Chapter 24

2321 Words
Chapter 24 Ailey’s POV “What are you doing here?”galit kong saad nang makita ang Kuya ko na nakaupo sa sala namin. Hindi ko na napagilan pa ang pag-usbong ng galit na nararamdaman ko lalo na nang makita ko ‘tong prenteng prente na nakaupo habang binibigyan ng meryenda ni Mama. “Ailey..”sabi ni Mama sa akin habang si Kuya Jackson naman ay nakatungo lang. Hindi ako malingon ng diretso. “Ailey..”pagkabanggit pa lang nito sa pangalan ko’y talaga namang nanggalaiti ako sa inis. Nakita ko pa ang isang buntis na babae na siyang nasa gilid lang. Tahimik na nagmamasid. “Anak, doon muna tayo sa kwarto mag-usap.”sabi ni Mama sa akin. “Bakit hindi dito, Ma?”hindi ko maiwasang itanong, mas lalo pang kumunot ang noo. Binigyan naman niya ako ng tingin na mukhang nagmamakaawa. Hindi ko naman maiwasang mapabuntong hininga bago ako sumunod sa kanya. “Anong ginagawa nila dito, Ma?”hindi ko maiwasang itanong kay Mama. “Nabankrupt ang Kuya mo, Hija, marami silang utang na binabayaran ngayon kaya maski ang bahay na tunutuluyan nila ng Ate Gina mo’y tuluyan ng nawala.”sambit ni Mama sa akin. “So kailangan nila tayo?”sarkastiko akong natawa. Hindi naman niya alam kung paano ako papakalmahin. “Bakit, Ma? Kailangan nanaman ba niya ng pera?”tanong ko at tumawa. “Ibibigay mo nanaman ba ang ipon natin?”tanong ko pa ulit. “Anak..”sinubukan pa akong hawakan ni Mama ngunit hindi ko magawang kumalma, ang inis ay dumoble lang. Ngayong may kailangan sila kaya bumalik but when they have everything, ni hindi man lang kami naisipang dalawin. How nice naman pala. “Intindihin mo naman ang Kuya mo, Nak.. Kailangan nila ng matutuluyan ng Ate Gina mo.. buntis ‘yon.. nakakaawa naman kung magpapalipat lipat sila ng matutuluyan..”sabi ni Mama sa akin. “Ganoon ba, Ma? Tayo ang mag-aadjust kung ganoon? Kailanman hindi tayo naisipang dalawin! Kailanman hindi ka man lang naisipang puntahan, kahit kumustahin man lang ay wala!”galit kong saad sakto namang nakita ko si Kuya na siyang nasa gilid, nakikinig sa usapan namin ni Mama. “Kung tutuloy sila dito, ako ang aalis. Sa manila muna ako, Ma..”nakasimangot kong saad bago ako lumabas ng kwarto. “Sorry—“ni hindi ko pinatapos magsalita si Kuya dahil tuluyan na akong naunahan ng galit. Nagtungo na ako sa kwarto ko para kumuha ng ilang gamit, kauuwi ko lang dito sa amin sa isang linggo kong pamamalagi sa manila ngunit hindi ko ata kayang tiisin na makita ito gayong wala silang hiyang nagtungo rito. “We can just go—“nahihiya ang asawa ni Kuya habang nakatingin sa akin, mukhang nasesense niya na ang hindi magandang atmospera dito sa bahay. Tinignan ko naman ito, iritasiyon ang dumapo sa akin ngunit nang tuluyan akong mapatingin sa kanyang tiyan ay kumalma rin naman ako. Well, may awa rin naman ako at kahit paano’y pamangkin ko ang nasa sinapupunan nito. “Stay here.”sambit ko. “Salamat..”hindi niya alam kung paano ako pasasalamatan. “I’m not doing it for you or for my brother, para sa bata at para kay Mama.”hindi ko mapigilang sambitin bago ako lumabas ng bahay dala dala ang mga gamit ko. Naririnig ko pa ang tawag ni Mama ngunit hindi ko na pinansin pa. Nang tuluyan na akong makasakay sa tric at bumaba na para sumakay sa bus, doon lang ako tuluyang kumalma. Hindi ko rin maiwasang mairita sa sarili dahil sa inasta ko. Ramdam ko ang kirot nang maalala ang mukha ni Mama. Why do I need to be mad to my Mom gayong wala naman ‘tong kasalanan kung nangungulila siya sa kanyang mga anak but I can’t help but to be jealous, ako ‘yong laging nandoon pero hinayaan niya akong umalis sa bahay dahil lang nandoon na ang anak na hinihintay. “Fuck..”pabulong na saad ko at napahawak sa dibdib. Hindi ko na lang din namalayan na bumagsak na ang luha ko dahil sa frustration na nararamdaman. Alam kong nadadala lang ako ng emosiyon but I can’t help it. Agad ko namang pinunasan ang luha nang makitang may tumatawag mula sa cellphone ko. Tumikhim din ako para iklaro ang tinig. “Hello, Love!”pinilit kong pasiglain ang tinig. “Ays ka lang?”tanong ni Ino na siyang nasa kabilang linya. Alam na alam na agad nito. Parang gripong bumuhos ang mga luha ko dahil do’n. Pinigilan ko naman ang mapahikbi. Matinding katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa tila ba alam nitong umiiyak ako rito sa aking linya. Para naman akong niyakap ng mahigpit nang marinig ang malamig na tinig mula sa kabilang linya. “I love you..”saad niya nang matapos siyang kumanta. “Thank you.”sabi ko kaya parehas kaming napatawa. Hindi naman nawala ang ngiti mula sa aking mga labi. Halos isang linggo na rin siya sa abroad, sa isang linggo niya roon ay hindi ko maiwasang hanapin ang presensiya niya dito, although hindi niya ako nakakalimutang tawagan. Kahit paano’y napagaan naman ng usapan naming dalawa ang pakiramdam ko ngunit nang matapos ang tawag ay napatulala na lang ako. Naalala nanaman si Mama. Nakaramdam ako ng guilt nang maalala ko kung paano ako umalis ng bahay. Pakiramdam ko tuloy bigla ay ang sama sama kong anak. Napanguso na lang ako habang naglalakad patungo sa apartment na tinutuluyan ko rito. Hindi ito kagandahan at minsan ay hindi ko maramdaman na safe ako, although nagsisimula pa lang naman ako kaya normal naman siguro. Pero sino nga bang niloko ko? Kahit kailan ay hindi normal ‘yon. Halos dalawang linggo akong hindi umuwi sa bahay namin, nakakareceive pa rin ako ng tawag mula kay Mama ngunit minsan ko lang ‘to sagutin. Siguro kay Mama’y nakakaramdam ako ng guilt but for my brother? Iritasiyon. Kapag nababanggit pa lang nito ang pangalan ng Kuya’y hindi ko na maiwasang mainis. Hindi ko na maiwasang ihinto na ang tawag, maski tuloy si Ino’y napagbubuntungan ko na rin ng galit. “Sorry..”mahinang saad ko nang uminahon na. “It’s fine, huwag kang masiyadong nagpapastress baka tumanda kang dalaga diyan.”pagbibiro niya. Tipid na lang akong napangiti do’n. “Magpapahinga na ako, magpahinga ka na rin.”saad ko. Aangal pa sana ito na tila gusto pang makipag-usap sa akin ngunit dinig ko ang buntong hininga mula sa kanya. “Alright, rest well. I love you always, My Ailey.”sambit niya. “I love you..”pabulong kong saad bago pinutol ang tawag. Mahimbing naman akong nakatulog kinagabihan, maaga rin akong nagising upang pumasok sa trabaho. “Ano, Ms. Cabrera? Tatanga na lang tayo rito?”galit na saad sa akin ng manager ko. I thought she’s really kind pero mukha itong drakula kapag nagagalit. Ininda ko na lang ang masasakit na salita na galing dito. Halos ganoon lang ang naging routine ko sa araw araw. Galing sa trabahong nasesermonan ng manager, kapag nasa bahay na’y hindi ko mapigilang kainin ng pag-iisip. Until, I finally want to go home. Kaunti lang ang dala dala kong gamit pauwi dahil babalik din naman agad ako sa manila kalaunan. Nang makauwi ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Mama. The warm of being home. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil do’n. Napatingin naman ako kay Kuya na nginitian ako, hindi ko binalik ang ngiti mula rito, nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kwarto ko. “Mabuti talaga at nakauwi ka na, Anak, miss na miss na kita.”sabi ni Mama sa akin at hinalikan pa ako sa noo nang makaupo ako sa hapag. Ngumiti lang ako ng tipid dahil dito. Napatingin naman ako sa asawa ni Kuya na si Gina. Ngitian niya ako ng makitang napatingin ako sa kanya. Hindi ko naman binalik ang ngiti mula sa mga labi nito. I know I shouldn’t be acting like this but I just can’t help it. I know na para akong teenager na nagrerebelde ngayon pero siguro naman ay karapatan din akong magalit. Ilang taon.. ilang taon na namuhay sila na para bang walang mga pamilya.. but now that they can’t do it with their own, humihingi na ng tulong sa inang siyang nagpakahirap sa lahat. “Ai..”nilingon ko si Kuya nang patungo ito sa lababo dala dala ang ilang pinggan. “Tapos na akong maghugas ng plato.”sabi ko at iniwan siya roon. Aba’t parang kumukulo ang dugo ko ahh, pinakaayaw ko ang may pahabol pagdating sa paghuhugas. “Ai..”tawag niya muli ngunit hindi ko na pinansin pa. Kahit nakakaramdam ako ng galit kahit paano’y nararamdaman din akong kasiyahan kahit kapiranggot. I thought everything will be fine or so I thought? Nakaramdam ako ng pagkataranta nang marinig ang tawag mula sa numerong ang tagal na hindi kailanman tumawag muli sa akin. “Hello.”malamig ang tinig ko ng sagutin ‘yon. “Hello, Ms. Cabrera? Kapatid po ba kayo ni Mr. Carlo Cabrera?”tanong sa akin ng tao mula sa kabilang linya. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo. That’s my brother, the one who likes to travel. “Opo.”sambit ko naman. Kusa na lang nalaglag ang phone na hawak hawak ko matapos ang tawag. Matagal lang akong natulala mula rito sa kinatatayuan ko bago natatarantang nagtawag ng masasakyan. Sinabi ko lang ang hospital kung nasaan ang tumawag. “Ma’am, medyo malayo po rito ‘yon.”sabi ng driver sa akin. “Kahit na! Kahit na!”malakas kong sigaw. Medyo nagulat ito at bahagya rin akong naguilty sa ginawa. “Pasensiya na po, please, Manong, I need to go there as soon as possible.”hindi ko mapigilang sambitin, hindi na rin mapigilan ang luhang tumutulo. Kahit pala anong gawin ko, kahit anong galit ko, mahal ko pa rin ang pamilya ko, hindi ko pa rin gugustuhing may mangyaring masama sa mga ito. “Ayos lang po ba kayo, Ma’am?”tanong ni Manong sa akin. Mukha ba akong ayos gayong mukha na akong basang sisiw na umiiyak mula rito sa kinauupuan ko? Nang makarating sa hospital ay agad akong nagbayad at nananakbo na lang patungo sa loob. “Nasa emergency room po pa siya, Ma’am.”sabi sa akin ng isang nurse nakasalubong ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makarating