila.”sambit nito. Hindi ko alam kung pinaparinig ba sa akin o ano. Napakibit na lang ako ng balikat at hinayaan silang mag-usap do’n. Napatingin ako kay Kath nang lumapit siya sa akin. Napakunot na lang ako ng noo habang nakatingin sa kanya. “Naghiwalay kayo ni Ino?”tanong niya sa akin, kita ko pa ang galit mula sa mga mata nito. “Bakit parang galit ka, te?”tanong ko naman habang nakangisi. Mas lalo lang siyang napasimangot habang nakatingin sa akin. “Jeffrey broke up with me dahil sa’yo.”mariing saad niya, pinipigilan ang sariling marinig ng ilang kaklase namin. Hanggang ngayon ba naman ay ganito pa rin ito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ano. Lagi na lang kasing ako ang sinusugod nito kapag naghihiwalay sila ngunit madalas na sa akin din naman nagpapatulong paminsan minsan. “Hindi ka pa rin ba nagsasawa, Kath? Let me tell you something.”sambit ko na iniharap siya. “You don’t deserve to be treated like that. Break up with him, ikaw naman ang madalas hinahabol no’n pa man, ‘di ba? Babalik lang sa’yo kapag nagsawa sa iba, huwag kang papatalo.”natatawa kong saad sa kanya. Sawang sawa na ako sa kanilang dalawa. “Saka pucha naman, bakit ba ang hilig mong mambintang?”kunot noo kong tanong sa kanya. Ilanh beses na ito. “Dahil hanggang ngayon gusto ka pa rin niya! I don’t f*****g know why? Ano bang pinakain mo? Ginayuma mo?”tanong niya sa akin. Pinitik ko naman ang noo nito. “Tigilan mo nga ako, Kath, tigilan mo na rin ‘yang kapraningan mo. Kung gusto ka talaga niyan, hindi ka niya hahayaang mag-isip ng kung ano.”sambit ko na naiiling na lang sa kanya. Hindi naman kami gaanong naging busy buong araw dahil kababalik pa lang namin. Saka normal lang din naman ang araw ko. Palabas na sana ako sa school at tutungo na sana sa café kaya lang natigilan ako nang makita ko si Ino na kasama si Celly. Napakibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy na lang sa pagsakay sa jeep. Madalas na ganoon lang ang pangyayari, hindi ko naman siya sinubukang iwasan ngunit madalas na hindi ko rin siya kinakausap o ‘di naman kaya ay nagiging tipid lang ang usapan naming dalawa. Ilang beses ko rin silang nakitang lumabas ni Celly pero wala naman akong masesay do’n, Sissy. Natural lang ‘yon dahil sila nga. “Galit ka ba?”tanong ni Ino sa akin isang araw. “Huh? Bakit? Saan? Hindi ahh.”natatawa ko na lang na saad at nag-iwas ng tingin. “Teka, tinatawag na ako roon, ako ang mag-eemcee sa event tomorrow.”sambit ko at nginitian siya bago ako naglakad patungo roon. Tinatawag na rin kasi ako no’ng nag-aayos para sa event bukas, ako anh kinuha nilang emcee dito sa school, ayos lang naman din kasi sa akin. Nagrehearse lang kami ng ilang oras hanggang sa matapos ‘yon. Hindi ko naman na nakita ang naghihintay na si Ino sa akin kanina, nakita ko rin kasi ang pagpasok ni Celly, well, naglelevel up na sila dahil kitang kita na sila ngayon dito sa school. Ano bang paki ko? Kinabukasan, medyo maaga rin akong nag-ayos dahil ayaw ko namang mahuli at may last na dry run pa kami. Nakita ko naman si Ino na siyang palabas na rin ng bahay nila. Nginitian ko lang siya ng tipid at naglakad na lang kami patungo sa sakayan ng tric. Parehas lang kaming tahimik habang naglalakad. Laking pasasalamat ko rin nang makarating kami sa school ng maayos, gusto ko na agad alisin kung ano man ang mararamdaman ko ngayon, ayaw ko namang buong buhay akong ganito kahit na wala naman siyang ginagawang kung ano sa akin. “Anong kinagagalit mo?”tanong niya na hinila muna ako nang papasok na kami. “Huh? Wala no!”natatawa kong saad ngunit seryoso lang ang tingin niya habang nakatingin sa akin. “Kung ganoon, bakit ang lamig mo?”tanong niya pa na napanguso. “Nag-abroad ka lang, ganyan ka na.”panggagaya niya sa mga kapitbahay naming inggitera na ayaw umangat ang kanilang kapwa. Parehas tuloy kaming natawa dahil sa sinabi nito. Siraulo talaga kahit kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD