Kakatapos lang ng training niya sa martial arts kaya pauwi pa lang si Draze sa bahay nila. Paniguradong wala na naman ang magulang nila dahil busy ito sa trabaho. Sanay naman siya sa ganoong set-up. Ang ate niya rin ay busy lalo na't isa na itong detective. Masayag masaya siya dahil natupad nito ang pangarap at isa na ito sa pinakabatang naging detective sa pilipinas. Nang makauwi siya ay napangisi siya nang makitang may bagong libro siya sa ibabaw ng desk niya. Alam niya na ang ate niya ang bumili no'n. Mas marami pa itong alam sa kaniya kaysa sa magulang nilang busy palagi. "Oh, nakauwi ka na pala," ani ng ate Dixie niya. Kakatapos lang nito magluto at napansin niyang nakabihis ito ng maayos. "May trabaho ka?" kaswal na tanong niya bago umupo sa upuan at magsandok ng pagkain. "Yes