ako roon. “Kanina po namin kayo hinihintay, kailangan po ng pirma ng guardian ng patient upang masimulan na ang operation.”sabi pa nito. Wala si Mama kaya ako ang kailangan pumirma, aabutin pa ‘yon ng ilang oras at baka huli na ang lahat kung hindi pa ako pipirma. Nanginginig ang kamay ko habang pumipirma ng consent. Nanginginig ang kalamlam ko habang tinitignan ang Kuya na dinadala sa emergency room. Duguan. Walang malay. “Ang daya mo naman, Kuya.. ni hindi mo man lang ba ako babatiin? Ni hindi ko pa napapakita ang inis ko sa’yo..”umiiyak na saad ko habang nakaupo lang sa isang gilid sa labas ng emergency room. Hagulgol lang ako ng hagulgol. Hindi ko alam kung paano ko iiyak ang lahat. Ni hindi ko magawang ipikit ang mga mata dahil naalala lang ang mukha nitong duguan. Ni hindi ko alam kung ilang oras o araw akong tulala lang sa isang tabi, nailabas na ito ngunit wala pa ring malay. Maski sina Mama’y nandito na rin. Humagagulgol na rin habang nasa tabi ko. Wala ng luhang tumutulo sa akin, halo halong emosiyon ang sumasalamin. “Bibili lang akong makakain, Ma.”paalam ko habang bahagyang ngumiti at pinapahiran ang luha niya. Ni hindi naman nito magawang ngumiti sa akin, naiintindihan ko. Nakasalubong ko si Kuya Jackson ngunit wala akong oras para makipagbardagulan dito. Hindi ko rin kakayanin kung pati sa kanya’y may mangyaring masama. “insufficient balance po, Miss.”sabi sa akin ng cashier nang magbayad ako gamit ang savings namin ni Mama. Pinaulit ko pa ngunit ganoon pa rin. Pinakita nito sa akin ang balance ko. Para akong sinampal ng ilan pang beses dahil do’n. Wala ako sa sariling nagtungo sa hospital, gustong linawin ang gustong malaman kahit alam kong tama ang hinala ko. Kalamante na si Mama habang nasa kwarto ni Kuya. Pinagmamasdan lang itong natutulog sa isang tabi. “Anong ibig sabihin nito, Ma..”tanong ko kay Mama na pinakita ang laman ng savings naming dalawa. Mahinahon ang tinig ko ng magtanong. Parang wala na akong lakas para magalit pa. “Anak.. kinailangan ulit ng Kuya mo ang bagong panimula, sinubukan niya namang mag-invest pero—“hindi ko na siya pinatapos pa. “Okay na, Ma..”sabi ko at tumango. Hindi na niya kailangan pang mag-explain pa. Alam ko na.. alam ko na agad. Ilang beses na ba ‘yon nangyari? ‘Di ba? “Ano, Ailey? Magagalit ka nanaman? Sige magalit ka!”sabi ni Kuya sa akin. Nilingon ko ito. Bakit parang siya pa galit? Bakit parang kasalanan ko? Medyo nahiya naman ako sa kanya, ha? “Kulang pa nga ‘yon sa utang ng tatay mo sa amin! Kung hindi dahil sa tatay mo edi sana hindi kami naghihirap! Edi sana hanggang ngayon ay masasarap pa rin ang nakakain namin. Kung hindi lang naman kasi mang-aagaw ‘yang tatay mo—“ni hindi pa nito napatapos ang sasabihin ng masampal na siya ni Mama. “Anong ibig mong sabihin?”tanong ko. “Ang ibig kong sabihin hindi tayo parehas ng tatay! Ano gets mo na? Hardinero ‘yang tatay mo sa mansiyon namin, naging mabuti si Papa sa kanya pero anong ginawa? Inahas si Mama!”natatawang saad niya, parang ngayon lang nailabas ang lahat ng hinanakit. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko na talaga alam. I..I just want to end everything..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD