Chapter 22

2075 Words
Chapter 22 Ailey’s POV Habang naglalakad ako palapit kay Ino, nakita kong nakapikit lang ito sa may bench, mukhang puyat na puyat ngunit nagawa pa rin akong hintayin dito. Napabuntong hininga naman ako palapit sa kanya. Tinapat ko naman ang mukha ko sa kanya. Nakangiti ko lang pinagmamasdan ang mukha nitong talaga namang perpektong perpekto. Nang imulagat niya ang kanyang mga mata’y agad niya akong nakita. Agad kumurba ang ngiti mula sa mga labi nito. “Ehem, pda.” “Ehem, sana ol.” Napatawa na lang ako sa mga dumadaan at hinila na lang patayo si Ino. Alam kong abala rin sila dahil parehas naman na kaming graduating. Hinihintay na lang namin ang ilang linggo at tuluyan na kaming gagraduate. “Sana hindi ka na naghintay, alam mo namang marami pa kaming tatapusin, ‘di ba? Nagpahinga ka na sana.”sambit ko sa kanya. “Ayos lang, nagrerecharge na.”sabi niya pa kaya napatawa ako. “Napakakorni mo talaga!”naiiling kong saad sa kanya na siyang tinawanan niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng school. Akalain mo ‘yon? Pagraduate na kami, my college life became memorable because of him. Mga bagay na hindi ko alam na masarap pa lang gawin ang ilang bagay na may kasama. Being with Ino, naisip ko na hindi naman talaga pala kayang bilhin ng pera ang pagmamahal. Kahit ilang beses kong sinubukang gustuhin ang isang tao dahil sa kayamanan nito, hindi ako nagtagumpay. Well, sa akin ‘yon, hindi ko lang alam para sa ibang tao. “Talk to me, Kath, please.”parehas kaming napatingin sa isang gilid ng makita si Jeffrey at Kath. Simula no’ng araw na gusto ng ihinto ni Kath ang lahat, si Jeffrey naman ‘tong naghabol. Sa pagkakaalam ko’y nagkabalikan na sila no’ng pagkatungtong pa lang namin ng 4th year ngunit nagkahiwalay din, ngayon ay ito nanaman sila. Nagkatinginan naman kami ni Ino at parehas na lang napakibit ng balikat bago kami umalis do’n. “Don’t forget our date tom ahh.”sabi ni Ino sa akin nang papasok na ako sa bahay. “Matulog ka na muna, Ssob, aba, mukhang puyat na puyat ka na’t lahat lahat gusto mo pa ring makupagdate, alam ko namang patay na patay ka sa akin.”sabi ko sa kanya na siyang tinawanan niya lang. “Amfee mo!”natatawa niyang sambit. “Sige na, I’ll sleep.”sabi niya at kumaway sa akin, akala mo naman sobrang layo ng bahay nila. Buong araw ko lang ginawa ang ilang kailangan ko pang gawin para wala na akong proproblemahin bukas. Ang tagal na kasi talaga naming gustong lumabas kaya lang ay nauudlot ng nauudlot dahil parehas talaga kaming busy. Kinabukasan ay agad kong nakita si Ino sa tapat ng bahay namin kaya malapad ang ngiti ko siyang binati. “Wow, fresh na fresh, ssob, ahh, sana nilubos mo na’t nagsuklay ka na rin.”natatawa kong saad sa kanya na siyang sinimangutan niya lang. Amoy na amoy ko na agad sa katawan nito ang cologne na mukhang talagang sa kapatid niya. “Payakap nga.”sabi ko at walang sabi sabi siyang niyakap. Nilayo niya naman ako sa kanya nang maramdaman niyang inaamoy ko lang talaga siya. Ang bango kasi talaga nito. “Tigilan mo nga ako, Ailey.”sabi niya sa akin na napailing na lang. “Saan ang punta natin nito, ssob?”tanong ko sa kanya habang hawak hawak ang kamay nito. “Basta akong bahala sa’yo.”sabi niya kaya nagmake face na lang ako bago sumakay sa tric na siyang halos suki na rin namin. Maya maya lang ay nakarating kami sa isang cinema dito sa springhill town. Agad naman kumunot ang noo ko sa kanya. “Magsasayang ka lang ng pera, pupwede namang sa bahay na lang tayo manood.”sambit ko sa kanya na siyang dahilan ng pagkamot niya. “Ako angagdedesisyon ngayon, ‘di ba? Ikaw na no’ng nakaraan.”reklamo niya sa akin kaya napairap na lang ako at napakibit ng balikat. Hindi na rin nagreklamo pa dahil ‘yon naman talaga ang usapan naming dalawa. Bumili lang siya ng cinema ticket na hindi ko maiwasang panghiyangan. “Sayang, sana sa tv na lang tayo nanood.”bulong bulong ko sa kanya kaya pinagtaasan niya lang ako ng kilay. “Saka ‘yang popcorn oh, kung nagluto na lang ako sa bahay bente lang panigurado tapos pangmatagalan pa!”reklamo ko pa ulit sa kanya kaya pinitik na lang niya ang noo ko. “Huwag ka na ngang madaming sinasabi diyan, te, hindi ikaw ang magbabayad, huwag kang oa.”sabi niya sa akin na siyang inirapan ko lang. Nahihiya rin naman ako dito kahit paano dahil hindi rin naman ganoon kalaki ang pera nito para bumili ng mga ganito ganito, alam ko namang may mga bagay din siyang pinag-ciipunan. Parehas kaming may mga pangarap na gustong abutin. May mas mahalagang bagay pa na pwupwede niyang bilhin gamit ‘yon. Pero alam ko rin naman ang ego nito bilang lalaki, alam ko rin na gusto niya lang akong pasiyahin pero hindi naman kasi kailangan, masaya naman ako sa maliliit na bagay lang, ayos lang sa akin kahit saan lang kami kumain, kahit manood nga lang kami ng mga drama sa cellphone ay ayos lang din. Hindi na kailangan ang ganito. “Stop thinking too much, kaya nga tayo nagtungo dito para magpahinga.”sabi niya sa akin na hinila na ako patungo sa loob ng sinehan. Pumwesto lang kami sa pinakadulo. Comedy ang napili niyang panoorin naming dalawa. Tawa lang kami ng tawa habang nanonood do’n. Halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa habang nakatingin lang sa screen. “Sobrang bigat ng kamay, parang may hinanakit ahh.”natatawa niyang saad sa akin nang makalabas kami sa sinehan. “Ang kapal mo!”natatawa kong sambit sa kanya kahit na napanguso naman akong napatingin sa braso nito. Halos ilang oras din ang tinagal namin sa sinehan kaya maghahapon na rin nang matapos kami. “Saan tayo?”tanong ko sa kanya. Kita ko kasing palihim ‘tong nagbibilang ng pera niya. Napatikhim naman siya ng tuluyang makakwento. “Do’n na lang tayo sa may karinderya diyan sa tapat.”sambit ko sa kanya. “Diyan na sa fastfood.”turan niya at tinuro ang isang fastfood dito sa amin. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil dito. Agad kong hinawakan ang kamay nito ngunit nginitian niya lang ako. He was like assuring me. Magbabayad na sana ako para sa order naming dalawa ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko at inilingan. “Ako na.”sabi niya at ngumiti pa. Hindi naman na ako nakipagtalo pa dahil alam kong hindi rin magpapatalo ang isang ‘to. Naging maayos naman maski ng kumain na kami. Kwentuhan lang kami ng kung ano ano, sa totoo lang ay kahit magkwentuhan lang kami sa kanto’y ayos na sa akin. Alam ko na kapag siya ‘tong kasama ko, sobrang worth it ng time. Akala ko’y do’n na magtatapos ang lahat ngunit nagulat na lang ako ng hilain ako nito patungo sa arcade at bumili ng ilang token na siyang ginamit din naman namin ng matagalan dahil nagawa niya pang madoble ang token namin sa paglalaro. Ang dami rin naming nakuhang stuff toy kaya halos gusto na kaming paalisin ng staff. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa paraan ng tingin ng mga ito. Para bang anytime ay balak na kaming iban ng mga ito. Nang mapagpasiyahan nanaming umalis ay kita ko pa ang tuwa ng mga ito. Napailing na lang ako dahil do’n. Napatingin pa ako kay Ino nang hilain niya ako papasok sa fastfood chain na medyo malapit lang sa pinasukan namin. Hindi ko alam kung may pera pa ba talaga ito o ano. Nang nakapila na kami sa may cashier, nakita ko siyang nakatitig lang sa kanyang wallet, hindi alam kung anong gagawin. Hinawakan ko naman ang kamay nito dahil do’n. Agad ko siyang hinila palabas ng fastfood chain. Hindi na rin naman ‘to nakipagtalo at nagpahila na lang din sa akin. “Stop wasting money, saka hindi naman kailangan na ikaw lahat ang sasalo, Inocencio. May pera rin ako, hindi lang din naman ikaw ang nakikipagdate. Buti sana kung kadate mo ang sarili mo. Talagang ayos. Dalawa tayong may relasiyin dito, Ino, baka nakakalimutan mo.”sermon ko sa kanya. Nag-iwas lang siya ng tingin at kita ko rin ang pamumula ng tenga nito. Mukhang nahihiya na sa akin. Although, wala naman talaga siyang dapat ikahiya ro’n. Napabuntong hininga na lang ako ay ayaw ko ng doblehin pa ang kahihiyang nararamdaman niya ngayon. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak sa kamay niya. “Tara, diyan na lang tayo sa may angela’s burger sa labas.”sabi ko na hinila siya patungo roon. “Parang tanga, simula no’ng naging nobyo kita, wala na akong pakialam sa yaman ng ibang tao. It’s fine kahit na diyan tayo sa isawan, kahit nga sa may labas lang tayo ng bahay niyo ay ayos na sa akin!”sambit ko pa sa kanya. Nilingon niya naman ako dahil do’n. “But it’s not fine to me, alam ko naman na sanay kang dinadala ng mga nakakadate mo sa mamahaling lugar and I can’t even afford na dalhin ka kahit diyan man lang sa sinehan.”sabi niya ng nakasimangot. Hindi ko alam kung ‘yin lang ba ang dahilan o ano. “So? Gusto kong magkaroon ng asawang mayaman no’n not until I met you.”nakangising saad ko sa kanya na syang inirapan niya lang. “Sus! Kunwari ka pa! Kinilig ka no?”natatawa kong tanong na tinusok pa ang tagiliran niya. “Amfee mo!”natatawa niyang saad at napailing pa nang lingunin ako. Sus! Kunwaru pa! “I just want to give you what you really deserve. Hindi porket ayos lang sa’yo ay ayos lang sa akin na hindi mabigay sa’yo ‘yong mga basic lang na dates para sa iba.”sabi niya naman sa akin. “Sa iba ‘yon! Saka satisfied naman tayong pareho no’ng nagdate tayo sa bahay ahh? Nakailang movies naman tayo saka nakailang nakaw ka pa nga ng halik.”natatawa kong saad kaya pinitik niya ang noo ko. Napatawa na lang ako sa kanya dahil dito. Nagtungo na rin kami sa angela’s burger nang matapos kaming mag-angilan. Naiintindihan ko naman kahit paano ang pinaglalaban niya e. “Kita mo na? Parehas lang din naman kung anong pagkukwentuhan natin kahit saang lugar tayo kumain o magpunta. Hindi rin naman nabawasan kung anong nararamdaman ko sa’yo, depende na lang sa’yo.”sabi ko na pinagtaasan pa siya ng kilay. Napangiti na lang siya dahil do’n. “Sorry, I just really want our date to be memorable.”sabi niya pa sa akin. Agad na naningkit ang mga mata ko sa kanya dahil do’n. “Aba, just being with me ba’y hindi pa memorable para sa’yo? Hindi naman ata tama ‘yon, Inocencio.”nakataas kilay na saad ko sa kanya na siyang tinawanan niya lang. “Kung alam mo lang..”natatawa niyang saad at napaiwas ng tingin. “Mas lalo pa talagang kumokorni mga tao ngayon, nako.”sabi ng isa naming katabing babae. “Te, wala ka lang jowa, saka sweet nga e, fafa pa ni Koyang, it’s not the place nga naman talaga no? It’s the person.”sabi pa no’ng isa bago niya hinila ang kaibigan para umalis na do’n. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sinabi no’ng babae. “Kita mo na? Wala naman talagang kinalaman ‘yong lugar. Hindi naman nababawasan ang pagkagusto ko sa’yo.”sabi ko pa sa kanya na tumayo na dahil tapos na rin naman kaming kumain. Napakunot naman ang noo ko sa kanya nang makita ko siyang nakatitig lang sa akin habang naglalakad kami paalis do’n. “Ano?”tanong ko sa kanya. “Habang patagal ng patagal.. lalo kitang nagugustuhan..”pabulong na saad niya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti do’n. “Sabi ko na nga ba e! Patay na patay ka talaga sa akin!”natatawa kong saad but I highkey know na ganoon din ako. Every single day with him talagang nahuhulog ako. Mga bagay na hindi ko alam na kailanman matutuwa ako na nalaman ko. Mga bagong pakiramdam na hindi ko alam na kailangan ko pala..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD