Aurelia woke up with a big smile on her face. Feeling niya talaga ay mas naging close na sila lalo ni Draze. Pagkatapos niya maligo at mag-ayos ay bumaba na siya para kumain ng breakfast. Pinigilan niya lalo na mapangiti nang makita si Draze na nakaayos na rin. "How's your sleep?" tanong nito sa kaniya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil ito ang unang kumausap sa kaniya. "O-okay naman... masarap naman ang tulog ko," ani niya at nautal pa. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya ngayon, parang ang hyper hyper niya. "Good. Akala ko napuyat kita eh." Nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Kumain lang naman sila ng cake kagabi at nagkwentuhan hanggang ala una ng umaga pero bakit iba ang dating sa kaniya ng sinabi nito. Umupo sila sa dining table at sabay nag-agahan. Ihahatid siya ni

