CHAPTER 44 Nang mga sandaling iyon, inisip ko na hangga’t hindi ako nawawalan ng ulirat, lalaban ako. hanggang kaya kong lumaban susubukan ko. Hindi ako nagpatinag kahit pa alam kong may hawak siyang baril. Sigurado kasi ako na hindi naman talaga nila akong kayang patayin kasi kung talagang balak nila akong patayin, nangyari na dapat kanina pa lalo pa’t may baril sila. Bukod sa tama ko sa balikat na siyang isa ring dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng panghihina dahil sa pag-agos ng dugo ay wala na akong malalang tama at mukha namang wala silang balak barilin pa uli ako. Hindi na nila pinaputok pa ang kanilang mga baril. Sa sobrang hirap ng pinagdadaanan ko, hindi na ako natatakot pa sa baril nila. Hindi na ako takot pang mamatay. Ang tanging takot na lang na meron ako ay ang magahasa n

